CHAPTER 8

4.2K 265 15
                                    

Chapter 8
Whole

NEDDIE

"Bakit?" Tumigil sila nang mapansing 'di na ako nakasunod. Naka-gawi na ang tingin ko sa pinag-iwanan namin kay Victoreigna. Hinahalukay ang puso ko sa nangyare.

'Di ko ito makimkim. Bumuga ako ng hangin at naglahad ng kamay kay Zenaida na nabasa ang desisyon ko. "Pwede ba tayong nagpalit ng sandata? Hindi niya 'yon kaya."

"So magpapa-iwan ka din?" Taas kilay na saad ni Akeesha, buhat niya parin si Stella na halos mawalan na ng malay sa tarak ng pana.

"Kailangan, mas mapapabilis din tayo pag mas madami ang pwersa. At... grupo tayo, wala dapat maiiwang mag-isa." Napatingala ang babae at nagbuntong hininga.

"May respeto kami sa desisyon mo, Neddie." Lumapit si Zenaida at binaba sa palad ko ang baril na may balang lason. "Bilisan niyo, ako na ang bahalang magprotekta sa dalawa." Tumango ako.

"Asahan niyo."

Naghiwalay na kami ng mga landas, bumagal ang pag-usad nila, pero alam kong sakto na ito para maagap silang makarating. 'Di ako inabot ng siyam siyam at agad nakabalik sa lugar ni Victoreigna. Sa sanga muna ako nagmatyag.

Alam kong 'di magiging madali saamin ang laban. Lima silang Petanians, mga lalake. Puno ng ningas ang mga mata nila sa babaeng binabasa ang kanilang mga gagawing sugod. Kung titignan mo ang babae, ni pagkibot ng labi dahil sa takot ay wala siyang pinakita.

Hanga ako sakan'ya kahit noon. Madalas siyang walang imik at ekspresyon sa mukha. Ngunit basa kong malaki ang ibubuga niya sa kahit ano. Matalas ang mata niya, kaya niya pa ngang kumilatis kung anong paparating saaming gawi. Pero kahit ganoon, alam kong 'di pa siya ganoong kapulido, at ang makaharap ang well-trained Petanians at mapatumba sila nang ganoon kadali ay imposible.

Nagsimula na akong mag-isip ng taktikang gagamitin. Kung puros sugod ang gagawin namin, mapapagod kami, at 'di malabong magka-injury. Hangga't maaari ay dapat naming iwasan ang paggamit ng dahas.

Kung ililigaw namin sila, kailangang maging pain ang isa saamin, ngunit sa tikas ng pangangatawan nila ay 'di oobra saamin. Isa pa, may pana sila, magagaya lamang kami kay Stella.

Sa ganitong sitwasyon, wala akong maisip na paraan kundi ang bitag at paggalaw nang 'di nila nakikita. Kung makakahanap lang ako ng paraan para magawan ng bitag... may tyansa pa kami. Kung makakausap ko lang si Victoreigna, pwede pa...

Tumingin ako sa paligid, subalit kahit baging na makapal ay wala akong mamamataan. Kung titirahin ko sila ng bala ng lason, ilang porsyenteng ang pagwawagi namin? Halos kagatin ko na nag kuko sa pag-iisip—teka—gumalaw na si Victoreigna!

Teka! Hindi pwede! Hindi pa handa!

Kinabahan ako sa maari niyang gawin at kahantungan pag ginalit ang Petanians kaya naman mabilis akong tumalon pababa at pinigilan ang braso niya, gulat din ito saaking pagsulpot. Umiling ako sakan'ya at inurong ito.

Minata ko ang mga lalakeng mukhang nawalan na ng pasensya at minamaliit ang aming kakayahan. Inurong ko pa ito nang humahakbang na sila, madali lang nila akong mapipiga sa leeg.

"Kita mo 'yong puno sa kaliwa?" Bulong ko, agad niya itong tinignan. "Pag sinabi kong takbo, bilisan mo ang pagpanik." Tumango siya. Gaya ng inaasahan namin ay pana ang una nilang ginamit, tinulak ko si Victoreigna pakaliwa at sa gitna namin dumaan ang pana, umakyat agad ito pataas at ako ay nangudngod sa baba.

"Get them, now!" Sigaw ng leader nila, bumangon ako sa lupa at pumanhik sa kalapit kong puno. Mas maganda na ditong tumakbo palayo dahil nawawalan ng paningin ang namamana saamin.

Venom of the New Era (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon