CHAPTER 22

3.4K 202 146
                                    

Chapter 22
Consequence

Bumagsak ako sa lapag, napalayo saaking kamay ang basag na bote na siyang dapat kong ipang-tatarak. Umangat ang mata ko sa sumipa saakin paalis sa itaas ni Wendell.

Ang ministro ng Peta, sa likuran niya ang ministro ng Gredorma at ang kanilang mga instructor. Nagkuyom ako ng kamao atsaka na tumayo. Malamig ang tingin niya saakin. Nakipaglaban ako ng titig, dahil para saakin tama lang ang gagawin ko. Binali niya ang tensyon saka kay Wendell tumingin na hinihilot ang leeg tumingin.

"Yow, senpai!" Bati niya na parang walang nangyare, 'di siya sinagot ni Mikael. Samantala naglakad ito papunta sa gitna para pag-aralan ang nangyare, dumantay ang paningin niya kina Neddie. Narinig kong nagbuntong hininga si Fernan.

"Sinabi ko na nga bang walang tutupad sakanilang salita," aniya. Umiwas ako ng tingin. 'Di naman namin ginusto, 'yon ang gusto kong ipaglaban pero 'di naman sila maniniwala.

"Ministro, tatlo po ang nakitang bangkay sa ibang palapag," anunsyo ng dalawang kararating na instructor.

Pumikit ako at pinilit na muling kumalma. Tatlo... kasama na si Gino. Mas nadagdagan ang sikip sa dibdib ko nang makitang dumating ang grupo nila Magdalene, may dugong tumutulo sa espada niya. Inagaw ng espada niya ang pangarap ni Gino sa pamilya nito. Isang anak ang nawalan ng ama.

"Patay, huh? Mag-ayos kayo ngayong gabi," sabi ni Mikael. Madilim ang mukha. "Pagsapit ng araw, katulad ng napag-usapan. Haharapin niyo ang parusa sa paglabag ng napag-usapan sa kampo."

"Teka! Parusa?! Kami na nga ho ang maperwisyo! Pinaglaruan kami ng mga Petanians!" Pahabol sigaw ni Heather. Kahit sila Neddie ay 'di rin matanggap na isa kami sa magkakamit ng parusa. Kakatapos lang naming harapin ang isang palaro- isa nanaman ang nag-iintay saamin pagtungtong ng umaga.

"Usapan ay usapan. At pumayag kayong lahat sa kasunduang 'yon, diba?" Ito na ang huling binitawan ni Mikael bago sumakay ng elevator pababa.

Lumapit saakin si Neddie at tinapik ang aking likuran. "Kalma, magpahinga na tayo... nakakapagod na rin, diba?"

--

Sa labas kami ng building nanalagi. Nandoon sila Cassandra at ang iba pang Gredorman. Halos pumutok sila sa galit nang malaman na ang naging matalik nilang kaibigan ay isa sa nawala ngayong gabi.

Nang nadatnan ko si Gerrie pang-abot ang aking nakuhang sermon at sigaw sakan'ya. Pero nang makita nitong wala akong gaanong sugat ay niyakap niya nalang din ako. "Salamat at ayos ka..."

"Sorry, nag-alala ka," paumanhin ko, akala ko ay pakakawalan na niya ako pero nakatikim pa ako dito ng kurot. Dinuro niya ako.

"Isa pang ulit mong umalis sa paningin ko, maaga kitang isusunod kay Vic!"

"Sorry na nga," sa huli ay inayos niya ang buhok ko at binigyan ng tubig. "Nga pala, kamusta ang mga kasama mo?" Bumaling ako sa kinauupuan nila Neddie. May instructor na nagprisintang gamitin ang sugat ni Zenaida, napansin ko namang nag-iisa si Vienn sa gilid. "Gusto mong kausapin?"

"Susubukan ko."

"Oh bigay 'to," abot niya ng isa pang tubig. Bago ako umalis ngumiti pa siya. "Masaya akong makitang mayroon kang kaibigan, Vira. Matutuwa din ang Kuya mo."

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon