Ate: Huwaaaaw!!! Para ba sa akin 'to ma?? Ang ganda nito!!
Papa: Nakita kasi kitang umiiyak dahil sa nasira ang cellphone mo kaya naisipan kong bilhan ka ng bago. (Kumakamot sa ulo)
Ate: Ang sweet naman ng Papa ko! Ang ganda nito pa!! Bagong labas lang ito ah! Iphone 12 pro max! Grabeee!! Thank youu talaga!!
Mama: Kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo.
(Sunod sa luho si Ate, lagi nyang nakukuha ano man ang hilingin nya. Kakasira lang ng Cellphone nya kahapon pero binilhan sya agad. Hindi ko maiwasan isipin na sana ako rin.)
Ako: Pa.. nasira rin yung Cellphone ko.. bigla na lang nagblack out.
Papa: Nagblack out o binenta mo? Bahala ka sa buhay mo.
Mama: Ikaw bata ka sumasabay kapa! Kita mo ng kabibili lang ng Cellphone ng Ate mo tapos magpapabili ka!
(Hindi ko naman sinabi na ngayon. kahit tsaka na kapag nakaluwag-luwag na. Never akong nagpabili sa kanila. Sarili kong pera ang ipinagbili ko sa mumurahin kong Cellphone. Hindi na lang ako sumagot.)
Ate: Ma! Pa! Ang ganda ng camera! Picture tayo! Hoy hawakan mo! Picturan mo kami! (Inabot sa akin yung phone nya. Kinuhaan ko sila ng ilang litrato. Parang winawasak ang puso ko ng kuhaan ko sila. Never kong nafeel na bahagi ako ng pamilyang ito. Pagtapos ko roon umakyat ako sa kwarto ko. Naglabas ako ng ballpen at papel. Gusto kong magsulat bago gawin yung bagay na makakapag patahimik sa akin. Habambuhay.)Suicidal Note: Wag nyo ipaparamdam kay Ate na hindi sya belong sa pamilya. Masakit dahil ranas kona. Gusto ko sana na huwag nyo iparamdam kay ate yung pinaparamdam nyo sa 'kin :)
Papa: *PAK!* Saan kaba nagpupunta tuwing weekends! Nakuha mo pang lumandi imbis na mag-aral! (Sigaw nya at namumula sya sa galit.)
Ako: Galing po akong-
Mama: *PAK!* Proud kapa sabihin kung saan ka naglandi! Lagi kana lang ganyan! Papano kung mabuntis ka! (Sigaw ni Mama)
Ate: Wala kana ngang kwenta purwisyo kapa.
(Galing akong trabaho. May sideline ako sa Bar bilang waitress tuwing sabado linggo. Hindi kasi sapat yung baon na binibigay nila sa akin dahil palaging may biglaang bayarin sa school. Ayaw naman nila ko bigyan dahil niloloko ko lang raw sila.)
Papa: Kung ganyan parati kang wala sa gabi!! Lumayas kana lang dito! Hindi ka namin kailangan dito. (Sigaw ni papa sa akin)
(Halos ako na nga gumawa lahat ng gawain dito. Bago naman ako umalis ay naglilinis naman ako ng bahay. Hindi lang nila nakikita.)
Mama: Pahirap ka sa bahay na 'to!!(Nagkulong na lang ako sa kwarto. Hindi ako sa kanila sumabay sa pagkain at hating gabi na nung bumaba ako. Hindi nila ko tinirhan ng ulam. Ewan ko pero sa simpleng bagay na 'yon napaluha ako. Lagi ko kasi naririnig kela Mama na tirhan ko ng ulam si Ate kapag nauuna ako pero kapag ako ang nahuhuli palaging walang natitira. Bumalik na lang ako sa kwarto ng gutom. Nagsulat na lang ako.)
Suicidal Note: Tanungin nyo muna si Ate bago kayo mag-akusa. Minsan nauuna yung galit natin kesa alamin kung ano ba talaga yung tunay na nangyari.
Ate: Happy Anniversary Mama, Papa stay strog and healthy! Love you both! (Sabay abot ng Flowers at Cholocolates. Unang tingin pa lang alam mo na agad na mahal ang mga 'yon.)
Papa: Love you too anak! Ikaw talaga nag-abala kapa!
Mama: Kaya lab na lab kita e. Salamat sa gift anak!
Ako: M-Ma.. P-Pa.. ito lang yung nakayanan ko.. (Inabot ko sa kanila yung drawing ko. Sila 'yon. Inabot ako ng four months matapos lang 'yon. Pinaghandaan ko talaga 'yon at least hindi ko man sila mabilhan ng materyal na bagay, pinaghirapan ko naman yung ibibigay ko. May kasama 'yon na maliit na rosas tsaka mumurahin na tsokolate. Payak akong ngumiti.)
