CHAPTER 4
Gusto kitang mabalikan
Katulad ng mga alaala't nakaraan
Ngunit paano gagawin
Kung puso'y nasasaktan mo pa rin?Pagkatapos malibing ng lola e nagpasya ang karamihan na magpahinga ng saglit. Yung iba e kumain muna, pagkatapos ay umuwi na. Medyo pa gabi na rin kaya nagpasya na kaming umuwi na. Ayaw pa nga sana ng lolo Siso pero sinabihan namin sya na kailangan na naming umuwi, dahil mahamog na at delikado 'yun para sa kanya. Mamaya, s'ya naman ang magkasakit. Sa jeep sila sumakay pa uwi, doon na rin sana ako sasakay pero puno na, kaya inalok ako ni Tri na sumabay na sa kanya. Ayoko sana pero sinabi ng lolo na dun na 'ko sumabay. Alam ko naman din kung bakit.
"Asan na nga pala si Paul, bakit hindi man lang kumain?" Tanong ko sa kanya.
"Naku, umuwi na 'yon pagkahatid n'ya ng kotse dito. Buti nga at napilit kong sumama rito, sabi ko sa kanya madaming magaganda, e kilala mo naman yun. Babaero." Sagot n'ya sakin.
"Mahal pa rin ba s'ya si Ciallynie?" Bigla kong tanong.
"Kahit naman babaero 'yung mokong na 'yun, mahal na mahal n'ya si Ciang. At magpahanggang ngayon, umaasa pa rin s'yang maging sila uli." Sagot n'ya.
Natigil ako sa sinabi ni Tri. Patunay si Paul at Ciallynie ng paghihiwalay namin. Hiniwalayan ni Ciang si Paul nang magkahiwalay kami ni Tri. Hindi ko man ginusto, pinili na rin ni Ciang 'yun.
Pagkatapos ng maikling kwentuhan na yun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa lugar kung saan naka park ang sasakyan ni Tri. Hindi naman sobrang layo nun, kaya hindi naman nakakapagod. Pagdating namin dun, nakita ko yung kotse n'ya . Asul yun, kagaya ng paborito n'yang kulay. Simpleng hatchback na kotse. Simple pero napaka lakas ng dating para sakin. Parang si Tri. Eto lang ang mga hilig n'ya, ayaw n'ya ng magarbo. Ayaw ng agaw pansin.
"Yna, I want you to meet Trina." Sabi n'ya sakin habang tinuturo 'yung kotse.
"Trina?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Oo, Trina. Pinag halong Tri at Yna. E di'ba pinagusapan natin noon na pag nagka kotse ako e bibigyan natin ng pangalan? Kaya ayan. Si Trina." Sabi n'ya sakin.
"Ow? E baka naman nag iiba ang pangalan n'yan depende sa babaeng kasama mo?" Sabi ko sa kanya
"Shhh! Ynaaa! Wag mo ngang iparinig kay Trina yan, baka masira s'ya bigla, bahala ka. Ikaw rin." Sabi nya sakin.
"Okay, sige. Kunwari naniniwala ako. Ano? Di pa ba tayo sasakay? Mahamog na." tanong ko sa kanya
Pagkatapos nun ay pinagbuksan na n'ya ako ng pinto at agad naman akong sumakay. Pagsakay ko ro'n, nakita ko yung loob. Super panlalaki ng amoy ng kotse n'ya. Yung pabango n'ya dati na gustong gusto ko 'yung amoy. Walang design ang kotse nya, simple lang talaga sya, pero nang mapalingon ako sa may side ng driver seat, nakita ko yung papel na may pangalan n'ya at...pangalan ko. 'Tri loves Yna.' Yun ang mga salitang nakasulat dun. Tandang tanda ko 'yun, ako ang nag lettering nun para sa kanya. Nakasama yun sa ID nya noon pero ngayon, nakadikit na 'yun malapit sa driver's seat. Tinabi n'ya ba talaga yun? Hindi naman halatang pinakopya n'ya lang kasi makikita mo yung kalumaan ng paper, na pitikin mo lang mapupunit na. Hindi ko na lang pinansin 'yun at nagsawalang kibo na lang sa kung anong nakita ko. Ayoko na pag usapan dahil, hindi na rin naman makakabuti samin, isa pa pagod din ako.
Pagkatapos ng mahigit isang oras pabalik sa bahay e, nakarating na rin kami. Kahit nakaupo lang, nakakapagod pa rin. Habang nasa byahe e pasundot sundot kami ng kwentuhan ni Tri para 'di sya antukin pero sa huli, ako ang nakatulog at ginising na lang ako ni Tri nang marating namin ang bahay. Pagdating namin doon e napansin kong palingon lingon si Tri sa bahay namin. Nakarating na s'ya dito noon kaya alam na n'ya ang itsura nito, pero sa di ko malamang dahilan e nililingon lingon n'ya 'to na para bang nagmamasid na ewan.

BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?