CHAPTER 1

34 3 9
                                    

"Tita Belen, ilang araw na lang ho. Ano po bang balak n'yong lulutuin natin para sa libing ng lola sa makalawa?" sabi ko habang hinihiwa ang carrots para sa sopas na lulutuin para sa mga dadalaw mamayang gabi.

Alas sais na ng gabi. Nasa kusina kami ni tita belen, what I meant was, makalat na kusina. lIang araw na rin kaming ganito, napalilibutan ng sandamakmak na sachet ng kape, mga biskwet, mga tinapay at mga sahog para sa mga niluto, at lulutuing pagkain. Isang malaki at makalat na palengke ang itsura ng Kusina ng funeral homes na 'to. Ilang araw na rin kaming nahihirapang mag-isip ng mga iluluto para sa burol ng lola. Nag ginataan na kami, nag lugaw, nag charmporado, kulang na nga lang ata mag tayo na kami ng meryendahan dito e. Lalo para sa libing nya, kailangan mas madaming lutuin. Sa dami ba naman ng kamag anak nitong darating, at para na rin sa ibang makikipag libing na Zest-O at lemon square lang naman ang habol. Mabuti na lang at pang apat na araw ng lola, ilang araw na lamang at medyo makaka raos raos na rin pag nailibing na sya.

"Pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon Yna. Alam mo naman ang kamag anak ng asawa ni lola Conching mo , napaka-aarte." sagot ni tita.

Well, totoo namang nakaka angat angat ang pamilya ng lola Conching kaya feeling may K na mag arte. Sa kanila kasi ni lolo Siso, s'ya ang mas may kaya. Ang lolo noon, nagtatrabaho lang sa koprahan. Kaya nga Mala teleserye rin ang kwento nilang dalawa e.

"Pero alam mo tita? Feeling ko gusto ng lola na mag kaldereta ako sa libing n'ya. E 'di ba kakain din naman ang mga bisita sa bahay pagkatapos ng libing? Paborito kaya ng lola yung kaldereta ko." pagmamayabang kong sabi kay tita Belen habang hawak ang kutsilyo at ang isang kamay, nakapamewang. sabay balik sa paghihiwa ng carrots.

"Oy Yna, wag mo ngang itutok 'yang kutsilyo at baka mamaya ay itulak ka ng kapwa mo. Ang bisita, dun na lang kakain sa sementeryo, wag na sa bahay kasi maliit lang Ang espasyo, hindi sila magkakas'ya. Dalhin na lang dun ang kaldereta mo na paborito ng lola pero nga mga bisita, baka hindi, Ewan ko lang." sagot ni tita

Muli kong tinigil ang paghihiwa at humarap kay tita Belen nang may pagmamayabang sa sarili.

"Una sa lahat tita Belen, Hindi ko kapwa ang demonyo. Napaka harsh mo naman dun ahhh!. Pangalawa, kahit sino magugustuhan ang kaldereta ko. Kahit sino!" malakas kong sagot. Dalawa lang naman kasi kami sa loob e.

At pagkatapos nun ay tumawa lang si tita Belen dahil feeling nya panalo s'ya sa pakikipag pikunan sakin. Hmpk! Ako pa ba? Mapipikon? NO. WAY!. Wala sa bokabularyo ko ang mapikon. Natahimik kaming dalawa ni tita belen, sya hinihiwa- hiwalay ang lumpia wrapper habang ako naman naghihiwa ng repolyo at patatas, para naman sa ulam namin. Maya maya ay humahangos na tumatakbo si Petite papunta samin habang hawak hawak yung "thomas and friends" train n'yang laruan na halata namang bago pa. Si Petite yung 6 years old na alaga namin ng mommy. Petite pangalan nya kasi para s'yang 'yung comedian na si petite , siksik lusog din sya, mini version nga lang.

"O, baby ko ano po 'yon? Gusto mo pagkain? Kaso hindi pa tapos magluto ang ate e. Maya maya kakain na tayo ha. Hmmm ikaw talaga napaka takaw" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang pisngi n'yang may chocolate, mukhang kumain nanaman ang baboy na 'to.

"Kanino 'yang train na yan? Ayy Petite? Ikaw ha, wag mo sabihing kinuha mo nanaman laruan ni zam, kaya kayo laging nag aaway e. Ano kan'ya ba yan?" tanong ko sa kanya. Mahilig nya kasing awayin yung anak ni tita belen na si zam, lalaki rin mas payat nga lang sa kanya.

"Hindi ko po inagaw kay zamzam, bigay 'to kuya Twi." sagot nya.

"Twi? Sinong Twi yun baby? Bago mong playmate? O asan s'ya? Bakit di mo kasama?" tanong ko.

"Hindi ko po sya kalawo, 'yung asawa mo po. Si kuya Twi! yieee" sagot nya habang umaarte syang kinikilig.

"Twi? Wala akong kilalang tw.... no way." bulong ko sa sarili. Nakalimutan ko kasing bulol sa R si Petite, kaya yung Twi na sinasabi nya, malamang "Tri" yun. At isa lang ang kilala ko Tri. Agad akong tumayo sa pagkakaluhod.

TAYO SA KWENTO KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon