CHAPTER 4

6.5K 280 24
                                    

Chapter 4
Qualify

Handog ng ika-300 na taong ng pagkatatag ng Iron Snake ang selebrasyon. Augusto pa lamang, pero nailabas na agad ang mensaheng simula na ng Chivalry Tournament. At kahit sino—kahit ilan ay pwedeng sumali.

Lalake, babae, bata, matanda o may kapansanan man. Simple lamang ang rubrics na kailangang sundin sa oras na tumapak ka sa starting line ng palaro.

Mailalathala ang pangalan mo sa listahan ng manlalahok, matatanggal lamang ito pag patay kana. Ang palaro ay may iba't ibang category; classic Chivalry, killing spree, group hunting at kung anong maisip ng moderators ng Chivalry, sasabihin lamang ang category ng bawat level sa mismong simula ng palaro.

Kada level ay may mamamatay, hindi lamang isa, bagkus 'di mabibilang. Survival parin ang tema, matira matibay hanggang sa pinaka-pagtutuos kasama ang Petanian at Euphorians.

Ang mga mananalo kada level ay may mapapanalunang isang daang pilak o higit pa—base sa taas ng ranggo o pinakita mong gilas. Ngunit ang pinaka-pinaglalawayan ng bawat mamayang sumali ay ang pinaka-dulo... ang titulo kung saan ano man ang hilingin mo ay ibibigay ng palasyo.

Base pa lamang sa panlilisik ng mga kalahok at sa huni ng kanilang mga tawa, handa silang pumatay ilang daan man para maisigaw ang minimithi ng puso.

At nagsimula na nga.

BINIGYAN kami ng bente kwarto oras upang pag-isipan at paghandaan ang pagsisimula ng turnamento kinabukasan. Sigurado ako na ang iba ay nagkanya-kanya na ng silid ng armas at pagpapalakas sa katawan, dagdag plano ng taktika upang maisalba ang sarili.

Ako naman ay nagtungo sa gubat ng Gredorma, umupo sa gitna ng tupok na gubat, ang kamay ay nakalapat sa damo... inaalalang nandito ang pamilya ko. Dinama ko ang sipol ng kagubatan at himig ng agila.

Nasa gitna ako ng pagpapahinga nang nakaramdam ako ng papalapit na presensya mula sa likod, napaka-bagsik ng kaniyang galaw at mata saakin, kahit pikit ang mata, sabay ng pagsugod ng gutom na ahas saakin ay ang paghuli ko sakan'yang ulo.

Gripping the snake in my claws brought me back to reminiscence. Don't die bare handed.

Sabay ng pagbukas ng mata ko, ay ang ingay ng lugar. Parang isang kisap mata—nakapila na ang lahat ng manlalahok sa sentro nang sumilay ang araw. Banat ang katawan at walang emosyon ang bawat isa. Wala ni isang makikitaan ng pagka-takot. Mapa-babae o lalake, lahat ay puno ng kumpyansa.

Walang kamatayan ang makapigil sakanila.

Umugong muli ang trumpeta, nagsimula nang tumaas ang punong ministro, suot na nito ang yunipormeng may tsapa ng buong karangyaan bilang pinuno ng Gredorma. Pagtigil sa unahan ng lalake, ngumisi siya bago pulakpak pagkakita sa dumagsang tao.

"Maganda muling araw! At sa lahat ng ating karangal-rangal na manlalahok upang iwagayway ang bandera ng Gredorma sa Chivalry Tournament!"

Hinayaan naming magsalita ang ministro, tanging mga manonood lamang ang nag-ingay, pagsuporta.

"Kung gayon! At wala na ngang aatras saating kadakilaan!" Tumango siya habang ang kamay ay nasa likuran. "Magsimula na tayo." Tumikhim siya, mula sa gilid ay tumaas sa entablado ang limang lalake, maingay ang kanilang suot na itim na combat shoes.

Ang mga lalake ay naka-yuniporme ng kulay asul, pangtaas at pagbaba, tela palang ay marangya na, ang kapa nila ay may kalakip na kulay puting fur, may sumbrero din, sa kabilang dibdib ay ang tsapang nagsasabing mula sila sa Euphoria. Base sakanilang kasuotan na may karangyaan, at mukhang 'di papasindak, alam mo na ang kanilang posisyon. Gumilid ang ministro upang gumitna ang limang lalakeng pinag-aaralan kami.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon