#19

306 28 4
                                    

--April--

ISANG MALALIM na paghinga ang ginawa niya. Hindi malaman kung tama nga ba ang naging desisyon nya. Bahala na, wala na siyang pakialam kung mas mag-isip ito ng masama tungkol sa kanya. Gold digger na kung gold digger!
Tutal pinag-isipan siya ni Noah na isang bayarin babae, lulubusin na niya..para lang sa anak niya. Pikit-matang gagawin niya ang lahat.

Magiging praktikal lang siya. Dalawang milyon sa loob lamang ng isang linggo. Masisiguro na niyang may pera na siya para sa anak. Heart donor na lang ang kulang.

"--mama?"
mahinang wika ni Noah.

Sumulyap siya sa anak niya. Kakalabas lang nito sa hospital, buti na lang at agad nawala ang lagnat ni Noah.
Kahit papaano nakahinga siya ng maluwag.

"hmmm--?"

"pwede po ako sumama sa work mo po mamaya?"
malambing na saad ng anak nya.

Ngumiti siya at hinaplos ang mukha nito.
"Isasama talaga kita anak, pero pagdating ng hapon susunduin ka ni Mamay at Papay mamaya hmm? magtitinda muna sila. Okay ba 'yun?"

"--opo mama."
nakangiting tugon ni Noah.

Nagtitinda kasi sa palengke ang Mama at Papa niya. Meron silang pwesto sa palengke itlog, mantika at konting frozen foods ang paninda. Kaya madalas niyang sinasama si Noah sa hotel dahil walang magbabantay.

Hinalikan nya ang anak sa noo at sa labi.
"Behave lang dapat okay?--natatakot kasi ako anak pag nilalagnat ka."
malungkot na sabi nya.

Hinawakan naman ni Noah ang pisngi niya. "Mama--love kita..sobra.."
Bigla siyang naluha dahil sa sinabe nito.
"--pag wala pa rin po akong bagong heart, kukunin na po ako ni Jesus diba po?"

Nanikip bigla ang dibdib nya at umiling-iling. Nagpunas siya ng luha.
"H-Hindi ako papayag anak--wag mo iwan si mama hmm? pag iniwan mo ko malulungkot ako ng sobra--"

Marahan pinupunasan ni Noah ang basang pisngi niya at ngumiti.
"Nag-pray po ako kay Jesus, mama. Ang pray ko sa kanya--gusto ko maging happy ikaw, kasi lagi ka na lang iyak dahil sa akin--"

Niyakap niya ang anak ng mahigpit.
"No--baby. Hindi ganon anak--umiiyak si mama dahil ayoko mawala ka...ayaw ko lang mawala ka..wag mo iwan si mama please? gagawin ni mama lahat para gumaling ka. mahal na mahal ka kita anak."
naluluhang sambit nya.

Mahigpit na mahigpit ang yakap niya kay Noah.
Ilan minuto rin siyang umiyak hanggang sa kumalma siya at ngumiti sa anak.

"Ready mo na 'yun bag mo, Noah--Tara na, baka ma late si mama sa work"
aya niya sa anak.

Abot tenga naman ang ngiti ni Noah sabay sukbit sa maliit na bag.
Napangiti siya.

Nagse-self study kasi ito mag-isa. May dala itong reading book, lapis at papel sa bag. Hanggang grade one lang kasi ito nakapag-aral, nakaranas kasi si Noah ng pam-bu-bully sa school. Payat at lampa ang inaasar sa anak niya. Bilang isang nanay, nasasaktan siya idagdag pa na kamuntikan ng mamatay ito dahil inatake ito sa puso. Mula noon, siya na lang ang nagtuturo sa anak niya. Hindi na niya kayang isugal ang buhay ng anak niya para lang makapasok sa school ito. Wag na lang.
Sinubukan din naman niyang ipasok sa private school si Noah, sa isang christian school ngunit hindi ito tinanggap dahil single mother siya.
Ang sakit lang kasi pati pagiging single mother niya ay hindi katanggap-tanggap.

"Ready na ako mama!"
excited na wika ni Noah.

Sinimulan na nilang maglakad. Malapit lang ang inuupahan nilang studio type apartment sa Walsh Hotel. Sinadya talaga niya maghanap ng apartment malapit sa trabaho para tipid sa pamasahe, sa oras at madali siyang makakauwe in case may mangyare sa anak.

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon