May ikaw at ako
ngunit malabo ang maging tayo
handa ka, ngunit di ako. Paano?
sayang, nangyari'y madaya ang mundo.Pagkatapos nun ay bumaba na lang kami at sa baba na na lang namin hinintay ni Graciel. Hindi naman nagalit sa'kin si Ciallynie, naiintindihan naman n'ya kung saan ako nanggagaling. Hindi lang siguro n'ya gusto ang mga sinabi ko. Miski ako hindi ko rin naman gusto, kaya lang hindi ko makokontrol ang nararamdaman ko.
Pagkatapos ng debate na 'yun e nagpunta na lang kami sa iba't ibang booth dahil nga University Week din ngayon. Ang totoo sinubukan kong hanapin 'yung lalaking nanlibre sakin ng ticket sa train. Gusto kong....humingi ng Sorry. Hindi naman kasi ako sobrang bato na hindi marunong humingi ng tawad kahit alam kong nagkamali ako, kaya sana gusto ko ring mag sorry sa kanya, pero bigo ako. Hindi ko s'ya nakita, baka umalis na s'ya. Sayang naman. Mag aalas tres na kami natapos mag ikot ikot sa mga booth. Kainis kasi 'tong sina Ciallynie at Graciel, puro harot ang inuna. Talagang nagpunta sa mga booth para lang magpaganda sa mga gwapong mga bantay. Pagkatapos naming mag ikot sa mga booth ay ipinatawag kami ni Sir Barrameda para kausapin at magpulong para sa mga posibleng plano namin kung sakali ngang mananalo kami. Sandali lang ang meeting na yun kaya pagkatapos nun, pinakain lang kami ni Sir at pagkatapos ay pinauwi na rin kami.
Alas sais na rin. Mas maaga ng isang oras sa uwi ko. Ang normal class ko kasi ay 10-7 pero dahil nga may debate at most of the days ay busy ako sa mga gawain sa school, maaga ako pumapasok at medyo nalilate na sa uwi. Buti na lang at mabait sina Lolo at mamang dahil hinahayaan nila akong gawin ang mga bagay na kailangan ko. It's really important to have a very strong support system when you want to be and to do more. It helps you to strive more and not to give up. Tsaka para sa kanila naman talaga ang lahat ng 'to e. Sila na ang buhay ko. Magmula nung nawala ang mama, sila na ang nag aruga sa'kin, and they never failed to make me feel loved. It's 6:30. nandito ako sa central station. As usual, madami pa ring tao dahil uwian na ng mga taong galing sa iskwelahan o trabaho. Pinahiram ako ng pera ni Ciallynie para makauwi. For sure hindi nanaman n'ya pababayaran 'to. Masubsob talaga sana 'yung nagnakaw ng wallet ko, napaka walang kwenta n'ya. Hindi ko alam bakit kailangan pa magkaroon ng mga magnanakaw.
Tahimik ang station, kahit maraming tao. Mga taong halata mong pagod na dahil pumupungay na ang kanilang mga mata at panay itong kinukusot. May mga tao namang sa kahihintay at nasandal na sa pader at doon na nagpasyang maidlip nang nakatayo. Naalala ko nanaman 'yung lalaking nanlibre sakin ng ticket sa train. Nilingon ko ang paligid, sinusubukan s'yang makita sa dami ng kumpol ng mga tao rito. Dito kami bumaba kaya posibleng nandito s'ya at pauwi na. Nilakad ko ang station at sinubukan s'yang hanapin, pero muli, bigo akong matagpuan s'ya. Tumigil na lang akong hanapin s'ya at pumirme sa isang tabi at hinintay ang train na may 3 minuto rin ang hinintay bago dumating.
Nakarating na rin ako sa bahay. Kulang kalahating minuto na rin ang nagdaan. Mag aalas siyete na. Pagod na ang tila pudpod kong mga talampakan. Pati ang balikat ko, hindi ko na magawang iangat.
"O andyan na ka pala. Ano? Kumusta? napapagod ka ba?" bati ni mamang habang papalakad ako palapit sa kanya para magmano.
"Opo, medyo pagod lang po. Ang lolo Siso po?" tanong ko.
"Nandun sa kwarto namin, may inaayos. Mabuti pa magbihis ka na at kumain na tayo ng sabay sabay." Sabi ni mamang.
"Hoy petite." ang sabi ni mamang. "Bakit nakangudngod ka nanaman d'yan sa lamesa?" Sita ko kay Petite.
"Ate, gutom na akoo. Baka maglaki ang worm sa tummy ko." Sagot n'ya. Hmp, kung hindi lang 'to cute e.
"Naku, sige na Katarina at magbihis ka na. Hayaan mo na't baka lumaki ang tummy sa worm." Sabi ni mamang at saka tumawa. Napaka kulit kasi nitong si Petite e.
BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?