Kung hindi rin tayo sa huli
Sana'y hindi na rin tayo nagsimula
Kung hindi ka rin naman mananatili
Sana'y hindi na lang pala.Pagkatapos nun ay natahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Oo minsang tamang nagkukwentuhan kami, pero hindi 'yun sobrang nagtatagal. Siguro naiilang pa rin ako sa set-up namin, pero sinusubukan ko naman talaga na maging comfortable with him, hindi lang talaga madali. Mga kulang isang oras lang ay nakarating na kami sa bahay nila. Yun pa rin yung ayos at disenyo ng bahay nila. Maganda at malaki. Hindi naman s'ya tulad ng mga bahay ng artista na nagbobonggahan at sobrang naglalakihan talaga pero tama lang yung laki nun. Color gray na may natural rust na nagpapamukhang elegante ang itsura ng bahay nila. Pagpasok mo may garden yung left side nila, habang parking naman yung right side. Sa likod ng bahay na 'to, alam ko may swimming pool. Isang babaeng nasa mid 30 ang edad ang nagbukas ng gate nila Tri. Hindi kasi tinatawag ni Tri na katulong ang mga kasama nila sa bahay e. Hindi ko s'ya kilala, siguro bago lang s'ya rito.
"Good morning po" Nakangiti kong bati dun sa babae. Mukha s'yang mabait at kalmado.
"Magandang umaga rin naman. Maritess, Tess na lang for short. Naku may kasama pala kayong baby, panigurado matutuwa ka rito anak." Sabi ni Ate Tess.
"Naku, kahit saan po natutuwa 'yan ate Tess." Sagot ko sa kanya.
"Good morning Sir, nakangiti ka ha. Maganda umaga mo?" Tanong ni ate Tess kay Tri.
Oo nga nakita ko ngang nakangiti si Tri, pero inalis n'ya 'yun nung mapansin s'ya ni ate Tess.
"Ate Tess. Sige po mag ayos na po tayo ng almusal nang makapag agahan ang lahat." Sabi ni Tri kay ate Tess.
Ngumiti naman si Ate Tess at pumasok sa bahay.
"Ka-katarina? Ynaaa!!!!" Narinig kong sigaw nung babae.
Sa sobrang pagka-bigla, agad ko 'yung nilingon. Sabi na e, that voice is quite familiar to my ears. Hindi man lang sya nagbago, mukhang hindi s'ya tumatanda.
"Manang Isay?! Manaaaang!!" sabi ko sabay takbo kay manang.
Si manang Isay ang pinaka matagal nilang naging kasama sa bahay. Nandito na s'ya habang lumalaki si Tri, nang mamatay ang ate ni Tri, and she also witnessed our love story. She witnessed the love I and Tri used to have, kaya sobrang laking part n'ya sa buhay ko. Kasunod nila mamang at lolo Siso, e si manang, sa pinaka mamahal kong mga matatanda sa buhay.
"Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit ngayon ka lang bumisita? Namiss kita anak." Sabi ni manang habang nangingilid ang luha.
"Ay nako nay, marami na po akong naiyak nitong mga panahon na 'to, kaya kalma na po tayo. Miss ko rin po kayo." Sabi ko sa kanya at saka ko s'ya niyakap.
"Oo tama, less na 'tong drama na 'to. Hindi ito nakaka millenial yaya. Oy Tri, pumasok na para makakain. Naka hain na ang pagkain." Sabi ni manang kaya agad namang tumango si Tri.
"O pasok na raw tayo Pe.. Asan na.."
"Naku anak, pumasok na 'yung bata sa loob, gutom na ata. halika na." Sabi ni manang.
Talaga naman Petite, nakakahiya 'yang katakawan mo, parang hindi ka nabubusog! Hay makapasok na nga. Pagpasok ko, ganun pa rin naman ang itsura ng bahay. Katapat ng hagdan ang pinto, so yung carpet e mula roon sa pinakadulong baitang ng hagdan hanggang sa pinto. Lima ang kwarto ng bahay na 'to. Sa parents nya, sa ate n'ya, sa mga kasama nila sa bahay, sa kanya, at sa mga bibisita. Sa kaliwa ang kusina at kainan, pati na rin ang CR. Sa kaliwa naman ang Kwarto nila manang at ang kwarto for guests. Yung sala nila nasa malapit sa hagdan.
BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?