#5

335 33 5
                                    

--April--

NANG MATAPOS siya makaligo at magpalit ng bihisan. Napako ang tingin niya sa lalaking sobrang himbing na ang tulog sa malambot na kama.

What a rude man!

Kinuha niya ang isang unan at kumot, sa sahig siya hihiga nunca tatabi ako sa lalaking hindi ko naman nobyo. Hmmp!

Ilan minuto lang ng mahiga. Iniisip niya kung hinahanap ba siya ni Danny?Napatingin siya sa cellphone, wala talagang signal kahit konti. Napabuga siya ng malalim na paghinga. Argh!

Nanlaki bigla ang mata niya ng may dagang mabilis na tumawid sa mga hita niya.  Napatili siya sabay bangon at talon sa kama.

Oh my! I hate rats!

"What happened?-" tanong ni Noah. Nagising ito.

Sumiksik siya sa binata sabay turo sa sahig.

"M-May daga--may daga!!"

Noah just huffed and rolled his eyes at muling bumalik sa paghiga.

"Ang arte--" Noah whispered.

Subalit, matalas ang pandinig niya kaya narinig niya ang bulong nito. Malakas na hinampas niya ito ng unan.

"H-Hindi ako maarte! Ayoko lang sa daga!--"
gigil na sambit niya.

"Iisipin ko na lang--gumagawa ka lang ng dahilan para makatabi ako. Tsk"

pilyong ngumisi ito sa kanya.
Whoa! Nag uumapaw sa confidence itong taong 'to por que gwapo.

Muli niya itong hinampas ng unan.

"Ayokong makatabi ka! Dapat nga ikaw ang nasa sahig, saka uulitin ko--I have a boyfriend!"

"So?--Don't worry. A girl like you is not my cup of tea. At mas lalong hindi mo ko mapapahiga sa sahig dahil magbabayad din ako rito."
puno ng iritasyon na wika ni Noah.

Pinapakulo talaga nito ang ulo niya. Not cup of tea? Me? As if I care!!
Pabagsak siyang nahiga sa kabilang side ng kama at tinalikuran ang lalaki.
Nakakainis!
Huminga siya ng malalim. Eto ang unang beses na may makakatabi siyang lalaki sa iisang kama. My god! Samantalang, hindi pa nga niya nakakatabi ang nobyo sa kama..for two years hindi pa talaga kahit isang beses.

Relax, April. Walang makakaalam nito.
Wala naman mangyayareng iba, matutulog ka lang. Kalma self.

Siguro sa labis na pagod kaya mahimbing na rin siyang nakatulog.

Kinaumagahan, wala na siyang namulatan na katabi. Sumilip siya sa cellphone niya. No signal pa rin. Alas otso na ng umaga.
Mabilis siyang pumasok sa banyo upang maligo at makapagbihis.

Nang matapos dagli siyang bumaba, naabutan pa niya na paalis na ang iba pang turista na tumuloy sa Inn.

Tirik na ang araw pero bakas sa labas ang hagupit ng bagyo. Maraming puno ang lumaylay at natumba.

"Naku--maraming bahay ang nasira at saka marami rin ang nawalan ng bahay. Nakakaawa. Diyos ko po."

dinig niyang sambit ni Manang Espe ng mapasukan niya sa kusina.

Nandoon din si Noah na nagkakape.
Tumikhim siya upang agawin ang pansin ng mga ito.

"Ay--magandang umaga. gusto mo ba ng kape? may almusal akong tinda. Kaen na--" pang aalok sa kanya.

Kimi siyang ngumiti at naupo sa katapat na upuan ni Noah.

"Morning--" bati ng binata sa kanya.

"M-Morning din--" tugon niya.

I.L.Y.S.B (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon