MAN IN THE DARK
"Today you're going to group yourself again in 5 with 6 members each para sa assignment na ibibigay ko tungkol sa History ng Light Realm at para hindi na magkagulo pa ay ang dating bilangan na lang ulit ang mangyayari at makakagrupo niyo ulit ang mga nakasama niyo noong nagpakilala kayo, naiintindihan niyo ba?" Paliwanag ni Miss Arcade sa amin.
Patapos na ang klase kaya nagbibigay na lamang siya ng assignment bago lumabas ng klase.
"So now go to your respective groups para ma explain ko na ang gagawin niyo..." Agad naman kaming nagsitayo para pumunta sa dati naming pwesto...
"Ang gagawin niyo ay gumawa ng presentation tungkol sa History at ang gusto ko ay malinaw niyo itong idedetalye at ang pagtutulungan ang magiging susi niyo para magawa ang assignment sapagkat ang gusto ko ay gamitin niyo ang inyong trait sa presentation..." Agad na nagsiangal ang iba kaya huminto si Miss Arcade ng sandali sa pagsasalita para marinig ang mga saloobin ng iba.
"Miss Arcade parang napaka imposible naman pong gumawa kami ng visual sa pamamagitan ng traits namin?" Ngumiti naman si Miss Arcade sa huling nagsalita.
"Exactly! I also want you to enhance your trait sa gagawin niyo and hindi ko naman kayo minamadali dahil ipiprisinta niyo ito by friday dahil walang pasok sa weekends and next week ay ang pagkuha niyo ng ID." Tahimik naman ang buong klase dahil sa sinabi ni Miss Arcade pero nag-angat ng kanang kamay ang katabi ko na si Chandria.
"So what you are trying to say Miss Arcade ay sa loob ng dalawang araw ay magsasanay kami para gumawa ng visual gamit ang traits namin?" Umiling naman si Miss Arcade na siyang lalo naming kinataka. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?
"No that's not what I meant. Kaya ko kayo ginrupo ay hindi para lahat kayo gumawa ng visual maybe 1 or 2 person can do the visual and the rest will help explaining it." Mukhang nagets naman ng iba kaya tumahimik na muli ang klase hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase.
"You can start your training now if you want dahil wala na tayo magiging klase sa mga susunod na araw except sa friday dahil iyon ang araw ng presentation niyo. Is that clear?" Sumagot kami ng yes at nagsitayo.
"Goodbye class!" Masayang sabi ni Miss Arcade.
"Goodbye Miss Arcade, goodbye classmates!" Una kaming yumuko kau Miss Arcade at pagkatapos ay sa mga katabi namin tanda ng pamamaalam.
Ganito talaga kami kapag nagpapaalam sa klase, kailangan mag bow muna bago lumabas ng classroom.
Matapos ay dumiretso na kami sa Cafeteria para kumain at himala dahil kasabay namin dito si Kiara.
"Anong magandang nangyari sayo at sumabay ka sa amin ngayon?" Pang aasar kong tanong ngunit inismiran niya lang ako!
Habang kumakain na kami ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina kay Allana. Tinitigan ko ito at hindi mababakasan ng anumang sakit o kahinaan kaya lalong nakapagtataka.
Ano bang ginawa ni Krista para mapabuti ang kalagayan niya?
Sa pag-iisip ko ay 'di ko namalayan ang hudyat ng bell. Napasimangot ako dahil hindi ko pa nauubos ang kinakain ko.
Magkasabay na naglalakad sa likuran namin ni Kiara si Krista at Allana na masinsinang nag-uusap at mahina ang mga tinig na tila'y nag iingat na hindi namin maririnig ang anumang pinag uusapan nilang dalawa.
Hinayaan ko na lang muna ang kyuryosidad sa isip ko at tumungo na ulit pabalik sa room. Wala na kaming klase ngunit babalik kami doon para makipagkita sa mga kagrupo namin at simulan na ang pagsasanay para sa presentation na gaganapin sa Friday.
"Lianna, mauna na kami ni Krista, ah? Nandoon na kasi ang mga groupmates namin..." Sabay turo niya sa kaliwang banda ng classroom at tumango na lamang ako at ngumiti kay Allana.
Siguro kakausapin ko na lang siya mamaya sa Dorm.
Agad din naman kaming lumapit ni Kiara sa grupo namin dahil magkagrupo namin kami. Tinago ko ang inis ko ng makita ko na naman ang babaeng ubod ng misteryo para sa akin. Kassadin.
"Okay so complete na tayo! Doon tayo sa coffee shop para mapagplanuhan natin ang gagawin" Aniya ni Kassadin na pumayag din naman ang lahat.
Pumunta kami sa Coffee Shop na nasa loob lang din naman ng Akademya pero malapit ito sa Gate ng Akademya.
"So guys, who wants to volunteer para gumawa ng visual?" Tanong ni Chandria. Walang sino man ang nagtangkang magtaas ng kamay dahil sino ba naman ang gustong gumawa ng isang bagay na sa tingin nila ay imposible.
"Wala talaga? Siguro ay ibase na lang din natin sa trait natin kung sino ang may kakayahan na gumawa ng visual" Sabi naman ni Kassadin.
Silang dalawa lang ni Chandria ang talagang nagsasalita at kami ay tahimik lang din na nakikinig sa kanila.
Sa huli ay ang gagawa ng Visual ay si Yuuki dahil Illusionist siya ay kaya niyang gumawa ng imahe gamit ang trait niya. Ang kasama niya sa paggawa ng visual ay si Kiara dahil gamit ang Ice niya ay gagawa siya ng mga shapes na tutugma sa lugar noon o maging ang paggawa ng yelong tao para mas lalo mavisualize.
Ang magpapaliwanag naman ay kaming apat na natira. Hindi na rin ako umangal dahil wala naman ako karapatan at mahina pa ang trait ko kaya hindi lamang ito makakatulong.
Matapos ang pag-uusap namin ay nagsialis na rin sila maliban sa akin. Nanatili ako sa Coffee Shop dahil kanina pa ako may nararamdamang kakaiba.
Luminga linga muna ako sa kaliwa't kanan ko ng pasimple para hindi mahalata. Matapos ay pasimple kong kinuha ang bag kong nakalagay sa likuran at sumilip na rin kung sino man ang nagmamasid sa akin.
Nangunot ang noo ko at muling binalik ang dating ayos.
Kitang kita ko sa likuran ko ang isang lalaking nasa tabi ng puno at titig na titig ito sa direksyon ko na parang isang stalker.
Madilim sa kinatatayuan niya kaya hindi ko malaman kung kilala ko ba ito o hindi o di kaya'y malaman ang itsura nito.
Nagpalabas muna ako ng isang malalim na paghinga at naglakad na rin papalabas ng Coffee Shop.
Pinuntahan ko kung saan siya nakatayo kanina ngunit wala na akong nadatnang tao pero ay natigil ako ng may makita akong papel na at isang rosas.
Kinuha ko ito at binuklat ang papel.
"Please take care." Ayun lang ang nakalagay sa sulat pero biglang tumibok ng mabilis ang aking puso.
Sino ba siya at bakit niya sinasabing mag ingat ako?

BINABASA MO ANG
CMA #1: The Mind
FantasyJoin Lianna Raven on her adventure of finding out her greatest weakness that turned into her greatest strength that everyone is not aware of. "The weakness can be your strongest."