Hawakan ang puso, ika'y masasaktan
Pero hindi na itatago ang katotohanan.
Pa'no sasabihing hindi ikaw ang gusto?
At ang katotohanang, 'di pwede ang tayo."Apo bilisan mo na ngang kumilos d'yan nang makapag almusal ka." narinig kong sabi ni Lolo Siso.
Wash day ngayon kaya naka bestida uli ako, pero syempre ibang dress naman 'no. Inaayos kong mabuti buhok ko at iniipit itong mabuti sa pagitan ng mga tenga ko.
"Konting lipbalm lang ang... ay teka, parang maputla ako today. Parang need ko ng liptint. Teka nga....ayan maganda naaaa!" Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Ayan, tapos na ko mag ayos. pabango na lang at ayo...
"Katarina, ano ba't napakatagal mong kumilos?!" Kalabog ni mamang sa Pinto.
"Opo lalabas na po ako mamang." Sagot ko.
Paglabas ko ng pinto, nakita ko si mamang.
"O e bakit ata ang bango bango mo ngayon? Ano bang meron? Tanong n'ya.
"Ah ano po, naparami ng lagay kaya ganon. Opo, naparami po. Sayang naman po kung itatapon ko lang. Halika na po, kain na po tayo." Sabi ko sa kanya sabay kapit sa braso n'ya. Talaga bang amoy na amoy ang pabango ko? parang hindi naman.
"Aba, napaka ganda naman ng apo ko ngayon. talagang naka lipistik pa ha." Sabi ni lolo siso bago uli basahin ang dyaryo n'ya.
"Maganda po talaga ako kahit walang lipistik no!" Sabi ko.
Hindi masyadong haggard ang araw na 'to. Kasi medyo maaga naman akong nagising, hindi ko lang maintindihan kung bakit mas nagmamadali pa sakin sila mamang e sila naman itong nasa bahay lang. Ngayon na lang ulit ako nag almusal na hindi nagmamadali. nananamnam ko 'yung lasa at amoy ng kape, tapos yung itlog na ipinalaman sa pandesal. Grabeee what a perfect breakfast!!!
Pagkatapos kong kumain e nagsipilyo na ko't nag ayos muli ng sarili bago isinuot ang sapatos at naghanda sa pag alis.
"O mamang, mag iingat po kayo rito ha. kung matutulog kayo sa kwarto, isara po ang pinto. Okay po?" Sabi ko habang sinisintas ang sapatos ko.
"Oo alam naman na namin 'yun e. Ano may kasabay ka bang papasok?" Tanong ni lolo Siso.
"E sabi po ni Tri dadaan daw po s'ya rito. baka po nasa baba na s'ya kaya ako po e papasok na. Wag kayong masyadong magpapagod ha." Sabi ko. Magmamano na sana ako sa kanila at aalis pero hindi raw, sasamahan daw nila ako sa baba. Bakit? The last time I checked, nakakababa naman ako ng hagdan kahit mag isa lang.
"Mamang, wag nyo na po akong ihatid, 'yung tuhod n'yo po baka mapaano." Sabi ko
"Ay hindi nako, ihahatid ka namin. Siso alalayan mo na lang ako."
"Ikaw matanda kana matigas pa ulo mo. Alam mong madalas sumupong 'yang tuhod mo e. O sige kumapit ka."
Pagbaba ko nakita ko si Tri na nakasakay sa motor n'ya. Naka sleeves nanaman s'ya at pantalon. Ang linis linis talaga tignan ng Isang 'to kahit kailan. Lalo na kapag ganito ang pormahan n'ya, mukhang disente. Hindi yung maporma lang.
"Ano 'yung naaamoy ko?" Tanong n'ya.
"O napansin na ni mamang, ako 'yun. Mabango talaga ako ngayon." Sagot ko.
" Hindi, hindi mabango 'yung naaamoy ko. Ikaw ba yun? 'yung mabaho? yuck!!"
"Huy sira! ang tagal kong naligo at ang nag ayos no!" Naku Demetrio, kung hindi lang nakaharap lolo't lola ko, minura na kita. Ang aga mo mambwisit.
BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?