Nakakalungkot na ang daan,
Papunta sa ating nakaraan
Ay walang iba, kung hindi balikan
Kung paano ka rin, sumaya't nasaktan.Pagkatapos nun ay naging tahimik na lang ako kagaya ng lahat sa tanghalan. Hindi pa rin ako nagawang titigan ni Tri, hindi pa rin n'ya ko nagawang lingunin, katulad ni Graciel. Nag focus na lang ako sa pakikinig kay Sir na dinidiscuss ang daloy ng kwento. Inabot din 'yun ng mahigit dalawang oras dahil medyo may mga cuts ang orientation, at maraming kwento. Ngayon ko lang din narealize na may pagkamadrama pala 'tong gagawing play, although it's about Christmas too.
"Okay, guys now that you all know the story already, I'm expecting all of you to be familiar to your characters and tomorrow, we will start the rehearsal. Kung wala na kayong tanong, you may go. Have a good day." Nagtayuan naman ang lahat pagkasabi n'ya nun at nagsimulang mag labasan.
"Gusto mo bang mag meryenda Yna?" tanong ni Jayson habang pinapagpagan ang pantalon n'ya.
"Oo, why not? Sige hali..."
"Katarina..." Sabat ni Sir.
"Yes tatay?" Tanong ko.Hindi s'ya agad sumagot pero pinalabas muna n'ya si Jayson, sumenyas naman si Jayson sakin na hihintayin n'ya ko sa labas at tumango naman ako.
"Bakit po ba tay?" Tanong ko uli.
"Tri!" Tawag ni Sir sa lalabas na sanang si Tri. Lumingon naman ito agad sa kan'ya. Ano nanaman bang pakulo ito?Hindi ako nakakaramdam ng maganda, alam kong may mangyayare. Maya maya naman ay lumapit si Tri kay sir, which means malapit din s'ya sakin, pero hindi pa rin n'ya ko tinitignan.
"P'wede bang pakikuha n'yo 'yung box doon?" Sabi ni Sir. Tinignan ko naman yung box, malaki 'yun at parang puro props ang laman. Mukhang mabigat, pero hindi na ko umimik at ganun din si Tri na nauna pang pumunta sa box. Nang makalapit ako ro'n, sinubukan ko 'yung buhatin pero talagang napakabigat.
"Ako na lang ang magbubuhat." Sabi ni Tri na hindi pa rin ako tinititigan.
"Napakabigat nito, hindi mo' to kakayanin na mag-isa." Sabi ko na pilit pa ring binubuhat yung box.
"Ako na nga!"
"Tutulong nga ako!"
"Wag na sinabi!"
"He! Tutulungan kita!"
"Ynaaaa!"
"Ang kul....."
"huh.."Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang sumara ang pinto. Akala ko hinampas lang ng hangin kaya sumara, pero wala na rin si Sir sa loob. Sinasabi ko na nga ba e. Trap talaga ang isang 'to. Agad akong tumakbo sa may pinto para sana habulin si Sir at tignan kung nakabukas pa ba 'yun.
"Sir! Buksan mo 'to!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto. "Sir! This is not a good joke!" dagdag ko.
"I am not joking, Yna. Ayoko sa tanghalan ang may alitan..."
"H-hindi po kami nag aaway. Please! Buksan mo na po 'to!" Pati si Tri napatakbo na rin sa pinto.
"I don't believe you guys. Mag-usap muna kayo para mas maging maayos ang rehearsals bukas. Babalikan ko kayo r'yan. Siguraduhin n'yong mag-uusap kayo." sabi ni Sir.
"No! Please! Tay! Buksan mo 'to." Sigaw ni Tri na mas malakas ang kalabog sa pinto. Pero hindi na rin sumagot si Sir. Pakiwari ko naglakad na talaga s'yang palayo. "Sir! Tatay! Buksan mo 'to! Please! Im begging you, open this door!" Sabi pa n'ya pero hindi na rin talaga bumalik si Sir para buksan ang pinto. Ilang saglit lang umalis na rin s'ya sa pintuan. Nakaka-inis naman ang ganito. Alam namang hindi kami nag uusap nitong ugok na 'to e, ikukulong pa kami rito.
BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Fiksi RemajaA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?