PRESENTATION 1
Dumaan ang dalawang araw at pinuno ko ang aking sarili sa Silid Aklatan kasama sina Chandria, Kassadin, at si Selene. Kami kasing apat ang magpapaliwanag para sa biyernes kaya pinag aaralan namin ang nangyari noon.
Si Kiara at Yuuki naman ay magkasamang nagsasanay sa Open field. Hindi ko alam kung paano sila magsanay dahil nagkikita lang kami pagdating ng hapon para maipaliwanag ang mga visual at ang mga sasabihin namin.
Pumunta ulit ako sa isang shelf dito para tumingin pa ng ibang libro dahil tapos ko na basahin ang binabasa ko tungkol sa kasaysayan ng bawat City.
Nahagip ng aking paningin ang isang libro dahil hindi ito nasa tamang ayos dahil lahat ng katabi nitong libro ay maayos na nakahilera. Kinuha ko ito ngunit bumagsak muli ang isang papel kasama na muli ng isang rosas.
Pinulot ko ito at tumingin muna sa paligid kung may nakamasid ba sa akin ngunit wala naman kaya binuksan ko na muli ang sulat.
"Open your mind..." What? Napaka kakaiba talaga ng lalaking 'yon at kung ano ano ang pinagsusulat sa papel. Tinago ko na lamang ito sa aking bag at bumalik na sa pwesto kasama ang librong bitbit ko at nagpatuloy na muli sa pagbabasa.
Lumipas ang araw at Friday na kaya maaga kaming lahat nagsigising at kumain.
"Ready na ba kayo mamaya?" Ngiting tanong ni Allana sa aming lahat. Ngumiti din ako dahil hindi ko rin mapigilan ang maexcite mamaya.
"Yes! Super!" Tugon ko at tumawa kaming dalawa ni Allana habang ang dalawa ay patuloy pa rin sa kanilang pag kain. Nagkatingin kami ni Allana matapos makita ang inakto ng dalawa at sabay na tumawa muli.
"Ano ba! Hindi ba kayo titigil sa pagtawa!" Inis na sabi ni Kiara! Tumigil naman kami ni Allana sa pagtawa at bumungisngis na lamang.
"Hoy mga K uso ang magsalita bakit ang tahimik niyo!" Asik ko sa kanilang dalawa pero nag iwas ako ng tingin ng tignan nila ako ng masama!
"Kayong dalwa magsitigil na kayo sa kakulitan niyo" Bakas diin sa bawat salita ni Kiara sa kanyang sinabi at napangisi ako.
Matapos naming kumain ay pumunta na muli kami sa aming klase at habang inaantay si Miss Arcade ay nakipagkwentuhan muna ako kay Allana.
"Good Morning class!" Bumalik na muli sa dating upuan si Allana at nagsitayo kami para bumati kay Miss Arcade.
"Ready na ba kayo sa presentation niyo?" Tanong nito. May ibang umaangal at sinasabi kung pwede ay sa susunod na lamang ituloy ang presentation habang ang iba ay masayang nagsasabi na ready na sila at kasama kami doon!
"I want everyone to stand up and move aside away from the chairs." Sinunod namin ang sinabi niya at tumingin si Miss Arcade kay Krista.
"Miss Celestine, can you do the honor to move all the chairs at the back?" Pagpapa cute nitong tanong. Tinignan siya ni Krista ng masama pero sinunod din nito ang sinabi niya kaya namangha kami ng sabay sabay umangat ang mga upuan at pinunta niya ito sa likurang bahagi ng klase. Malawak naman ang klase namin kaya hindi pa rin masasabing nagsisiksikan kami.
"Okay guys maaari na muli kayong umupo at ang una sa presentation ay ang ika unang pangkat." Nagsitayuan na ang ika unang pangkat at kabilang sa kanila si Krista na hindi mo makikitaan ng emosyon ang mukha.
Nang makatayo sila at pumunta sa harap ay nagsalita muli si Miss Arcade, "Nais kong magpakilala kayo isa isa bago kayo magsimula dahil alam kong ang iba sa inyo ay hindi pa lubusang kilala ang isa't isa"
Nagsimula nang maglakad ang namumuno sa kanila sa harap, "Karylle Jane Flores, Wind Mage from East City."
Ang mga Mage ay parang mga sorcerer dahil kailangan pa nila gumawa ng mga Magic Circles para mapalabas ang trait nila habang ang mga Manipulator ay magbibigkas lamang ng mga salita at mapapalabas na nila ito.
Sumunod na naglakad ang isang lalaki na todo ang ngiti, "Ryan James Reyes, Speed from East City." Nagbow pa ito sa amin kaya naman ang iba ay natawa sa ginawa nito.
Si Krista naman ang sunod na nagpakilala, "Krista Celestine, Telekinesis from West City." Matapos niyang magsalita ay mabilis din itong tumalikod at bumalik sa dating pwesto.
"Dennis Briones, Clone Maker from North City." Kita ang ngisi nito matapos magpakilala at ako naman ay namangha dahil may itsura ito at ang pag ngisi niya ay parang pinapahiwatig na mahuhulog ako sa kanya! Chos!
"Vincent Clemente, Invisibility from South City" Simple itong ngumit at mahahalata mong mabait talaga ito.
"Jayce Hemsworth, Strength from Central City." Rinig ang mga tilian ng kababaihan dahil sa kanya. Siguro ay kilala siya dito dahil hindi rin naman maitatanggi na gwapo ito at talagang maaakit ka dahil na rin sa pamamaraan niya ng pagporma. In short, may dating!
Matapos nila magpakilala ay sinimulan nila ang presentation. Si Karylle at Dennis ang gumagawa ng visual habang ang natira ang siyang nagpapaliwanag.
Gumawa si Karylle ng Magic Circle at namangha ako ng magsimulang umihip ang hangin at ang mga alikabok ay nagtitipon tipon hanggang sa makabuo ito ng mga imahe ng tao.
Pinaliwanag ni Krista na ang binuo ni Karylle ay ang mga unang namuno noon o ang mga Royals sa Light Realm. Sumunod na nagpakitang gilas ay si Dennis at bumuo rin siya ng mga may kaugnayan dati ngunit ang kaibahan ng kanya ay gumagalaw ito 'di tulad kay Karylle na parang picture lang talaga.
Pinaliwanag ng iba sa ginawa ni Dennis ay ang mga anak ng mga dating Royals.
Muling bumuo ulit ng Magic Circles si Karylle at hindi na ito tao kung 'di ay maitim na ulap at ang wasak na mga gusali. Sa tingin ko ay ito ang masalimuot na bagsik ng Nature sa Light Realm at talagang nawasak ito noon.
Nagpatuloy sila sa kanilang presentasyon habang kami ay tahimik na nakikinig. Manghang mangha ako sa ginagawa nila at napasimangot ng matapos dahil nabitin ako!
Nagsiupo na sila at tumayo naman ang ikalawang pangkat. Nangunot ang noo ko dahil seryoso ang mukha nilang lahat. Mukhang tutok talaga sila sa pag-aaral dahil ang iba sa kanila ay may salamin at may hawak pang mga libro.
"Before we start our presentation, we would like to warn you about our graphics and explanatory..."Seryosong pamamanta ng namumuno sa kanila kaya dumoble ang katahimiman sa loob ng klase at ako ay napalunok ng todo.
![](https://img.wattpad.com/cover/189944869-288-k868816.jpg)
BINABASA MO ANG
CMA #1: The Mind
FantasyJoin Lianna Raven on her adventure of finding out her greatest weakness that turned into her greatest strength that everyone is not aware of. "The weakness can be your strongest."