Sorry sa mga hindi ko nasama baka sa susunod na lang 'yung iba. Ito na yung short story ko na ang ginamit kong pangalan ay pangalan ng mga readers ko. Hehehe, shout out kay Carl Angelo Ganzon Hipolito! Ang gwapo mo rito hahahaha!
My 7 Princess written by Chologsabogsa
Carl
Sa school na pinapasukan ko may pitong babae'ng talagang nagangandahan! As in mabibihag ka sa kagandahang tinataglay nila! Magkakaibigan silang pito at lahat sila ay magaganda.
Tahimik kong pinapasok sa loob ng locker ko ang mga gamit ko ng may kumalabit sa'kin, napalingon muna ko sa daliri saka dahan dahang inangat ang paningin ko.
"Hi! I'm Ysabel! Nice meeting you." Nakangiti ito ng nilahad nya sa harap ko ang kamay nya.
Para akong na istatwa sa kinatatayuan ko! Hindi ako makapaniwala na nakikipagkilala sa'kin si Ysabel!! Nakayakap ang kamay nya sa dibdib dahil may bitbit itong libro.
Isa si Ysabel sa pitong prinsesang pinapangarap ko at sya ang pinaka maliit sa kanila! Si Ysabel ang pinaka matalino sa kanila, may pagka nerd sya at isa yun sa nagustuhan ko sa kanya.
Matalino na, mabait pa!
Nakipag kamayan ako sa kanya at ginawaran ko sya ng abo't tenga na ngiti. Sino ba naman kasing hindi magiging masaya kapag kinausap ka ng isa sa pitong prinsesa!
"I'm Carl Angelo Ganzon Hipolito," pakilala ko.
Natawa sya at napakahinhin lang 'nun!
"Ang Cute mo." Sabi nya.
Hindi ako makapaniwala na kyut pa ako sa paningin nya! For the first time napansin din ako. Ang tagal kong inantay ang araw na'to na mapansin ako ng isa sa mga prinsesa ko.
"T-thank you.." sabi ko sabay kamot sa batok.
"See you around cutie.." nakangiting sabi nya bago umalis.
Natulala ako sa kanya dahil pakiramdam ko iba ang ngiti nya! Ayuko naman kiligin dahil ang lakas lang maka bading kaya kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang kilig na nararamdaman ko.
Sinara ko na ang locker ko matapos malagay ang gamit sa loob. Nag lakad na ako palabas ng locker's room at pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay napahinto ako sa pagkabigla.
Si Cristine!
Lumapit sa'kin si Cristine at parang nag panic naman ako dahil sa hot nya!
Isa si Cristine sa mga Prinsesa ko, at gusto ko ang katawan nya dahil bukod sa sexy na sya ay may abs pa! Si Cristine naman yung mahilig sa martial arts as in wag mong tangkain na banggain sya dahil kawawa ka lang sa kanya.
"Ako nga pala si Cristine." Malalim ang bosea nito.
Hindi na naman ako makapaniwala! Si Cristine ay nagpapa kilala sa'kin! Ano bang ginawa ko para swertehin ako ng ganito. Lord napaka bait ko ba? Para ilapit nyo sa'kin yung dalawa kong prinsesa.
"A-ahh I'm Carl Angelo Ganzon Hipolito.." napaiwas ako sa mga tingin ni Cristine.
Masyadong malalim pero gusto ko ang mga tingin nya ang kaso hindi ko lang masabayan. Lagi kong pinapanuod si Cristine mag ensayo dito sa School ng hindi nya alam.
BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Short StoryMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star