CHAPTER 14

3.6K 230 93
                                    

Chapter 14
Bloodshot


APOLLO

Sumipol ang ilang kalalakihan saaking likod. Kahit ang ilang ka-grupo ko ay walang nagbalak na tumapik saaking balikat para sa mangyayareng laban. Walang imik akong tumayo mula sa inanunsyong takbo ng araw.

Sinipat ko ang aking kaliwang bahagi, doon ko nakita ang babaeng nakatayo tulad ko, ang nagbibigay kalikot saaking utak sa tuwina. Humigpit ang aking hawak sa espada, naglangitngit ang aking mga buto. Nang suklian niya ang aking titig, naglaban ang yelong lumindol sa buong atmospira... mula saamin ito.

Nagtagis ang aking bagang sa itsura niyang... kahit anong gawin ng iba ay walang lumalabas na emosyon. Walang lumalabas na takot, walang kahit anong nagpupumilit na labanan ang aking mga bintang sakan'ya.

Inaangasan niya ako... ito ang kinakagigil ko. Nagmamataas siya, at walang pwedeng gumawa noon sa lugar na ito kundi ako. Ako lang... at papatunayan ko 'yan ngayon. Titibagin ko ang yelo niya, lahat ay maniniwalang walang mabuting dala ang mga babae.

Wala

Lumapit ang instructors saamin, umuna bg lakad sila Victoreigna. Sumunod kami, habang tinatahak ang pasikyo patungong entablado, nakatingin lang ako sa likuran niya. Kahit paghakbang niya ay napaka-lamig. Walang pinapakitang kahit anong paghahamon o takot nang marinig ang pangalan ko.

Pwes, kailangan na niyang magsisi.

Naghiwalay kami ng daan. Sa kabila akong pultuhan. Sabay ng pag-ugong ng trumpeta, ganoon din ang pagsilaw saakin ng araw patungo sa entabladong iniyakan ng mga manlalarong namaalam.

Unti-unti ko naring nasilayan ang mukha nito. Tanging mata lang namin ang siyang nakikita ng bawat isa. Tumigil kami nang may maayos na distansya sa gitna. Parehas na walang usap.

Pagtunog palang ng nag-aanunsyo sa pagsisimula, kaagad ko nang hinugot ang aking espadang malapad mula sa likuran. Mas naiinis ako sa nakikita ko ngayong imahe niya.

Bakit wala siyang usap? Parang tuod itong nakatayo doon, hawak ang isang punyal at doon lamang nakatitig. Minamaliit niya ako. Pwes, gumawa siya ng isang malaking kagaguhan. At 'di ko na gugustuhin pang makita ang pagmumukha niya sa next level. Tatapusin ko ito sa pinaka-mabilis na paraan, at gamit ang sarili kamay, tatanggalin ko ang kan'yang puso.

Pumosisyon ako, ang paa ay kumuha ng pwersa sa likuran, ang aking kamay ay tumaas at sinentro ang patalim sa puso niya. Isang hagis lang, tatarak na sakan'ya ang espada kong maghahari sa hangin. Ngunit... ngunit! Bakit— bakit wala parin siyang ginagawang ilag?!

Bakit ba siya nakatayo lamang?! 'Di ba siya takot mamatay?! Tanga ba siya?! Wala ba siyang utak at tatanggapin ang kamatayan ng ganito kadali?! Akala ko... mas higit pa siya dito.

Naalala ko ang araw ng Qualifying round. Kakaiba siya noon, napansin ko itong tagong-tago ang mukha. Kagaya ko ay nag-iisa lamang din siya. Mas nakuha niya ang atensyon ko nang makita ang mata niyang walang bahid ng apoy o pakiramdam. Tila... tila patay. Pinatay?

Nang magsimula ang laban, alam kong 'di ito makakapasa. Patuloy lang ako sa paglalakad para maghanap ng target— doon ko siya muling nakita. Nakita ko kung paano niya patumbahin ang tatlong lalakeng sumunod sakan'ya, nakita ko kung paano niya itarak ang ahas sa leeg ng lalake bago bumulong... narinig ko 'yon.

"Alam mo kung ano 'yung twist? Gaya ng sabi mo, totoong maperwisyo ang mga babae." Tumalsik ang dugo sakan'yang damit. "Dahil mas malala kami sainyo."

Tumatak saaking isipin ito, at 'di ko... tanggap. Kahit kailan hindi, ipapamukha ko na mali siya at ang mata nito.

At ngayon... nakatayo lang siya. Nawala lahat ng sumisirit saaking utak na malakas siya. Baka nga tinanggap na niya ang madaling kamatayan. Ibibigay ko ang hinihiling niya.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon