CHAPTER 28

3.1K 215 37
                                    

Chapter 28
Venom

VIRA

"Psst, handa na?" Agad akong tumango kay Gerrie nang sitsitan niya ako mula sa taas ng bahay. Nandito naman ako baba para intayin ang pagdating ni Kuya mula sa pagbili ng ulam sa sentro ng Gredorma.

"Parating na siya," matyag ko. Nanlaki ang mata nito at 'di nagkanda kumahog na hinila si Komander para patayin ang ilaw saka magtago sa loob para sa surpresa. Talagang pinagpuyatan ni Gerrie ang araw na ito, ilang araw narin kaming nagpa-plano. Birthday ngayon ni Kuya, nakakatawa pa nga at 'di niya naalala. Puros ako nalang ang inaasikaso niya eh.

'Di ko tuloy maiwasang mapakagat sa labi. Sigurading matutuwa si Kuya. Gustong gusto ko siyang nakikitang natutuwa.

"Oy! Bakit kapa nasa labas?!" Agad siyang tumakbo papunta saakin pagdating at tinignan ang paligid na parang mang-aaway. "Paano pag nakagat ka ng lamok?! Vira sabi ko, diba?!"

Kampante akong nag-angat ng labi at pinakita ang braso. "Ayos lang ako."

Bumuga ito ng hangin saka na ako inakbayan papasok. "Mabuti nalang at good mood ako ngayon! Saka tignan mo! Paborito mo binili ko!" Pinakita niya 'yong manok na lechon. Hinilig ko ang ulo ko sakan'ya dahil sa tuwa. Simpleng bagay, pero alam ni Kuya na gawing espesyal.

Kahit na kaarawan niya—ako. Puros Vira ang nasa isip niya. Anong gusto ni Vira, anong mas bagay kay Vira.

Niyakap ko siya kaya natigilan ito. "Aba, bakit ang lambing mo? Teka nga! Baka naman 'di lamok ang kumagat sa'yo at kung sinong gago na 'yan—?!"

"Kuya, tumigil ka nga—"

"Sabihin mo Vira! Taena! Magkakamatayan na kami ng gumalaw sa'yo!"

"Wala ngang kumagat!" Dipensa ko. "Wala, okay? Masaya lang ako." Noong una ay ayaw niya pang magpatalo pero umayon naman ito sa alibi ko at umirap.

"Malaman ko lang talaga. Ako nga 'di pa nakakakagat kay Gerrie tapos ikaw nagpakagat na? No way. Ako muna dapat maka-experience. Ako panganay eh."

"Kuya!" Kurot ko sa tagiliran niya sa inis, nadinig ko naman ang mura ni Gerrie sa gilid na puno ng gigil dahil narinig nito ang sinabi ni Kuya. Dama kong pulang-pula na siya.

"Basta 'yon ang kasunduan, huh?!"

"Kuya tumigil ka na nga—"

"Ako muna sabi, okay?" Naglabas pa ito ng pinky swear, wala akong nagawa kundi ang tanggapin 'yon saka siya humalakhak. "Wag ka munang papakagat, bata kapa."

"Aist."

"Teka nga, bakit ba ang dilim? May mumu?"

"Tss, basta doon tayo." Bahagya akong lumayo sakan'ya. "Teka, kukunin ko lang 'yong libro doon. Una kana."

"Okay, boss!" Saluda niya saka ako mabilis na umalis sa tabi niya para bigyan ng espasyo ang pasabog. Pero nakaka-limang hakbang palang siya nang natigilan ito. "Teka! Anong libro—?!"

"Surprise!" Halos tumili si Kuya nang sumabog ang confetti sa harapan niya, 'di ito nakaiwas. Sunod niyang nakita ang pag-ilaw ng buong bahay, sa harapan niya ang happy birthday balloon, may Christmas light at kung ano-ano pang burloloy sa gilid.

Walang maiusap si Kuya, gulat ang mata nito kay Gerrie. "A-Ano—"

"Habby birthday to you..." Sa gitna ng gabi sa loob ng mala-presong kaharian ng Carzuela, namumukod tangi ang aming bahay dahil sa kantahan para sa napaka-espesyal naming pamilya.

Nang tumigil ako sa harapan ni Kuya dala ang cake ay tumingala ito. Nagkantyawan tuloy sila Gerrie at Komander dahil sa itsura nito. Lumabas din ang 'di ko namalayang tawa dahil sa pagsinghot nito.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon