#24

333 28 0
                                    

--Noah--

NAGULAT SIYA nang marinig ang pangalan na binanggit ni April.
Noah ang pangalan ng anak nila?
The realization hits him. Isa-isang nagflash back sa isip niya ang mga pinag-usapan nila ng batang nakilala niya na Noah din ang name. Oh god!
Nanlumo siya sa labis na lungkot at sa labis na pagsisisi.

Kung nasaktan at naghirap siya sa loob ng sampong taon, mas doble ang dinanas ni April, mas triple ang hirap na dinaranas ng mag-ina niya.

Hindi niya napigilan ang maluha.

I'm so stupid! Shit! Fuck!

Sa sobrang galit na nararamdaman niya para sa sarili, pinagsusuntok niya ang sahig. Nagwala at sumigaw siya dahil sa nararamdaman niyang lungkot at sakit.
Fuck! Fuck!
Para niyang itinakwil at pinabayaan ang sariling anak. For fucking ten years, naglustay at nagpaka'gago siya habang ang mag ina ay lumalaban at naghihirap dahil sa sakit.

You should be ashamed, Noah!

Sising-sisi siya. Kung inalam lang sana niya, kung bumalik lang sana siya--eh di nalaman niya sana ng mas maaga.

He have to do something, my son needs him more than ever. Nagmadali siyang kumilos upang puntahan ang anak.
Tuliro man ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon, nakadama rin siya ng tuwa dahil si Noah pala ang anak niya.

That's make sense, kaya pala ang gaan ng loob niya sa bata. Kaya pala! Shit! I feel so stupid!

Nang makarating sa parking lot kaagad niyang pinasibad ang sasakyan patungo sa Hospital.

Sana hindi pa huli..

Naabutan niya si April sa emergency room na umiiyak habang nakayakap sa magulang nito. Sumulyap siya sa batang nakahiga habang napapaligiran ito ng mga nurses at isang doctor na kasalukuyang nagpe-perform ng chest compression kay Noah..sa anak nila.

Pakiramdam niya tinamaan siya ng kidlat sa kinatatayuan niya. That scenery give him so much fear. Its killing him..No. No way! Please god--don't take him away! give me a chance to make it up for them..please!

Nagmamakaawang dasal niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
Kung maaari lang na dukutin niya ang sariling puso upang ibigay sa anak niya para lang makabawi sa lahat ng pagkukulang niya.
Napakasakit. Pinipiga ang puso niya na makitang nag aagaw buhay ang anak niya habang puma-palahaw ng iyak si April.

Hanggang sa bumalik ang pulse rate ni Noah. Mabilis na nilagyan ng oxygen ito at nagsabi ang doctor na kailangan ilagay sa ICU ito.

Nakahinga siya ng maluwag gayunpaman, patuloy pa rin ang mata niya sa pagluha. Napansin niyang sumunod si April at ang magulang nito ng dalhin na ang anak papunta sa ICU.

Sakto naman na tumunog ang cellphone niya. Si Marshall.

"Goodnews bro!--"
maagap na salita ni Marshall ng sagutin niya ang tawag.
Tila nabuhayan siya ng loob dahil sa narinig.
"--I found a heart donor, kaso--"

"Fuck!--kaso ano?"
asik niya, bigla siyang nangamba dahil sa pabitin na salita nito.

"--kaso buhay pa 'yun heart donor. Though dineklara na siyang brain dead, inaantay na lang 'yun pamilya ng pasyente na pumirma sa waiver."
paliwanag ni Marshall.

Nakahinga siya ng maluwag.
"Thanks man..for helping. I owe you."

Marahan naman tumawa sa kabilang linya si Marshall.
"Wag ka muna mag-thank you. Update kita mamaya once okay na..then i-update ko na rin si Dr. Baltazar para i-ready na ang lahat."

"Thank again--anyway, my son is the heart receiver."
kapagkuwa'y banggit niya.

"What the?!--" bahagyang tumahimik ito.."--just hang on man. everything will be fucking alright."
wika ni Marshall.

Nagpasalamat siya muli sa kaibigan saka binaba ang tawag. Kahit papaano nagkaroon siya ng pag-asa para sa kalagayan ng anak.

Please god..Im not sure if you really listening..but please..give me a chance to be a father for my son..give me a chance to be a better person for him..
Hindi ko na alam ang gagawin ko..please guide me.

usal niya sa isip sabay punas ng luha.

*┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈

--April--

PARANG GINIGIBA ang puso niya kanina, habang pinapanuod ang anak niya na nag-aagaw buhay.
Daig pa niyang may nakatarak na patalim sa dibdib nya.

Nagpunas siya ng luha.

Kasalukuyang nasa loob na ng ICU si Noah. Bawal ang bantay sa loob kaya nagpunta muna siya sa maliit na prayer room sa loob ng hospital.
Umuwe muna saglit ang magulang niya, babalik na lang ang mama nya bukas.

Tahimik na lumuluha siya habang nagdadasal.

I can't question YOU. I can't ask you WHY. I can't be mad at YOU..But I want to know...God, how can you manage to sacrifice your own child, how can you bear the pain?..kasi God, parang di ko yata kakayanin mawala ang anak ko.

Huminga siya ng napakalalim habang patuloy sa tulo ang mga luha nya.

You let me live then you gave me the most precious thing in the world. Who am I to question you? Who am I to complain?
but please..save him. My son is my happiness..don't take him away from me. Im begging you.

Panalangin niya. Nagpunas siya ng luha. At nagpakawala ng malalim na paghinga. Hindi na niya mabilang kung ilan beses siyang nagmakaawa sa panginoon. Kung ilan beses niyang nakiusap para sa buhay ng anak niya.

Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Sumulyap siya. Si Noah.
Lumuhod ito at yumuko habang umiiyak.

Tahimik lang siya nakamasid sa binata hanggang sa umayos uli ito ng upo habang nakatitig sa malaking krus sa harapan nila.

"A-Alam ko kulang ang salitang sorry, para sa lahat ng hirap at sakit..pero gusto ko pa rin mag-sorry..sorry sa lahat--"
He sighed deeply.
"--sorry dahil..hinusgahan agad kita..
sorry dahil..pinabayaan kita..
sorry dahil...wala ako sa tabi mo, habang nasasaktan ka at nahihirapan ka..sorry dahil..hindi ko natupad 'yung pangako ko sa'yo..na hindi kita iiwan--"

He's shedding tears. Nagpunas pa ito ng luha sa manggas ng polo nito.
"--sorry sa lahat..sorry talaga..hindi ko hinihiling na mapatawad mo ko..ang gusto ko lang malaman mo...na..handa..ako..tumulong..sana.
hayaan mo kong tumulong..para sa anak natin..please..kahit 'yun lang.."

Tumingala ito at tinakpan ang mata gamit ang braso nito. Patuloy pa rin ito sa pag iyak.

Actually, hindi niya alam ang sasabihin sa binata. Ang makita itong umiiyak, nasasaktan at nagsisisi ay masakit din para sa kanya.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"--gusto kong magalit, gusto kong magwala. gusto kita saktan, sampalin, tadyakan para makaganti man lang ako sa lahat ng sakit. Pero--sabi ko sa sarili ko..kung gaganti ba ako, anong mapapala ko?..maturity ba tawag dun?--"
pilit na tumawa siya ng mahina.
"--alam mo ba kung bakit Noah ang pangalan ko sa kanya?--"
tukoy niya sa anak niya.
"--kasi nung araw na pinanganak ko siya ang sabi ni mama, puro Noah daw ang bukambibig ko. Hindi ko na namalayan na nagtatanong na pala siya kung ano ipapangalan sa baby ko..kaya ayun--Noah ang nilagay ni mama.."
bahagya pa siyang natawa habang nagsasalita.

"--isa ka sa mga magandang bagay na dumating sa buhay ko..kaya ayoko magalit sayo..kasi kung wala ka, wala sana akong baby Noah--"

bumibigat na naman ang dibdib niya..tumutulo na naman ang mga luha niya. "--hindi ako galit...kaso ang hirap pa sa ngayon na...tanggapin sa loob ko na patawarin ka..huwag ka mag-alala, hindi ko tatanggihan ang tulong na ibibigay mo para sa anak natin...gusto ko gawin mo lahat..kasi di ko kakayanin pag nawala ang anak ko...di ko talaga kakayanin.."

lumuluhang sambit niya sa binata.

Umusog ito sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. sobrang higpit. at least sa unang pagkakataon naging karamay niya ito..isasantabi na niya muna lahat..sa ngayon kailangan ni Noah ng magulang..at kailangan sila ng anak nila..





( ˃̣̣̣̣o˂̣̣̣̣ )

mornight...

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon