#15

285 28 2
                                    

--April--

"BESHY, okay ka lang ba? nun isang araw pa 'yun hang over mo pero until now sumasakit pa rin ulo mo?"
puno ng pag aalala wika ni Lenny sa kanya.

Matapos siyang sumama kay Danny sa isang bar, grabe ang naging hang over niya although hinatid naman siya nito ng maayos sa bahay. Sobra talaga siyang nalasing, kaya naman kinabukasan hindi siya nakapasok panay ang pagduwal niya, latang-lata siya. Pakiramdam niya nailuwa na niya pati bituka niya.
Bumuntong hininga siya.

Pero until now, masama pa rin ang pakiramdam niya. At hanggang ngayon, hindi pa rin tumatawag sa kanya si Noah. Hindi rin niya ito makontak. Labis na ang pag-aalala niya.
Ano na kaya ang nangyare sa boyfriend niya? Miss na miss na niya si Noah.

"--oo nga e' pag tumatayo ako ng matagal nahihilo ako."
mahinang saad nya.

"baka bet mo na ng magpa-check up. Alam mo naman sa trabaho, need ng medical certificate. gusto mo samahan kita?" wika ni Lenny.

Umiling siya.
"Wag na beshy, si Mama na lang sasama sa akin. Nakakahiya sayo. Bukas--magpapa'check up na ako. Nahihirapan na rin ako matulog dahil sa pagkirot ng ulo ko"
nakangiting turan niya sa kaibigan.

Ayaw na niya makaistorbo rito, masaya sya na nag under time pa ito sa trabaho para lang dalawin siya.

Kaya naman naikuwento niya sa kaibigan ang nangyari sa bar kasama si Danny. Though, ang weird lang kasi parang naalala niya na dinala siya nito sa hotel room, pero hinatid naman siya ni Danny sa bahay. Nagtanong siya sa mama niya kung ano oras siya nakauwe, ang sabi naman nito andito na siya sa bahay ng past eleven ng gabi.

Siguro sobrang lasing na talaga siya. Dahil ng tinanong niya si Danny, hindi naman daw sila dumaan ng hotel.
Huminga siya ng malalim. Hindi na talaga sya iinom.

Nang makauwe si Lenny. Sinabihan niya ang kanyang Mama na samahan siya sa hospital upang makapagpa-check up.

Kaya kinabukasan maaga sila nagtungo ng kanyang Mama sa Miranda Medical Hospital.
After several hours na pag-hihintay sa results ng mga laboratory test niya. Kinausap na siya ng doctor. And the results, its positive and at the same time its terrifying. Walang tigil ang paghagulgol niya. Iyak siya ng iyak. Hindi niya kayang tanggapin ang naging resulta.
Mahigpit siyang niyakap ng kanyang Mama.

"Sssh--gagawa ng paraan si Mama hmm? Wag kang matakot anak. Andito si Mama--gagawa ng paraan si Mama..hmmm..Sshhh.."
wika ng kanyang Mama.
Mahigpit ang pag-yakap niya sa Mama niya. Takot na umiiyak siya.

"Ma--I'm scared..I'm scared.."
humahagulgol na sambit niya.

Hanggang sa makauwe sila sa bahay wala pa rin tigil ang pag iyak niya. Pati ang kanyang Papa ay hindi rin napigilan ang mapaluha ng malaman nito ang naging resulta sa hospital.

"Huwang kang matakot anak--andito kami ng Mama mo, hmmm"

"Salamat Pa, Salamat Ma--"
humihikbi niyang sabi sa magulang.
Nag yakapan sila ng mahigpit, sabay-sabay din sila nagdasal. Hindi na niya alam ang iisipin ng mga oras na iyon. Pinipigilan niyang magtanong sa diyos, kung kamalasan ba ang tawag sa nangyayare sa kanya.
Wala naman siyang ibang ginusto kundi magkaroon ng sariling pamilya at tahimik na buhay. Pero bakit ba lagi na lang? Bakit kasi siya pa?

Kailangan niyang makausap si Noah.
Kailangan niya si Noah ngayon.
Sinubukan niyang tawagan uli ang binata, paulit-ulit..ring lang ng ring ang cellphone nito.

Noah please--I need you now..please come back here...
usal niya sa isip.

Hindi na niya mabilang kung ilan beses siyang tumawag sa numero ng kasintahan.
Kaya naman, laking pasasalamat niya ng sinagot na nito ang tawag.

"H-Honey? Oh god--thank god! Ano bang nangyare sayo at--"

She got excited, gustong-gusto na niya marinig ang boses nito. Alam niyang kakalma siya oras na marinig niya ang boses nito.

"Miss Gonzaga, my son don't need you anymore..He is already married here. So, please--leave my son alone and don't ever call him again!"

Natameme siya. Si Mrs. Walsh ang sumagot ng tawag. Asan si Noah?

"I don't believe in you ma'am. Please I need to talk to him, please ma'am. I'm begging you--"
puno ng pagsusumama wika niya.
Pigil ang paghinga, ayaw niyang marinig ng Ginang ang paghikbi niya.

"I told you, kasal na siya! You can check it through internet, just to satisfy your curiosity. Oh wait--maybe you need money? is that it why you called?--"
narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Mrs. Walsh. "--lemme guess, is five hundred thousands enough?"

Hindi siya kumibo. Gamit ang laptop, sinubukan niyang i-check sa internet ang Walsh Corporations. May balita nga tungkol kay Noah Walsh.

Laglag ang balikat at napaiyak na lang siya.

"--you know Miss Gonzaga. You are beautiful but you don't know how to use your brain--Now tell me, how much do you need, to leave my son alone?"

Kagat ang pang ibabang labi. Nagpunas siya ng luha. Huminga ng malalim.
She have to use her brain--yeah, maybe she will..she will use her brain and be practical.

Its nonsense anymore. Akala niya iba si Noah, maling-mali pala siya. Noah doesn't love her, he just lusted of her. Ginawa lang siyang girlfriend upang makuha siya. Just for fun and sex.
Ang tanga-tanga ko talaga!

Ngayon kasal na ito sa isang magandang babae na anak ng isang big time businessman sa Canada. Well, anong laban niya, ang mayaman bagay lang sa kapwa mayaman that's the truth.

"Five Million--I need five million and I swear--I will never ever contact him again. I will forget him as if he never exist, mark my word."
seryosong tugon niya sa kausap.
Makapal na kung makapal pero sa kinahaharap niyang problema, kailangan niya ng malaking halaga.
She badly needs money at sa palagay niya sasapat na ang halaga na iyon.

Mrs. Walsh chuckled.
"You think, you're that worth? five million..Wow!--"
sarkastikong sambit nito.

"You said, I have to use my brain--that's what I'm doing right now. Mrs. Walsh--I'm virgin, halos laspagin PO ako ng anak nyo, siguro naman sapat na 'yun para pambayad sa puri ko."
kuyom ang kamay na saad niya.

Pikit matang tatanggapin niya ang pera dahil may mabigat siyang dahilan.

"You are really a gold digger! Fine!--I will send your last paycheck and I will transfer the money to your name. Wag na wag ka ng magpapakita sa anak ko!"
malakas na sigaw nito sabay putol ng tawag.

Hindi na niya napigilan ang umiyak ng malakas..umiiyak siya habang tinatawag ang pangalan ni Noah.

Ang sakit sakit. Bakit kailangan magsabay-sabay ang sakit?
Bakit kung kailan mas kailangan niya ito?
Damn you Noah Walsh!
Sinungaling! You told me you will never leave me, you told me you love me..
You are piece of shit! I hate you!

( ˃̣̣̣̣o˂̣̣̣̣ ) tbc.....

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon