"Ang alaala nating dalawa'y gapos,
Mahirap takasan pagkat 'di natapos.
Sa aki'y mas madali ang limutin ka
Dahil mahirap pag ika'y naalala."Matapos ng higit Isang oras naming byahe, tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Napakagandang bahay to be exact. Actually nasa loob na kami ng Subdivision. Dito ba sila nakatira? Parang masyadong magarbo para sa isang nag aaral sa public school.
"Ang ganda ng bahay n'yo grabeee." Sabi ko sa kan'ya habang inaayos ang buhok kong nagulo dahil sa helmet. manghang mangha pa rin ako sa ganda ng bahay nila.
"Hindi namin bahay 'yan. Gusto mo 'kong magpakatotoo di'ba? Ito ang totoo. Magnanakaw tayo sa bahay na yan. Malaki kita d'yan." Sabi nya, habang tinatanggal ang helmet.
"Huy, Gago! Ayoko! Walangya ka masama ka palang tao, sabi ko na nga ba e. idadamay mo pa 'ko. Bwiset ka uwi mo na 'ko kung hindi papatayin kita!" Sabi ko sa kanya habang hinahampas ang helmet n'ya. Napakahayup ng isang 'to. Idadamay pa ko sa sideline n'ya.
"ARAAAY!!! HOBBY MO BA TALAGA MANAKET?!!!!! Syempre hindi tayo magnanakaw' nananakit agad e. Mukha ba tayong papasukin dito kung hindi ako taga rito! Tsaka sa gwapo kong 'to, magnanakaw lang? Alam mo maganda ka pero ano... slow." Sabi n'ya.
Tignan mo 'to. Ako pa ngayon ang slow e s'ya 'tong nagsabing mag nanakaw kami, malay ko ba kung talagang may lahi syang magna. Pero kung bahay nga nila talaga 'to. Ang ganda ganda naman. Parang sa isang estudyanteng nag aaral sa public school, hindi kapani paniwala na dito s'ya nakatira. Nakanganga akong pumasok sa bahay nila, tinitignan yung bahay nila na may natural rust ang tema. Kung ganito kaganda yung kalawang samin, okay na sakin. Magpapasalamat pa ko pag masusugatan. Pati 'yung mga halaman nila, ang gaganda.Hindi ko nga lang alam ang tawag sa mga ito. Malamang pang mayaman 'to pero ang gaganda nila. Sa sobrang ganda ng bahay na 'to, kahit madilim na, maappreciate mo pa rin.
"Nay, ito po si Yna. Yna, This is nanay Isay." Sabi ni Tri. Ipinapakilala n'ya 'ko sa isang may edad nang babae na mukang kasambahay nila rito. Isay daw ang pangalan. Mukha s'yang masungit. kakatakot tignan.
"Hello po, Magandang gabi po. Ako po si Katarina. Yna na lang po." Bati ko sa kan'ya. Magmamano sana ako pero iniwas n'ya ang mga kamay n'ya.
"Hindi pa ako ganun katanda iha, hindi mo kailangan magmano. Call me Inang Isay." Sabi n'ya. Masungit talaga s'ya. Matandang dalaga siguro ang isang 'to.
"Nay naman, wag n'yo naman pong takutin itong si Yna, baka mamaya hindi na bumalik dito 'yan." Sabi ni Tri na patuloy ang pag ngiti sa masungit na babae. Para namang babalik balik ako rito.
Napatingin ako sa babae at nagulat ako nang ang masungit n'yang pagmumukha at bigla na lang umaliwalas na para bang nanalo s'ya sa lotto.
"Naku iha, biro lang yun ha HAHAHAHA napapanood ko kasi 'yung mga donya donya sa mga palabas. Ganun ang acting. Inang Isay ang itawag mo sa'kin o sige pasok na kayo." Nakangiti n'yang sabi. Dito siguro nagmana ng kabaliwan si Tri Makulit din s'ya e. Inang Isay.... yun pala ang pangalan nya.
Naunang pumasok si Inang Isay dahil gagawa raw s'ya ng sandwich at inumin at naiwan kaming dalawa ni Tri na nasa pintuan pa rin.
"Laki ng bahay mo. Mayaman ka nga pala. Ikaw lang mag isa rito?" Tanong ko habang patuloy na nililingon ang bahay nila.
"Oo na hindi. Andyan naman si manang Isay e, pero oo mag isa nga talaga. My ate passed away when She was 15. Yung parents ko naman laging nasa ibang bansa. Siguro para makalimot. Ayon sa sobrang paglilibang, pati ako nakalimutan." Sabi n'ya. Nakita kong biglang nalungkot ang mukha n'ya nang sabihin n'ya yun. Malaki nga ang bahay nila pero malungkot 'yun. Napakalungkot.
BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?