CHAPTER 5

6.1K 286 139
                                    

Chapter 5
Peta

"Sa ngayon ay mananatili kayo sa Gredorma, bukas na bukas ay darating ang kalesa patungong kampo ng Peta, maging maayos sana ang inyong gabi," 'yon lang ang inanunsyo ng usher ng Chivalry.

Tumayo ako mula sa gilid hawak ang brasong walang awat sa pag-apaw ng dugo. May mga dumating na mga guwardiya sibil, sa gitna sila ng sentro pumuwesto.

Umunahan ang isa hawak ang isang mahabang papel. "Igu-grupo namin kayo para sa tent, kada isa ay naglalaman ng limang katao." Nanatili akong nasa gilid hanggang mag-anunsiyo.

Nagbigay naman sila ng respeto at umayon ito sa kasarian. "Rank 10, 14, 15, 18, 49 tent number 8!" Natawag na ako. Umikot ang paningin ko para hanapin sila, lumapit naman 'yong apat na magkakaibigan para kunin ang mga mayeryales. 'Di na ako nagdalawang-isip na lumapit doon.

'Yong babaeng nagbigay ng tubig ang unang nakapansin saakin. Siya ang rank 15. "Tara! Dito nalang tayo para madaling maka-pila sa pagkain," desisyon niya. Pumayag ang lahat at wala akong usap.

"Oy ikaw." Tumingin ako sa likod at nakilala ito, ang babaeng laging may hawak na mansanas, kahit ngayon. Siya ang Rank 10. "Kumuha ka ng tubig doon," tukoy niya sa balon. Nagpupuntahan narin doon ang iba. Tumango ako, inabot ko ang kamay ko pero tinulak niya ang kahoy na balde saaking braso. "Bilisan mo." Napakislot ako dahil natamaan ang sugat ko. Mukhang napansin 'yon ng ibang kasama.

"Akeesha." Lumapit ang isang babaeng may salamin saakin. Ang Rank 14. Inurong niya si Akeesha na piniling lumayo na nakangisi. "Pasensyahan mo na." Kinuha niya ang balde saakin. "Nasugatan ka, tama?"

"Oo." Matagal niya akong tinitigan bago inayos ang salamin at hinawi ang telang nakatakip sa braso ko. "Hmm?"

"Wala, pwede ko bang makita? Delikado pag tumagal ito, baka mag-inspeksyon." Mukha siyang matalino kaya hinayaan ko na lamang. Tinanggal ko ang balabal sa braso ko, napaayos ito ng salamin sa kalagayan ng sugat. "Ang lalim nga. Teka lang." Tinignan niya ang isang babaeng ka-grupo naming nakahiga at nakatulala sa kalangitan. Ang rank 18. "Stella. Ikaw kumuha ng tubig. Sugatan siya." Hinagis niya dito ang balde. Agad namang naka-iwas ang babae na umirap.

"Balastuga mo, Zenaida!" Singhal nito, tinignan niya muna ang braso ko bago mabilis na nakipila sa balon. "Eww."

"May medic na dumating, pwede nila itong magamot kaagad, samahan nalang kita." Umiling ako at tinakpan ang braso.

"Ako nalang. Madami pa ditong gagawin." Nagkibit balikat siya.

"Fine."

Tumulak na ako papunta sa tinuro niya. Nakihalo ako sa mga maingay na Gredormans na may kanya-kanyang away sa ka-grupo para magawa agad ang tent. Ang iba naman ay naka-upo na parang hari. Kagaya ng grupo nila Apollo, ang apat ay nagkukumahog sa paggawa, habang siya ay nakaupo, umiinom at tinitignan... ako.

Ako...

Gusto kong magtaka sa pagsalubong ng mata namin, pero pinili ko nalang na makihalo sa tao, sinantabi ang nangyare. Nasa dulong bahagi ng sentro ang pagamutan, walang masyadong tao dito.

Pumasok ako sa malaki-laking tent, may mga kama sa loob at dalawang doktor na binati ako na may ngiti. "What happened?" Pinaupo nila ako sa kama. Walang usap kong tinanggal ang tela sa braso, napangiwi din sila sa laki ng sugat at namuong dugo.

"That's awful," wika ng babae. "I'll prepare the things, doc." Tumango ang lalake sa babae at saka na sinimulang linisin ang sugat. Mukhang galing Peta ang mga doktor dahil sa rangya ng kasuotan at linis ng balat.

Tumitig nalang ako sa ibang bagay habang ginagawa nila 'yon saakin. May tinurok ang babae sa ugat ko, panandali akong walang naramdaman, anesthesia yata, saka na nila tinahi ang aking braso, sa huli ay may pinahid sila. Napabuga ako ng hangin. Isang oras lang ay maayos na.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon