CHAPTER 3

18 1 1
                                    



CHAPTER 3

Sa yugto ng pagsasara ng aklat ng tila muntikang pag-ibig
Muling pinatagpo, pinag adya nating daigdig
Sa muli pagtatagpo nating dalawa
Dapat bang ipagtuloy ang pag sulat ng muntikang istorya?

"Wag kang gagalaw nene. Pera lang kailangan ko." Tinig ng isang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko at nanigas ang buong katawan ko. Pakiramdam ko, namitig ang kamay ko sa lamig at hindi ako makagalaw at hindi na rin makasigaw. Walang kahit na anong nangyayare sa'kin. I feel like everything in me stops functioning. Hindi ko na alam kung anong mangyayare sakin, jusko wag naman po sana.

"Ah.. Kuya..Wa...w-wala ho a-a..kong pera. Please po, parang awa n'yo na .Wala ho akong dala. kailangan ko pa pong mabuhay. Ililibing pa lang ho ang lola ko. Kuya pakawalan mo na 'ko please, maawa ka. Hinihintay ho ako ng lolo ko. Please kuyaa..." Sabi ko sa kanya habang mabilis na umaagos ang luha ko. Pakiramdam ko katapusan ko na.

"H'wag na tayong mag lokohan nene. Mukha kang mayaman, kaya sige na bigay mo na pera mo para hindi ka na lang masaktan." Sabi nung lalaki na unti unti nang humihigpit ang hawak sa'kin. Naninigas pa rin ang buo kong katawan sa kaba.

"Kuya, wala ho kasi talaga akong pera... pakawalan n'yo na po ako kuya.." Pagmamakaawa ko sa lalaki.

"O sige, wala kang pera? Talagang wala kang pera? O Dibale, ayos na 'yang katawan mo. Bata ka pa naman nene." Sabi nya habang dahan dahang hinahawakan ang buhok ko.

Lalong tumindi ang kaba ko at mas lalong bumilis ang daloy ng luha ko. Hindi pa 'ko handa, at alam kong wala akong magawa. Pakiramdam ko napako ako sa pagkakahawak n'ya at hindi na 'ko makakapiglas. Dahan dahan n'yang ibinibaba ang kamay n'ya sa leeg ko. At pakiramdam ko ay may tumutusok na matulis na bagay sa likod ko na sa tingin ko ay kutsilyo. Panginoon, Kayo na pong....

"Hooy!!" sigaw ng isang lalaking hindi ko maaninag dahil na rin sa panlalabo ng mga mata ko pero alam ko ang boses na 'yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko. Palapit na sya nang palapit habang paluwag nang paluwag ang hawak ng lalaking kanina'y hindi kumakawala ang kamay leeg ko. Mukhang natakot s'ya sa sigaw ng lalaking 'yun.

Sa pagbitaw ng lalaki sa akin, ay hindi natinag ang pagkatulala ko. Dahan dahan lang ako tumutumba. Alam 'yun ng isip ko pero hindi pa rin n'ya makuhang gumalaw.

"Yna? Yna? Ayos ka lang ba?! Yna? Ayos ka lang ba?" Narinig kong sabi nung lalaki.

Natulala ako sa kanya. Malakas ang boses n'ya na s'ya ring nagbalik sakin mula sa kalutangan ko.

"T-...Tri?" sabi ko sa kanya.

Noon ko lang narealized na tama ang tenga ko sa boses na narinig ko. Hawak n'ya ko ngayon mula sa pagkakabagsak ko sa lupa. Nakatitig lang s'ya sakin. Nilingon ko ang mata ko upang sipatin kung nandun pa rin ang lalaking nagtangka sakin pero tumakbo sya at mabilis nawala. Tumayo si Tri at sinubukang tumakbo para habulin yung lalaki pero..

"Tri, wag na. Hayaan mo na." Sabi ko sa kanya, habang patuloy na nanginginig ang mga tuhod at kamay. Natigil s'ya sa pagtakbo at agad na bumalik sa'kin at inalalayan akong tumayo.

"A-anong hayaan ? Gago 'yun e. Ano ayos ka lang ba, ano nararamdaman mo?" Sabi n'ya sakin.

"Natakot ako Tri, natakot ako. Akala ko di ko na makikita ang lolo, akala ko di ko na makikita si mamang na ilibing. Pa'no si Petite, paano ako? 'Yung pangarap ko?" Sunod sunod ang mga lumalabas na salita sa bibig ko. Kaba at takot, 'yun ang meron ako, pero si Tri, bigla n'ya 'kong niyakap. Mahigpit 'yun pero hindi nakaka sakal. Tama lang para sa taong takot, parang kumot na taga alo ng pag aalala

TAYO SA KWENTO KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon