Paanong hindi naging tayo
kung ang akala ko'y ako?
Paanong bigla kang naglaho
kasabay ng pagbigkas ng pangako?
Nalinlang ako ng salita,
Sana'y di na lang naniwala.
Ikaw rin pala'y.... mawawala.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero, kailangan kong makaalis. 'Yun ang alam ko.
...........
"E talaga namang nakakadala 'yung ganung sitwasyon e." Sabi ni inay Isay. Nakaupo pa rin kami rito sa kusina. Ang totoo nawawala na talaga ang antok ko sa kwentuhan namin dito.
"Oo nga po e. Biruin nyo hong hindi ako artista pero yung hagulgol ko nun ganun na lang." Sagot ko.
"Talagang ganun anak." sabi ni Manang Tess." Talagang maapektuhan ka sapagkat naranasan mo 'yun e. Pakiwari ko nga, ganun talaga ang gagawin mo kung namasdan mo kung paano iniwanan ng tatay mo ang nanay mo." Dagdag pa n'ya.
Naisip ko rin nga noon na baka ganun nga ang ginawa ko kung sakaling may hustong pagiisip na 'ko noon. Malamang na mga ganung linya ang nasabi ko sa kanya. Pero hindi e, wala pa kong sapat na pag iisip noon, Hindi ko napigilang maghiwalay sila.
"O san ka naman napunta non?" Tanong ni Manang Tess.
"Naku nagpunta s'ya sa banyo." Sabat ni Inang Isay.
"Sa banyo? Jusko akala ko naman kung saan ka napunta. Sa kubeta lang pala." sabi ni Manang Tess, natatawa tuloy ako sa kanya.
"PERO! H'wag ka. Doon sila nagkaroon ng moment ni Tri!" Sabi ni Inang Isay. Kinilig kilig naman itong dalawang 'to at nagtatatalon pa. Sana lang talaga di magising si Demetrio sa ingay nila.
................
Nasa banyo pa rin ako ngayon, iniiyak ang lahat ng sakit. Walangyang script 'yan, nabasa ko na yan noon pero hindi ko alam na ganun pala katindi ang magiging epekto nun sakin. Kala ko okay lang, kala ko hindi 'yun masakit. Pero iba talaga 'yung pakiramdam na makita mo 'yung magulang mo na naghihiwalay at nagpapaalam sa isa't isa.
Nakaupo pa rin ako sa labas ng pinto ng banyo. Actually itong banyo sa Second Floor ang pinaka hindi tauhin dahil madalas itong sira. Kaya dito ako nagpunta. Nakayuko lamang ako noong mga oras na 'yun. Ipinapahinga ang ulo sa mga bisig kong nakapatong naman sa mga tuhod ko. Tahimik lang ako nang pamaya maya pa'y nakarinig ako ng yabag.
O shit!! No way. Naalala ko kasi na isa sa mga dahilan kung bakit hindi tauhin ang CR sa second floor ay dahil lagi raw may nagpaparamdam dito. May estudyante raw dito na nagpakamatay dahil bumagsak sa exam. Kwento kwento lang naman yun ng mga estudyante at janitor pero bakit ba kasi rito pa ako nag moment?!!!
Sandali ko pang pinakiramdaman ang mga yabag at naramdaman kong unti unti na 'yung lumalapit sa'kin at...
"WAAAAAAAAHHHHH!!!!!!"
"WAAAAAAAH!!! YNA!!! ANO KA BAAAA?!! PAPATAYIN MO BA AKO SA TAKOOOT?!!!" Sigaw nung lalaki. Ni Tri. S'ya ang may ari ng mga yabag na narinig ko. Narito sya, gulat na gulat sa pagsigaw ko. Ako rin naman natakot e! Kala n'ya s'ya lang. Maya maya'y umupo s'ya sa tabi ko.
"WOW?! AKO PA TALAGA?! E IKAW NGA ITONG BIGLANG SUMUSULPOT DITO E. SINONG 'DI MATATAKOT? TEKA? BAKIT KA BA NANDITO???!!!" Sigaw ko.
"Malamang hinahanap kita!" sigaw n'ya. Parang ang tataas naming mga tao, sigaw kami nang sigaw. Napakalma naman ako nang sabihin n'yang hinahanap n'ya 'ko. Hindi dahil sa kung ano pa man, baka kasi ako na lang ang hinihintay nila.
"Nagagalit na ba si Sir Aloy? Pasensya na't patagal ako, dibale babalik na..." Patayo na sana ako pero hinawakan ako ni Tri sa braso ko.
"Pasmado!!" Sabi ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Novela JuvenilA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?