Ang nakaraan balikan
Doon maari uli kitang magisnan
Ang nakaraan balikan
Doon maari uli nating simulan
pero pa'no kung pagsilip sa nakaraan
Maalalang minsan mo rin pala akong iniwan?KATARINA'S POV.
Its 11:00 in the evening. Naging masaya rin naman ang araw na 'to kahit papaano at kahit na hindi nagsimulang masaya. Syempre pinaalis na kami sa bahay ng lola, tapos natanggal pa 'ko sa trabaho. Tapos umuwi na ang lolo sa probinsya, at naiwan kaming magkasama ni Petite. Pakiwari ko ba'y bunot ako ng tadhana. Pero kung iisipin kasi, blessed pa rin kami dahil sinalo kami ni Tri at pinatuloy dito sa bahay nila. Minsan, ang secret lang sa pagiging positive ay kailangan mo lang talagang makita yung maganda sa gitna ng mga bagay na hindi mo gustong mangyare o makita.
Dahil hindi ako makatulog, lumabas muna ako. Iinom sana ako ng tubig, o magkakape para kahit papano ay makapaglibang at mag-isip isip sa mga bagay bagay. Susubukan ko na lang siguro maghanap ng trabaho sa mga schools sa lunes para habang nasa school si Petite, e nakakapag hanap ako ng trabaho. Ayoko rin kasi masyadong umasa kay Tri, dahil nakakahiya rin naman. Nakikituloy na kami, magiging pabigat pa. At isa pa, ex ko pa rin s'ya. Akward na nga itong pananatili rito, magpapabigat pa ba?
Pagpunta ko sa kusina, hindi ko inasahang naroon pala si Inay Isay at Manang Tess. Hindi rin ba sila makatulog?
"O anak, hindi ka makatulog?" Tanong ni Inay.
"Hindi ho e, magtitimpla ho sana ako ng kape." sagot ko.
"O e teka, ako na ang magtitimpla, umupo ka na muna r'yan." sabi ni Inay at nagsimulang magtimpla ng kape.
"Salamat po." Sabi ko.
"Mabuti nga't may kape na rito sa bahay na 'to e. Noon diba, maalala ko, hindi nagkakape 'yang si Tri pero magmula raw nang matikman ang kape ng lola mo, ayun nahilig naman sa kape, sumobra pa nga." Sabi ni Inay. Totoo kasi na walang kape ang bahay na 'to noon, kabaligtaran samin na sadyang mahilig sa kape. Kaya si Tri, nang matikman ang kape ng mamang, ayun, naadik sa kape.
"O talaga manang? Lola nitong si Yna ang nakapag kumbinsi kay Tri na tumikim ng kape? Galing ha." tanong ni ate Tess.
"Oo, nako. Napalakas ng impluwensya ng pamilya ni Yna sa pagiging mabuti ni Tri. Noong panahong sila pa ni Tri, o teka ito ang kape anak, o ayun nga." sabi ni manang habang inaabot ang tasa ng kape sakin.
"Noong mga panahon na sila pa, naku napaka ligalig, ubod kulit, at sigla n'yang si Tri. Hindi ganyan na akala mo ba e laging nagluluksa. Noon kasi maloko lang yan e. Hindi naman 'yung tarantado, pero basta maloko. Pero nung dumating si Yna, wag ka. Nagbago si Tri." Sabi ni manang. Sa totoo lang, hindi nakaka asar ang ganitong kwentuhan dahil hindi naman talaga intensyon ni manang na banggitin ang mga 'yun, natutuwa lang siguro s'ya na makita si Tri noon na nagbago magmula nung naging kami. Well hindi ko naman s'ya binago, I'm proud dahil binago n'ya sarili n'ya para sa kung anong meron kami. Noon.
"Ay pasensya ka na anak, kung napaka daldal ko at nakukwento ko pa 'tong mga bagay na 'to ha. Shhhh na ko." Sabi ni Inay na bahagyang nakapag pangiti sa'kin.
"Okay lang po Inay, wala naman pong problema ron." Sabi ko.
"O manang, wala naman daw problema, sige manang tanong ka pa." Sabi ni Ate Tess.
"Uy, ano ka ba? E baka mamaya sabihin nitong anak ko e napaka chismosa nating dalawa." sabi ni Inay sabay upo sa tapat ko. "Pero alam mo anak, hindi naikwento sakin ni Tri kung paano at bakit ba talaga kayo nagkahiwalay. Basta umuwi na lang s'yang lasing dito at umiiyak. Pagkatapos noon e hindi na namin uli pinag-usapan ang tungkol sayo. E ano ba talagang nangyare?" tanong ni Inay.

BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?