CHAPTER 2

16 1 6
                                    

CHAPTER 2:

Hindi na 'ko kinulit ni tita at ngumiti na lang sakin bilang huling sagot. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinabi ko o tama bang sinabi ko ang mga 'yon pero.. wala naman na talagang dapat ayusin sa'min ni Tri. Kung baga sa kwento, May kailangan mag wakas, at may bagay na hindi na lang dapat buksan. At yung 'amin ni Tri, hindi na dapat pang pag-usapan.

Pagkatapos nun ay iba naman ang pinagkwentuhan namin ni tita. Malayo sa pagdating ni Tri. Natapos na rin 'yung nilulutong sopas pati na rin 'yung mga iba pang dapat maluto. Pinaguusapan pa rin namin ng tita kung ano ba talagang dapat iluto sa libing ng lola. Hindi pala ganun ka simple ang maging abala sa mga bagay tulad nito.

"Basta tita ha gusto ko may kaldereta, dahil ako ang magluluto nun. Okay tita Belen?" sabi ko sa kan'ya. Pinilipit ko talaga yung Kaldereta ko sa libing ng lola kasi gustong gusto talaga ng lola yung luto ko na 'yun kaya dapat nandun 'yun.

"O sya sige, mapilit ka e. Basta ihanda mo nang maaga ang mga lulutuin sa libing ni mamang dahil paniguradong magagahol tayo sa oras pag nagkataon." sabi ng tita.

Sasagot sana ako pero biglang pumasok ang lolo sa kusina, akala ko naman e magbabanyo lang sya dahil may tagusan sa banyo 'yung kusina kung nasa'n kami pero..

"Yna, apo? May luto na ba tayong pagkain?" tanong ng lolo.

"Opo lo, may sopas na ho rito, pati lumpia. May kain at ulam na rin ho. Nagugutom na po ba kayo? Kayo naman kasi, napagod po siguro kayo
kakakausap sa bisita nyo. Kain na po kayo." Sabi ko sa kanya habang akmang lalapitan para sana samahan papasok sa kusina.

"Ay hindi apo, hindi pa ko gutom." sabi ni lolo, ha? di pa s'ya gutom? "Luto na pala ang sopas, o sige Dalhan mo si Tri sa labas nang makakain naman sya." Sabi ni lolo habang tinatapik ang balikat ko sabay sa pag upo nya sa silya.

Talaga bang ako ang inuutusan n'yang magdala ng sopas dun sa lalaking 'yun? Like... Nang aasar ka ba lo?! Ako talaga?!! kailangan ko pa bang ipaalala sa inyo ni tita Belen na EX ko syaaaaaaaa!. EX KO! si Demetrio ay ex kooo!!! Grrrrrr! Sinubukan ko pa ring bigyan ng ngiti ang lolo kahit sobra akong naiinsulto.

"Ah lo? Magluluto pa ho kasi ako. Baka po pwedeng si TITA BELEEEEN na lang ho ang magdala ng sopas sa bisita n'yo." Sabi ko sa kan'ya habang pinang lalakihan ko ng mata ang tita Belen para isensyas na ayaw kong dalhan ng sopas ang lalaking 'yun.

Alam kong gets ni tita belen ang sinabi ng mga mata ko pero imbis na kumuha ng lalagyan at magsandok ng sopas para ihatid sa hudas, binigyan nya lang ako ng ngiti at nakakabwiset na tawa.

"Ay nako Yna, madami pa rin ako huhugasan dito oh! tsaka wala ka ng lulutuin dahil para mamayang gabi na ang mga pagkain na 'yan. Sige na hatiran mo na ng pagkain ang BISITA ng lolo sa labas." Sabi n'ya sabay halinghing na akala mo ba'y pusang kinikiliti.

Pinagtutulungan ata ako ng dalawang 'to e. Para bang nag-uusap sila gamit ang isip at nag sasang-ayunan sa gusto nilang mangyare...... Aha! Teka teka teka, mukhang alam ko na kung sino ang pasimuno ng kalokohang 'to. Siguro e pakana 'to ng lalaking 'yun. Siguro sinabihan n'ya ang lolo ko na ako nang magdala sa kanya ng sopas. Grrrrrr Demetrioooooo! bubuhos ko talaga sa'yo 'to pag nakita kita!

"Oo nga naman apo, Dalhan mo na si Tri, kawawa naman at walang makakausap kaya kung pwede sana, Kausapin mo muna rin dahil medyo napagod ako e at parang hinahapo." sabi ng lolo habang umuubo na halatang arte lang naman.

"Ay nako lo, kayang kaya ho ni Yna 'yon." Gatong ni tita Belen. Gusto ko na lang talagang magwala.

"Wag mong aawayin si Tri ha, baka magalit ang mamang mo, alam mo namang mahal na mahal ng mamang mo 'yan. Wag mong paaalisin ha." Sabi ng lolo at inulit pa ang pag arte na inuubo. Kagigil talaga, at ang tita Belen, talagang walang imik pero taas baba ang balikat. Akala nya di ko pansing tumatawa s'ya. Nakakabadtrip naman talaga ang araw na 'to.

TAYO SA KWENTO KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon