--April--
HINAWAKAN NI NOAH ang kamay niya nang pumasok sila sa malawak na banquet hall ng Walsh Hotel sa Manila.
Meron prestige events ng gabing iyon kasabay ang pag launch ng bagong product commercial ng Walsh Company.Ayaw niya talaga sumama pero sobrang mapilit ang kasintahan. Hindi siya sanay dumalo sa mga Company events, kadalasan kasi naroon ang mga ibang partnership company, mga businessmen at businesswomen kasama na rin ang mga writers at reporters.
Huminga sya ng malalim. Isang gabi lang naman ito.
Isang simpleng black lace dress ang suot niya terno sa black tuxedo ni Noah.
Noah is naturally striking with his so damn hunky looks. Lahat naman ata ng suotin ng kasintahan ay umaangat talaga ang kakisigan nito."You look stunning, honey--pero mas maganda ka kapag wala kang suot"
pilyong nakangisi ito sa kanya.Naningkit ang matang kinurot niya ng marahan si Noah sa tagiliran.
"ang naughty talaga niya--ayaw paawat"Natawa ito saka hinapit siya sa beywang upang igiya siya paupo sa isang bakanteng reserved table. Pinakilala siya ni Noah sa kapatid nito na si Mr. Dawnson Walsh, ang CEO ng Walsh Company. Ito ang unang beses na nakita niya ang boss sa personal. Ang gwapo rin nito, para itong si Henry Cavill.
Nang akma makikipagkamay sa kanya si Mr. Dawnson, tinapik naman agad ni Noah ang kamay nito at matalim na tumingin sa kapatid."You're not allowed to touch my woman--" madiin sambit ni Noah sa kapatid.
Natawa si Mr. Dawnson Walsh at pailing-iling. Bahagyang nag Hi na lang ito sa kanya.
Si Noah talaga, may pagka-seloso rin ito. Malakas ang toyo pag may nakikita itong may kumakausap sa kanyang lalaki.Pinakilala rin siya ni Noah sa mother nito na si Mrs. Selena Walsh. Nakaka-intimidate ang postura ng Ginang. Elegante at napakaganda pa rin nito kahit may edad na. Magalang na bumati siya kay Mrs. Walsh.
Bahagyang ngumiti lang ito sa kanya.Naiilang man pero pinilit pa rin niyang kalmahin ang sarili hanggang sa nagsimula na ang event.
Nag e-enjoy naman siya, siguro kasi puro kwentuhan ang ginawa nila ni Noah. Kinukwento nito kung ano madalas ginagawa nito pag may events na ganoon. Natatawa siya sa mga biro ng kasintahan.
Natigil lang sila sa pag-uusap ng tumayo si Mr. Dawnson Walsh at inaya rin sa stage si Noah upang magbigay ng speech sa bagong produktong ilalabas sa market.
Nangingiti siya dahil sobrang lakas ng dating ni Noah sa stage lalo na ng magsimula itong magsalita, maraming kababaihan ang nakatingin sa direksyon ni Noah. Humahanga.That's my boyfriend...usal niya sa isip.
Nawala lang ang atensyon niya ng may tumikhim sa gilid niya. Ang mother ni Noah, kaagad siyang ngumiti rito.
"How are you, Miss Gonzaga?"
blanko ang mukha nito nakatunghay sa kanya.Kinabahan siya pero pilit pa rin siyang ngumiti ng matamis sa Ginang.
"I'm good, Mrs. Walsh. I actually--"
"I'll be very honest with you, Miss Gonzaga. You are indeed beautiful but--I don't like you for my son."
malamig na wika ni Mrs. Walsh.Para siyang sinabugan ng bomba dahil sa sinabe nito. Nakaramdam siya ng panliliit. Huminga siya ng malalim. Masyado siyang sensitive at madali siyang maiyak, pinilit niya pa rin ngumiti sa Ginang.
"I'm sorry ma'am-- if you think I'm not suitable for your son. I love him and he loves me too."
nakangiting tugon niya kay Mrs. Walsh.Matinding lakas ng loob ang ginawa niya upang sagutin ito. Pero andoon pa rin ang pag galang niya.
BINABASA MO ANG
I.L.Y.S.B (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | April Kaye Gonzaga is ready to settle down in life. She's just waiting for her longtime boyfriend to propose but Danny seems to have a hard time proposing. That's why she made a plan. She will be the one to make a...