Mga salitang mahirap sabihin
May pag-ibig na mahirap aminin
Kaya iyo na lang sanang makita
kung bibig ko'y....di makapagsalitaPag-alis ni Tri ay agad na rin akong nagligpit at naghugas ng mga maruruming tasa at pinggan at pagkatapos n'un ay pumasok na 'ko sa kwarto para ayusin naman ang mga papel at bagay na kailangan ko para bukas. Kailangan na kasing mapapirmahan ang mga letters at 'yung iba na para sa bibilhing decoration, at yung mga print ng tickets ng mga manonood. Siguro mga 10 na rin ako nakatulog dahil sa mga ginawa ko habang ito naman si Petite, naghihilik pa sa tabi ko.
Kinabukasan, maaga akong gumising dahil this time, I really can't be late. Kailangan ko munang pumasok sa klase ko bago ko intindihin 'yung auditions, andun naman si Sir kaya yakang yaka n'ya 'yun. Maaga akong naligo at nag-ayos. Mabuti na lang si mamang, pinagpakulo ako ng tubig at ipinagplantsa ng uniform, hindi kasi kami wash day ngayon e kaya need talagang mag uniform. Pagkatapos kong maligo ay agad na 'kong nag-ayos ng gamit ko, I need to make sure that important things are inside my bag, especially my...WALLET! Mahirap na 'no. Hindi naman laging may Tri....I mean hindi naman laging may tutulong sa'kin sa oras na mawalan ako ng wallet. Pagkatapos kong masigurado ang lahat ng kailangan ko ay nag almusal na 'ko at nag sipilyo para maka-alis na.
"O mamang, lolo kailangan ho maaga ako ngayon kaya maaga akong aalis." Sabi ko habang nagsisintas ng sapatos.
"Hindi ka ba nagugutom? Nadudumi? Baka gusto mong kumain uli o magbanyo muna?" Tanong ng mamang. Bakit parang hindi mapakali ang mamang, anong meron?
"Nakadumi na po ako, at sobrang busog na ko sa masarap na almusal kaya hindi na po."
"E baka may nakalimutan ka pa sa kwarto mo, pumasok ka kaya muna at nang masigurado mong wala kang nalimutan." Sabat ng lolo.
"Lolo, wala na ho akong nakalimutan. Ayos na ho ako." Sagot ko
"Ate P'wede mo 'ko paliguan?"
"Petite, papasok ang ate. Papaliguan kita pag wala akong pasok okay?" Ano ba talagang meron?
"E parang madilaw pa ang ngipin mo, baka gusto mo pa uli mag sip...."
"Mamang, lolo. Hmmmm" Sabi ko sa kanila habang nakatitig sa kanila. "Ano pong problema? Parang hindi ho kayo mapakali?"
"e ...."
"Ayan na!" sigaw ni mamang. Sinong nandyan? Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon ah at lalo namang hindi namin ineexpect ang meralco o maynilad ngayon, and for sure, kung sila man ang bisita ngayon, hindi gan'yan ka energetic ang mamang sa pagsalubong. Kaya agad kong tinapos ang pagsisintas ng sapatos at sinilip kung sino ang nasa......
"Hoy! Anong ginagawa mo dito??!" Sabi ko sa lalaking nasa baba ng hagdan habang nakatayo. Naka uniform din s'ya since hindi nga wash day ngayon, mas mukha na s'yang disente pag naka uniporme, pero ang tanong ay bakit s'ya nandito. Si Tri, si Tri ang dumating sa bahay namin ngayon. May dala dala rin s'yang sandamakmak na brown paper bags.
"Anong ginagawa mo dito! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kan'ya.
"E apo, wag ka na magalit sa kan'ya. Kami kasi ng lolo mo ang nakipagusap sa kan'ya para...."
"Nakipag-usap?! Mamang, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na h'wag kayong kakausap ng mga taong hindi naman natin sobrang kakilala, nag-aalala po ako sa inyo, baka mapahamak kayo." Sabi ko
"Grab.."
"Isa ka pa Tri, wag kang sasagot. Bakit ka nandito? At tsaka bakit andami mong dala?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
TAYO SA KWENTO KO
Teen FictionA teen love story about two people who had their almost love story in the past. Now that they meet again in the present, will their love story have its continuation or will they put an end to it?