--Noah--
ALAS SINGKO pa lang ng umaga ay narating na nila ang bus station.
Nagpasalamat siya sa naghatid sa kanila na kakilala ni Mang Roger.Lumingon siya sa paligid.
Asan na si April? Bigla na lang ito nawala. Hinanap niya ang dalaga.
Nakahinga siya ng matagpuan itong nasa loob na ng bus at prenteng nakaupo sa tabi ng isang may edad na babae.Napabuntong hininga siya.
Mula ng magising sila kanina, hindi na ito namansin o kumibo, halatang iniiwasan siya ng dalaga.
Naupo siya sa likurang bahagi ng bus, elevated kasi ang upuan sa likod, tanaw niya pa rin ang dalaga. He sighed again.Lumipas ang isang oras, napuno na ang bus at nagsimulang umandar at umalis.
Habang nasa byahe, hindi niya inaalis ang tingin kay April na mahimbing ng nakatulog.
Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa kanila. Ang halik na pinagsaluhan nila. Panget man sabihin subalit hindi niya maikakaila ang attraction na nararamdaman niya para sa dalaga at nasisiguro rin niya na parehas sila ng nararamdaman ni April. Wala siyang pakialam kung may boyfriend ito.He's mine from the moment he tasted her sweet skin and soft lips.
Ngayon lang siya nakadama ng matinding atraksyon sa isang babae. He want April. He will have her no matter what.Lumipas ang ilan oras, hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Nakahinto ang bus, nagsibabaan ang ibang pasahero. Nakatigil ang bus sa isang bus stop.
"Nasa Cebu na po ba?" tanong niya sa katabi.
Umiling ito. "Ormoc pa lang. Mag banyo kana at bumili ng pagkaen kung gusto mo" sagot ng katabi niya.
Tumango siya at dagli hinagilap ng mata niya si April. Wala na ito sa kinauupuan nito. Kaagad siyang bumaba, nagbanyo rin siya at bumili ng pagkaen. Nang makabalik siya sa loob ng bus, pansin niya na wala pa rin si April. Nasaan na naman 'yun?
Nagsiakyatan na ang mga pasahero ngunit wala pa rin si April.
Nagtanong na siya sa may edad na babaeng katabi ni April kanina."Excuse me--Saan po nagpunta 'yung katabi nyo po na babae?"
nakaramdam na siya ng pag aalala dahil maging ang driver at konduktor ay umakyat na rin.
"Naku--may biglang humablot ng bag niya kanina, hinabol niya ata--basta bumaba siya"
Shit!
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at bumaba ng bus. Narinig pa niya ang pagsigaw ng konduktor, aalis na ang bus. Pero wala siyang pakialam, mas inaalala niya kung nasaan na ang dalaga. Patakbong tinungo niya ang restroom. Sumigaw siya.
"A-April!!--"
sigaw niya.Mabilis siyang pumasok sa banyo ng pambabae. Lahat ng cubicle ay sinilip niya hanggang sa huminto siya sa dulong cubicle na nakasarado.
"A-April?--"
Walang sumagot pero dinig niya ang paghikbi ng tao sa loob.
"April is that you?"
Hindi pa rin sumagot. He sighed.
Pumasok siya sa kabilang cubicle, tumuntong siya sa toilet bowl upang silipin ang kabilang cubicle.
Mukhang siyang ewan pero malakas ang kutob niyang si April ang nasa loob.
Well, tama nga siya. Si April nga.
Nakaupo ito sa toilet bowl at umiiyak."April !--"
Tumingala ito. Mugto ang mata saka inalis ang pagka-lock ng pinto.
Mabilis niyang tinungo ito, lumuhod siya sa harap nito upang magpantay ang mukha nila.
"Stop crying--sshh--I'm here, honey."
wika niya saka niyakap ito.Pasinghot-singhot naman ito sabay punas ng tissue.
BINABASA MO ANG
I.L.Y.S.B (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | April Kaye Gonzaga is ready to settle down in life. She's just waiting for her longtime boyfriend to propose but Danny seems to have a hard time proposing. That's why she made a plan. She will be the one to make a...