CHAPTER 17

3.9K 234 88
                                    

Chapter 17
Blade and Heart

STELLA

Natapos agad ang ikalawang araw ng Classic Chivalry. Halos mahiga ako sa loob ng kalesa, bumuka at paypayan ang singit ko sa init na dala ng kaba. 'Di ko parin maatim na isiping ganoon kalala ang mga hayop na 'yon kung pumatay!

Napaayos ako ng upo at agad na hinila ang braso ni Akeesha. "Diba patay na si Apollo, tapos patay narin si Ricky, parehas na Rank 1 ng kada-bayan, ibig sabihin ba noon si Radzyn at Vira na ang nangunguna?!" Sinamaan ako ng tingin ng bruha at tinulak ang mukha ko.

Napatingin saakin si Zen at saka sinilip si Vira na malalim ang iniisip habang nakatingin sa labas. Ay, bawal bang pagchismisan pag katabi lang namin 'yong topic? 'Di wow! Mamaya ko nalang chichismisan si Neddie, siya lang may kwentang kausap eh.

"Pero totoo lang..." Sinandal ko ang ulo ko sa pinagsiklop kong kamay sa likuran. Pinanood ko ang byahe. "Nakakatakot talaga pag nandoon kana, ano?" Kinalabit ko si Neddie. "Nakakatakot pag nasa entablado kana?"

Ngumiti siya at tumango. "Oo, pero isipin mo lang kung ano 'yong hihilingin mo, lalakasan ka agad ng loob!"

"Aye aye captain!" Saludo ko at piniling sikuhin si Akeesha.

"Ano?" Bakit ba kanina pa ito badtrip? Ah. Natatakot kaya siya pag kami na ang nabunot bukas? Pero hindi siya 'yong taong matatakutin... ah. Para saakin siya natatakot?

"Magpa-practice nanaman ba tayo mamaya?"

"Oo, ang kapal ng mukha mong lampa ka pag 'di ka dumating." Hinila ko ang buhok niya sa pagka-inis. Simula nang sabihing Classic Chivalry ang category ng laban, gabi-gabi na kaming nag-eensayo sa training room. At panay narin ang pagiging tuod ng itsura niya.

Nakarating kami agad sa kampo. Si Neddie ang unang bumaba, sumunod na kami. Nagkasabayan ang pagbaba ng Gredormans at Petanians. Nakatanggap agad kami ng mabasik na angil sakanila na parang gigil na gigil ang mga gago saamin.

Tss! 'Di lang nila matanggap na nilampaso ng isang Gredorman ang Rank 1 nila. Huminto ako sa paglalakad nang maalala nanaman 'yon. Hinanap ng mata ko si Radzyn, pero tinigil ko din agad at baka pag-initan niya ako.

Madalang ko lang mapansin ang lalakeng 'yon, lagi siyang wala sa matataong lugar. Gwapo nga creepy naman, plus 'yong ginawa niya kanina? Ay gaga 'wag na, lalandi nalang ako sa pangit. Baka ako pa ang isunod niya, ehh.

"Bilisan mo sa pagpunta sa training room," paalala ni mayora Akeesha.

"Oo na!" Habol bulyaw ko, dumiretso siya sa kwarto nito, ganoon din ako, huminto ako nang makitang makasalubong ko si Vira. Nagtaas agad ako ng kamay. "Saan ka? May sugat kapa oh," tukoy sa braso niya.

"Garden lang," simple niyang balik. At least 'di na siya pipi. Tutuloy na sana ako sa pagpunta sa kwarto nang bumalik ito saakin ng harap, plus 'yong tingin niya pa. Nagtaka tuloy ako.

"Bakit? Alam ko maganda ako."

"Yong... kanina."

"Sa?"

Nagdiin ang labi niya bago tumuloy. "Sa huling laban, ang pagkatalo ng Rank 1 ng Peta. Ano..." Kinilabutan ulit ako nang maalala ang nangyare. "Anong nangyare doon?" Huminto ako.

"Di mo ba nakita?" Umiling siya, ah kakalabas niya lang ng infrimary. "Ay naku! Mabuti nang 'wag mong alamin, 'di ka makakatulog. Atsaka... baka nakikinig si Radzyn... ayokong mapag-initan." Dahil 'di mahilig sa usap si Vira, isang iling ko lamang sakan'ya ay 'di na siya nagtanong pa.

"TAE NAMAN AKEESHA!" Bumagsak ako sa boxing ring nang pagod, hingal ako! Inaaral niya ako ng Martial Arts, kakatapos ko lang mag-archery. Ito nanaman kami. "Bakit ba wala kang tiwala na papasa ako?!" 'Di siya sumagot, seryoso ang tingin niya saakin.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon