CHAPTER 12

4.3K 250 56
                                    

Chapter 12
True Menace

ZENAIDA

She's clearly lying. I put back the dagger on my side while thinking what could be the conversation about. Vira is not that typically special to be mixed with some high ranked scientist... or maybe, because she's really not that ordinary.

I glance at her moving frame, I smirk. Since the first day, she's a mystery puzzle for me. And there's no secret that I won't be able to dig.

I went back at my room, I open the lights and slightly grin when I saw Neddie laying comfortable on my bed, reading the book I took from the library. She raise her hand without looking at me.

"Oy Zen!"

I heaved and took off my shoes and socks. I joined her at the bed and slightly pushed her shoulder. "Bakit ang hilig mong tumambay dito?"

"Para namang ewan, patambay lang eh, anong masama doon?"

"You just said it," I cleared out. She laugh giving me a blaming face.

"Ikaw ah, bakit ayaw mo akong tumambay dito? May tinatago kang bangkay ano?"

"Soo what if I am?" I flip the book open. Naupo siya sa dulo ng kama, nakatungkod ang dalawang kamay sa likuran habang nililibot ang paningin sa loob.

"Well, 'di naman imposible," tinanaw niya ako at ngumisi. "Ikaw naman ang totoong psychopath sa grupo, 'di ba?"

"Di wow. Ano bang kailangan mo?"

"Wala nga, nagbabasa lang ako. Atsaka, bakit ba puros biology ito? Anong trip mo at pinag-aaralan ang katawan ng tao? Papatay ka talaga? Ohhhh!"

"Matagal na."

"Pfft! Oo nga pala." Humilata siya sa kama, natulala sa kisame.

"Anong kailangan mo?" Ulit ko. Lumanay muli ang mukha niya. Hinubad ko ang salamin at sumandal sa headrest ng kama para makinig.

"Normal. Kinakabahan ako sa mangyayare bukas..."

Ito ang personality ni Neddie. Lahat ng takot niya ay kinikimkim niya sa loob at nagbubukas lamang sa ilan. Natatakot kasi siyang idamay ang nasasakupan niya. She's too obsess in being the greatest Alpha, that's why she often forget how to feel weak in the eyes of the mass.

"Nakapanood na tayo noon ng classic diba? Mas mukhang malakas noon ang iba, ngunit nauwi parin sila sa Trench. Tapos ilan ang posibilidad na kapwa Gredorman ang ating makakaharap? At paano mananalo? Lalo na pag Petanians."

"Ano bang inaalala mo?"

"Hmm... syempre! Gusto ko pang makauwi. Miss ko na si Nanay, sila Nathan... si Pablo." Napangiti siya na parang naalala ang mga mukha nila. "Ang pangako ko sakanila ay uuwi ako, dala ang tagumpay, pero paano Zen? Paano tayo mabubuhay para sa iisang hiling na pinagtatalunan ng... lahat?"

Bumuga ako ng hangin. Everyone is going crazy over that shit. Why does they go insane over one thing when they can do more than that? They can kill everyone, people are not using their brains.

"Itarak mo lang ang patalim sa puso ng kalaban." Natawa siya.

"Hindi kasi 'yong literal! Paano pag naunahan niya ako? Anong dapat kong gawin, gusto ko pa kayong makita hanggang sa dulo."

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon