--April--
"I'm sorry ma'am but all flights going to Cebu is cancelled until further notice due to super typhoon"
Laglag ang balikat niya dahil sa narinig. God! I'm stuck!
Makalipas lang ng isang oras at dalawampu't limang minuto ligtas siya nakalapag sa Tacloban Airport.
Subalit hindi ko sukat akalain na wala rin pala siya mahihita rito.Nakabusangot na naupo siya sa mahabang upuan. Sumulyap siya sa malaking salaming bintana ng airport. Lalo lumakas ang bagyo, ayon pa sa balita tumaas sa signal number 3 ang bagyo. Oh No!
Wala na rin signal ang cellphone niya. Gusto na niyang umiyak labis na frustration.
"Na-stranded ka ba neng?"
Dagli siyang napasulyap sa may edad na babae nasa tabi niya.
Tumango naman siya. Gusto na niyang umatungal ng malakas dahil sa inis na nararamdaman."San ba ang punta mo?Sa Cebu?"
tumango siya uli sabay bahing sa hawak niyang tissue. Mukhang sisipunin na ata siya.
"Pwede kang mag bus patungo Cebu. Magpahatid ka sa bus station. Pag maaga mo maabutan ang byahe sa bus kadalasan nasa anim na oras lang pero pag tanghali kana..matagal ang byahe nasa siyam na oras abutin--"
wika ng may edad na babae.
Tama. Sasakay na lang siya ng bus.
"Thank you po--"
mabilis pa sa kidlat ang kilos niya at lumabas ng paliparan.
Kahit malakas ang hangin, hindi siya nagdalawang isip na mag abang ng taxi.Kaya naman ng may humintong taxi, kaagad niya kinuha ang bagpack pero
naunahan siya ng may balasubas na sumakay ng taxi.Mabilis niyang hinila ang pinto ng taxi ng akmang isasara na ito ng lalaki.
Aha! Ito 'yun lalaki katabi niya sa eroplano.
"Excuse. Me. Ako nauna tumawag ng taxi--mang aagaw ka!"
grabe kahit malakas ang ulan, biglang uminit ang bumbunan niya.
"Sorry miss--I booked this taxi kanina pa. Wala akong inagaw sa'yo. So--please close the door kasi nababasa na ako--"
"So? Ako hindi nababasa? Napaka-ungentleman mo naman!"
gigil na asik niya sa lalaki.
Kita niya rin na naiirita na ang lalaki.
Umingos siya wala siyang pakialam kung mairita ito."Sir? Ma'am? Magkakilala po ba kayo? Kung gusto niyo magshare na lang po kayo san po ba tungo ninyo maam?"
tanong ng taxi driver. Pansin niya na naiinip na rin ito.
"Sa bus station manong driver. Papuntang Cebu po" tugon niya.
"Ayun naman pala! Sakay na kayo maam. Doon din si Sir, para di na kayo magtalo."
"Maraming thank you po--"
matamis siyang ngumiti sa driver saka umusog sa backseat kung saan nakaupo rin ang lalaki.Hindi na umimik pa ito subalit dama niya ang pagkabanas nito.
I don't care-e-e-e-e!Panay ang bahing at singhot niya sa byahe. Wag naman sana siyang lagnatin dahil sa sipon niya.
Halos trenta minutos pa lang sila nasa byahe ng huminto ang taxi.
"B-Bakit po kayo huminto?"
nagtatakang tanong niya."May problema ba manong?"
tanong naman ng katabi niya.
BINABASA MO ANG
I.L.Y.S.B (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | April Kaye Gonzaga is ready to settle down in life. She's just waiting for her longtime boyfriend to propose but Danny seems to have a hard time proposing. That's why she made a plan. She will be the one to make a...