Papa: Ano bang basura na yan! Ayan ba ang ginagawa mo imbis na magaral?! Hindi ko kailangan nyan! (Tinabig ni Papa ang skecth ko. Parang dinudurog ang puso ko. Ilang buwan ko ginawa yan..)
Mama: Hindi namin kailangan ng basura. (Tsaka pinulot yung sketch at pinunit sa harap ko. Doon na nawarak yung puso. Kahit sana ay hindi na lang nila tinanggap. Hindi yung sisirain nila..)
Ate: Ang cheap mo naman kasi! Drawing? Palibhasa asa ka lang sa kakayahan meron ka wala kang diskarte. Panget kana nga cheap kapa!
(Nagtawanan sila sa narinig kay Ate. Ipinagdiinan kasi nito yung word na Panget. Kaya rin siguro gusto nila kay Ate ay maganda ito. Twelve years old na kasi ako nung makapiling ko sila Mama at Papa kaya siguro hindi sila ganoon kalapit sa akin. Umakyat ulit ako sa taas at nagsulat.)Suicidal Note: Wag nyong pagtatawanan yung mga bagay na nakayanan lang ni Ate, hindi sya maganda sa pakiramdam. Mabigat at masakit.
Papa: Malapit na mag Birthday ang panganay ko ah! (Nakangiting si Papa habang ginugulo ang buhok ni Ate)
Ate: Next Month pa naman Pa!
Mama: May gusto kabang gawin?
Ate: Wala naman. Okay na ako sa simpleng salo-salo basta kasama ko kayong dalawa. (Hindi talaga ako kasama. Birthday ko ngayon pero parang walang nakakaalala. Naramdaman kong naginit yung mata ko pero pinigilan kong lumuha. Araw ko ngayon. Kahit ngayon lang wag akong malungkot.)
Ako: Birthday ko ngayon. (Nakangiti ako ngayon habang naglalakad papalapit sa kanila. May bitbit akong chocolate cake. Pinag-ipunan ko talaga 'to para sa sarili ko. Lagi kasi ako luhaan noon kapag Birthday kona kasi wala man lang ako pambiling cake sa sarili ko. Pakiramdam ko ako na yung pinaka-kawawang tao sa buong mundo.)
Papa: Ano naman?
Mama: Oo na Birthday mo na. Amin na yang cake.
Ate: Nagbi-Birthday kapa pala.
(Mapait akong ngumiti tsaka nilapag sa kanila yung cake. Umakyat na lang ako sa kwarto. Nitong mga nakaraang araw para kong nilalabanan yung sarili ko. Parang hindi kona kayang ihandle itong pain na nararamdaman ko. Nakuha ko pa ring magsulat.)Suicidal Note: Tuwing Birthday ni Ate always make it special dahil minsan lang ito sa isang taon. Wag na wag nyong kakalimutan dahil importante may maka-alala sa kaarawan nya. Hindi maganda sa pakiramdam kapag mismo pamilya mo yung nakalimot sa special na araw mo. :)
Ako: Ma.. Pa.. ni minsan ba minahal nyo ko?
Papa: Ano bang drama yan?
Mama: Anak ka lang namin yun lang 'yon. Naalala mo ba yung ginawa mo sa Ate mo? Magmula nung araw na 'yon kinamuhian kana namin! Pasalamat kapa nga tinanggap kapa namin!
(Fourteen years old ng pagtangkaan ko ang buhay ni Ate, nung araw na 'yon nilamon ako ng inggit. Muntik kona syang mapatay sa higpit ng pagkakasakal ko non. Pinigilan ako nila Mama at Papa. Simula nong araw na 'yon never nakong naging tama. Palagi na akong mali. Nabigla lang naman ako non. Lumaban lang ako kay Ate dahil sinusuntok nya ko.)
Ate: Anong drama yan? Magtigil ka nga.Suicidal Note: Wag nyong sasabihin kay Ate na hindi nyo sya mahal. Masakit marinig at maramdaman na hindi ka mahal ng sarili mong mga magulang.
Nagtali ako ng lubid at pinaikot iyon sa ulo ko. Nakapatong ako sa upuan. Nilagay ko lang sa sahig ang mga note ko. Gusto kong mabasa nila 'yon para maiwasan nilang gawin ang ganito kay Ate. I'm totally depressed, wala akong malapitan. Wala akong makausap. Hindi kona kayang labanan yung sarili ko dahil kahit mismo ako sinukuan kona yung pagiging ako. Wala ng saysay kung mabubuhay ako. Hanggang sa muli mahal mahal ko sila.
Paalam...
Itinumba kona yung upuan. Humigpit yung tali sa leeg ko. Unti-unti akong nalagutan ng hininga kasabay ng paglabo ng paningin ko. Napaluha ako.
The End
BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Historia CortaMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star