Kung nagawa mo kaya akong pakinggan
piliin mo pa rin kaya ang ako'y layuan?
Kung nagawa kong hawakan ang 'yong kamay,
Maari kayang hindi na tayo nagkahiwalay?Katarina's
"Tingin mo? bakit kaya kinausap ni Tri si Graciel? E hindi naman sila close. Tanong ko kay Ciallynie.
"Aba malay ko. E kayo 'tong tsketsjagwrrst e." Ano raw??
"Alam mo p'wede lunukin mo muna 'yang turong nasa bibig mo? Hindi kita maintindihan e." Bakit kasi kailangan magsalita habang may laman ang bibig
"Ay sorry." Sabi n'ya sabay lunok nung turon na parang hindi na n'ya nginuya. Ciallynie talaga. "Ang sabi ko kasi, malay ko. E di'ba kayo ang laging magkasama ni Tri? Wala ba s'yang nakukwento?" Sabi n'ya.
"Wala naman. Kaya nga nagulat akong hinahanap n'ya si Grae e." Sagot ko habang patuloy na sumusulyap sa paligid.
"Hmm teka, parang alam ko na 'yan. Ikaw ha. Hinahanap mo sila, bakit? nagseselos ka ba na hindi ikaw ang hinanap ni Tri kanina?" Usisa si Ciallynie.
"Ako?! Magseselos? No. Way! Hindi 'no. bakit ako mag seselos? Ako? Hindi, wala. Walang walang pagseselos 'no."
"Wala ba talaga?" Usisa pa n'ya.
"Wala nga! Nag aalala lang ako dahil baka kung saan dinala ni Tri si Grae." palusot ko. Oo palusot lang kasi aaminin kong may kaunting inis na 'di ako ang hinanap n'ya. Kung selos man ang tawag don, hindi ko alam.
"O sigiii, sabi mo e. Liars go to hell ha." Sabi n'ya bago magpaalam na pupunta sa C.R para magpalit ng costumes. Hindi naman talaga ako nagsisinungaling e. Hindi ko lang masabi
"Tri!" Narinig kong sigaw ni Jayson na nasa likuran ko lang. tumingin ako sa bandang kanan kung saan din nakapaling ang ulo n'ya at nakita ko ngang dumadating si Tri at Graciel. Parang noong una lang, halos ayaw pansinin ni Tri 'tong si Graciel pero ngayon nakangiti pa silang dumating dito sa stage.
"Ano Anson? magsisimula na ba?" Bungad na tanong ni Tri na abot langit ang ngiti.
"Hindi pa tol, wala pa si Sir Aloy e. Pero baka maya maya nandito na rin 'yun." Sagot ni Jayson.
"O paano Tri, ayos na 'ko ng costume ko ha." narinig kong sabi ni Graciel kay Tri. tumango si Tri sa kan'ya, at hindi pa nakuntento, nag fistbomb pa silang dalawa. Dumaan sa harap ko si Graciel at pagkatingin n'ya sa'kin ay napangiti pa s'ya. Nang aasar ba s'ya? Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa maka alis s'ya.
"O kumusta ka?" nagulat ako nang sumulpot sa gilid ko si Tri. Nasa tabi ko na s'ya ngayon at nakadikit sa tenga ko.
"Dun ka nga!" sabi ko sabay tulak sa kan'ya. "Bakit ka ba sulpot nang sulpot bigla bigla?" Sabi ko.
"What's wrong with you?! Para ka laging galit na dinosaur. Ano nanamang ginawa ko? Ang sungit mo nanaman?"Tanong n'ya.
"Wala." Matipid kong sagot.
"Bakit ngaaa?!"
"Ewan ko sa'yo. mag aayos ako, bahala ka d'yan." Sabi ko sabay alis. Ayoko nga s'yang kausap. Bakit? E basta ayoko. Bahala s'ya sa buhay n'ya. Irita lang ako. Valid naman yon kahit walang dahilan. Pumunta na lang ako sa C.R para doon na mag ayos.
Naisip kong nasa cr din ng ground floor sila Ciallynie at kasama n'ya si Grae sigurado kaya sa may second floor ako nag punta. Habang naglalakad, hindi ko maisip kung bakit ako biglang naiinis na makita s'yang kasama si Graciel. E ako nga 'tong nagtutulak sa kan'ya para bigyang pansin si Grae. Pero naman kasi, umamin s'ya sakin, nagtapat s'ya ng feelings n'ya. Tapos bigla n'yang hahanapin 'yung iba. Para ano? Inisin ako? Pagselosin ako? Ha! kala n'ya! Well hindi ako magseselos no! Sino ba s'ya. Manigas s'ya.

BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?