#2

396 35 4
                                    

--April--

"SA TINGIN MO magugustuhan niya iyon?"

Nag aantay siyang magsalita si Lenny.
Nasa isang vietnamese restaurant sila sa loob ng Mall malapit sa work place nila.
Sinabe niya kasi rito ang balak na proposal kay Danny. Naikuwento na rin niya sa kaibigan ang nangyari kagabi.

"Nasaan ba si Danny, ngayon? I really can't believe! Ang bagal ng galawan niya, nakakabanas 'yang jowa mo!"

dama niya ang pagkakairita ni Lenny.
Well, siya rin naman pero kinikimkim niya muna ang sarili. Hangga't kaya iintindihan niya ang kasintahan.

Nagbuga siya ng malalim na paghinga.
"Nasa Cebu siya ngayon kasama ang buong advertisement team dahil sa bagong commercial na gagawin doon--"
uminom siya ng ice tea. "--kaya beshy, gusto kong kunin itong chance para magpropose sa kanya. Pupuntahan ko siya sa Cebu. Bumili na nga ako ng plane ticket ko, mamayang 2AM na ang flight ko"

Hinawakan ni Lenny ang isang kamay niya.
"Ang gara ng utak mo, beshy. Pero kilala kita eh--di ka naman pa-papigil pa. Kaya go! suportahan kita."

Kahit papaano lumiwanag ang pag-asa niya. Gumaan ang pakiramdam niya. Lumakas ang loob niya. So What, kung babae ang unang mag propose?
Buo na ang loob niyang sundan ang kasintahan sa Cebu.

"Thank you, beshy."

Nang makauwe na sila, kaagad siyang nagpaalam sa magulang ang balak niya pagpunta sa Cebu pero hindi niya sinabe ang totoong balak niya. Ang sinabe niya lang ay pupuntahan niya si Danny sa Cebu dahil sa trabaho.

Inaayos niya agad ang bagpack na dadalhin at ang maliit na sling bag niya.
Naligo na rin siya. Siniguro niyang blooming siyang ba-byahe. Syempre, nagshaved na rin siya, in case na may balak sila ni Danny, tutal once na pumayag ito sa proposal niya siguro naman magkakalakas loob na itong 'galawin' siya. OMG I can't wait! Super fresh ng 'pechay' niya ipapakain iyon sa kasintahan.

Napapailing na lang siya sa kung ano-ano pumapasok sa isip niya.
Nang masiguro na niya wala na siya nakaligtaan pa, nagpahatid na kaagad siya ng taxi sa airport.

Nasa Edsa pa lang sila ay trapik na.
Mabuti na lang at madaling araw pa ang flight niya. Saktong 12AM nakarating siya ng airport. Nagcheck in na kaagad siya at nag antay sa departure area sa loob.
Habang nakaupo nakatingala siya sa flat screen TV na nakasabit.

May bagyo at tinatayang super typhoon ang bagyong tatama sa Visayas kasama na ang Cebu.
Napagitla siya ng kumulog ng malakas hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan.
Dinig na dinig sa loob ng paliparan ang mabibigat na patak ng ulan isabay pa ang naghuhumiyaw na lakas ng hangin na tila inuuga ang mga glass window sa airport.

Kaagad naman nag announced ang paliparan na mayroon cancellations of flight.

What?? No way!

Mabilis siya nagtungo sa information desk.

"Excuse me, for sure meron kayong flight para mamaya diba? patungong Cebu? You know, its kinda important. I have to be there."

Nagdadasal siya na sana'y meron flight.

"I'm sorry maam, pero kasama po ang flight nyo sa mga na cancel po due to super typhoon--"

"So anung oras ma a-adjust? Para alam ko kung hanggang ano oras ako mag aantay?"

Umiling ang babae sa kanya.
"Until further notice po maam--"

"What? You gotta be kidding me--"

hindi siya makapaniwala. Gumuguho na naman ang mga plano niya.

"Pwede kang magpa-refund. Sa sunod ka na lang magbyahe di naman aalis ang Cebu. Pag alis ng bagyo, Cebu pa rin naman iyon."

isang baritoneng boses ang pumukaw sa malalim niya pag iisip. Nilingon niya ang lalaki sa likuran niya.
Naka jacket ito na blue, white tshirt, faded jeans, black na bucket hat at naka black adidas slides ito.

Nagtama ang kanilang mga mata.
Grayish ang mata ng lalaki, base sa observation niya blonde ang hair nito kaya foreigner ito na marunong magtagalog.

Blanko lang ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanya.

"Thank you for opinion." inismiran niya ito saka tinalikuran at bumalik siya sa departure area.

Palakas ng palakas ang ulan.
Dama niya ang biglaang paglamig sa loob ng airport.
Niyakap niya ang sarili at pumikit. Baka bukas humina na ang ulan at magkaroon na ng flight kaya hindi muna siya uuwe.
Hindi siya susuko.

I know god, sinusubukan mo lang ako kung gaano ako kaseryoso at katatag sa relationship ko ngayon kay Danny. I will never give up. I really want to build my own family and Im so sure si Danny ang right person for me. Hindi mo naman siya ibibigay sa akin kung hindi rin naman siya ang magiging asawa ko di ba?
Please God. I need your help. Give me my happiness.

Dasal niya sa isip hanggang sa tuluyan na siya nakatulog.

Nang maalimpungtan siya madilim pa rin. Sumulyap siya sa wrist watch niya. Its 4AM. Muli siyang nagtungo sa information desk. Nagsabi ito na wala pang available flights patungo Cebu, pero meron flight ang isang plane patungong Tacloban.

Nakaisip siya ng ideya. Nagsabi siya na irefund ang ticket niya at kukuha siya ng ticket pa Tacloban.

Tama. Mula sa Tacloban saka siya kukuha ng flight pa Cebu. Tsk Good idea!

Wala pang isang oras nakakuha na siya ng ticket, mabilis naman siya pumasok sa departure gate at naupo na sa loob ng airplane. Nasa dulong bahagi na siya pero ayos lang ang mahalaga makaalis siya.

Napasulyap siya sa katabi niya na nasa window seat nakaupo. Aha! Ito yung lalaki kanina. Natutulog ito. Naka suot pa rin ito ng bucket hat at naka face mask na itim. Dinig niya ang mahinang paghilik nito.

Napailing siya. Infairness, guwapo ang lalaki, matangkad din ito at matikas ang pangangatawan.

"Don't stare me miss--its rude"
mahinang sambit ng lalaki. Tumaas tuloy ang kilay niya. So, gising ito o nagising niya ito?

"I'm not looking at you--sa bintana ako nakatingin."

ani niya saka inayos ang bagpack sa compartment sa taas ng upuan niya.
Nagseat belt na rin siya.

"Tacloban ang flight na ito--"
wika ng lalaki sa tabi niya. Gising na gising na ito nakatingin sa kanya.

Nagkibit balikat siya. "I know"
Kinuha niya ang cellphone, nagsuot siya ng earphone saka nag play ng kanta. Ayaw niya kausapin ang lalaki, hindi naman sa nagtataray siya pero hindi niya lang matagalan ang pagtingin sa mga mata nito.

"I'm Noah Wa---Noah Johnson"
wika ng lalaki.

bumaba ang tingin niya sa kamay nito nakalahad saka sumulyap uli sa binata.

"April" maiksing tugon niya at pumaling patalikod sa lalaki. Hindi niya tinanggap ang pakikipag kamay nito.
Pakiramdam niya magkakasala siya sa nobyo pag nagpahawak siya sa ibang lalaki.

Mariin niya pinikit ang mata.
I'm coming Danny, wait for me.

τнänκ чöü ᰔᩚ
🅻🅾🆅🅴

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon