Prologue

962 39 4
                                    

--April--

"April, will you be my girl?"

mahinang sambit ni Danny habang nakaluhod.
Nagtilian ang mga kasamahan niya sa opisina dahil sa eksenang paandar ni Danny.
Oh god! So sweet..

Naiiyak na tumango siya. Halos isang taon din nanligaw sa kanya si Danny. Nasa binata na ang lahat ng katangian hinahanap niya. Mabait, Gentleman, Family oriented, Matalino at very religious. Bonus na lang ang super cute looks nito.

Mabilis siyang niyakap ni Danny at hinalikan sa pisngi.

"Oh thank you, April. I promise to love you and respect you. I love you so much"

"I love you too" naiiyak na sagot niya. Walang pagsidlan ng galak ang puso niya. Siya na ang pinaka masayang babae.

Sino ba mag-aakalang siya ang liligawan ni Danny? Halos lahat ng babae rito sa office ay may gusto sa binata. Kumbaga sa kape three in one na ito. Kaya ang suwerte niya dahil boyfriend na niya ito.

Malakas na palakpakan ang bumalot sa buong department nila. Binati sila ng mga kasama nila sa trabaho.

Its been two year since she started working here in Walsh Food Corporation. One of the biggest food companies in Philippines.

Hindi siya makapaniwalang dito rin niya mahahanap ang lalaking mamahalin niya. She wanted that Danny will be her first and last boyfriend. At gagawin niya ang lahat upang maging mabuting girlfriend sa binata.

Nang matapos ang nakakakilig na eksena nila ni Danny. Humupa na rin ang asaran ng mga kasamahan niya. Nasa Financing department siya habang si Danny naman ay nasa Advertising department.

Bumalik na siya sa table niya. Abot tenga pa rin ang ngiti niya. God thank you for giving Danny to me!

Lumaki siya sa isang conservative na pamilya. Every sunday uma-attend sila ng magulang sa Christian World of Hope. Kaya nagpapasalamat siya kay God dahil hindi siya binigo nito.

For 25 years of her existence, nag antay talaga siya ng right time para mag boyfriend. Mabuti na lang talaga at approved sa mga magulang niya si Danny.

"Hey--congrats!"

napalingon siya kay Lenny na katabing table niya.

"Thanks Len--I'm so happy"
abot tenga ang ngiti niya.

"So happy for you."
masayang bati sa kanya ng kaibigan.

Sabay sila ni Lenny nag apply kaya naman naging mag bestfriend na sila.
Ito ang kasangga niya lagi sa trabaho, kaya naman alam niyang masaya ito para sa kanya.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

Two years after....

"OMG. True ba?" nanlalaki ang mata ni Lenny nakatitig sa kanya.

Natatawang tumango naman siya.
"Yup. Kahapon nakita ko siya sa Mall. Sa may Jewelry shop. Ang lakas ng kutob kong magpo-propose na siya Len. God! I'm shaking--"

Sabay pa silang tumili ni Lenny. Wala sila pakialam kung nagtinginan man sa kanila ang mga tao sa loob ng Starbucks. Basta titili siya ng malakas.

"Sana kasi nilapitan mo siya--"

"No--Danny is a shy type person. Kaya hindi ko siya nilapitan but--nagtanong ako sa saleslady doon sa jewelry shop. Guess what--bumili siya ng singsing!"

muli naman silang nagtilian ni Lenny.

"My gosh--mapapa'sana all na lang talaga ako. Ngayon pa lang, congratulations and best wishes na beshy!"

Nagpunas siya ng mata dahil may namumuong luha sa gilid.

"I'm so ready na beshy. For two years, finally. Gusto ko na talagang mag settle down. Parehas naman na kami regular sa trabaho. Malapit na niya mabili yun condo unit sa Richville condominium. Tapos, Nag aantay na lang siya ng promotion...nagparinig na nga ako sa kanya na, ayos lang kahit civil wedding kung ikakasal kami."

Nakangiting lintanya niya.
Masaya siya dahil lahat ng plano niya sa buhay ay unti-unti ng natutupad. Kasama na roon ang plano niya para sa future nila ni Danny.

"That's why, kaya siguro bumili na siya ng singsing dahil nagparinig ka. OMG--asaan na ba kasi ang soulmate ko? Pag nakita ko na siya..wala ng boyfriend-boyfriend pa. Asawa na agad. Kung kailangan pikutin ko siya para wala ng takas."

Natawa siya sa biro ni Lenny. Mahinang hinampas niya ang braso nito.

"Baliw ka--pikot talaga? iba rin takbo ng isip mo."

"Seryoso ako beshy--"
determinadong wika ni Lenny na ikinatawa na naman niya.

Napailing na lang siya. Sobrang layo ng personality nila ni Lenny. Siya yung conservative habang ito naman ay liberated in a nice way. Mahiyain siya samantalang ito naman ay direct to the point.

"Basta update mo ako agad. Magkikita ba kayo mamaya?"
kapagkuwa'y tanong ni Lenny matapos inumin ang coffee latte nito.

"Uhm-uhm. May date kami sa Walsh Hotel. Ang lakas ng gut feel ko na doon siya magpo-propose ng kasal. Samahan mo kaya ako sa salon?"

Binigyan naman siya ng pilyang ngiti ni Lenny.
"Magbo-book din ba kayo ng private room sa Walsh Hotel?"

Ngumuso siya at umiling.
"Hindi ganun si Danny. Super gentleman niya. Never pa niya ako dinala Hotel room at--"

"Oh shit--don't tell me..in two years you're still...a..v-virgin?"

Nahihiyang tumango siya at pasimpleng hinalo ang kape niya.

"Minsan pala nakakaasar 'yung sobrang gentleman na boyfriend..but its okay. He respect me so much. Gusto lang siguro ni Danny na maging pure and special ang honeymoon namin once ikasal na kami..and this is the moment..ikakasal na ako beshy."

suminghot singhot si Lenny sa tissue tila umaarteng naiiyak.
"Malapit ka ng maging ganap na babae..So happy for you beshy"

"Bwiset ka talaga--puro ka biro"

"Tara na nga, magpaganda kana para sa date mo mamaya. Wag mo kalimutan mag shave palagi once kinasal ka na ha? Importante 'yun."

kinurot niya sa tagiliran si Lenny, nagtatawanan sila habang palabas sa Starbucks.

"Bakit naging importante 'yun?"
nakataas ang kilay niya sa kaibigan.

"Bukod sa bubusugin mo sa luto mo ang soon to be husband mo, kailangan mo rin siya 'pakainin' para healthy"

nakangising tugon ni Lenny. Hindi siya umimik. Ang tagal bago nag sink in sa utak niya ang sinabe ng kaibigan. Ano ba ang koneksyon ng pag shaved sa ipapakain sa soon to be husband niya?
Pinilig niya ang ulo.

Well, she will do everything to make Danny happy. Magiging mabuting asawa siya. Hindi na siya makapag antay pa. Excited na siyang magsabi ng 'Yes I do'


ℒᵒᵛᵉ ᵧₒᵤ .•ᰔᩚ

τнänκ чöü ᰔᩚ

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon