A/N: Sa wakas nakapag Update din dito. Halos mag iisang taon rin bago ako nakapag UD ulit dito. Sana magustuhan nyo.
March 23, 2020
Sana ma-hurt kayo sa story na'to hahahaha char
Not a Love Story.
Marqui's POV
"Anong meron?" Tanong ko ng makita ko si Zackary na busy sa pag gugupit ng puso sa color paper na kulay pula. Ang daming chocolate at candies sa loob ng box na ginagawa nya.
"Undas. Undas bukas gaga." Sagot naman ni Evaly na katabi ni Zackary
Bestfriend ko si Evaly saka si Zackary simula pa nung first year high school ko dito. Buti nalang block section kami kaya almost mag four years narin kaming magkakasama.
"Pahingi ako ahh." Pagkasabi ko nun ay hindi ko na inantay pa kung papayag sya ay dinakma ko na ito.
Si Evaly ang matalino saming tatlo at si Zackary naman ang habulin ng chicks dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Ako naman ang barumbado saka siraulo sa grupo. Ang alam ni Zackary ay Boyish ako pero ang hindi nya alam inlove ako sa kanya at si Evaly lang ang nakakaalam sa sikreto ko.
"Gag* ka talaga! Wag mong ubusin!" Suway nya sakin. Kahit na galit sya ang gwapo gwapo parin talaga nya.
Nag simula tong nararamdaman ko nung 2nd year high school kami. That time maraming bagay ang hindi ko maipaliwanag sa tuwing makikita ko sya. Nagiging masaya ako. Nate-tense ako tuwing titigan nya ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko syang ngumingiti sa harap ko. Kinikilig ako kapag may romantic na nangyayari samin. Pero ngayon 4th year na kami sigurado nako.
Mahal ko sya...
"Buti kapa nga nakakuha ehh.. samantalang ako kahit pampalasa lang hindi ako nakatikim.. naturingan bestfriend ang damot sakin." Reklamo ni Evaly kay Zackary. Dahil sa sinabi nya napalingon kami ni Zackary sa kanya.
"Treat ko nalang kayo mamaya. Supportahan nyo muna ko dahil Valentines bukas." Saad nito
"Bakit si Marquis nakatikim ng chocolate bakit hindi mo binawi?" Tanong ni Evaly
"Ito talaga tong baby girl namin oh napaka tampuhin.. alam mo naman gutom yang si Marquis diba? Sing tigas pa ng bakal ang mukha? Saka may itatanong ako sa kanya. Boy's talk kumbaga kaya bawal muna ang girl." Sagot ni Zackary kay Evaly
"Letche! May pa boy's talk pa kayong nalalaman. Che!" Tumayo ito.
"Saan ka pupunta Evaly?" Tanong ko sa kanya.
"Bibili lang ako ng tubig." Sagot nito at hindi na inantay pa ang sasabihin ko ay agad agad itong naglakad papalayo sa kinaroroonan namin.
"May dalaw 'ata." Natatawang pagkasabi ni Zackary kaya napalingon ako sa kanya.
"Mga babae nga naman ang hirap intindihin at sobrang hirap suyuin at pakiusapan. Kung pwede lang hinamon kona sila ng suntukan." Sabi ni Zackary kaya natawa ako sa jk nya. Kung kasama namin siguro si Evaly ngayon malamang hindi nanaman makakarelate yun sa joke ni Zackary dahil madalas dalawa lang kaming nagkakaintindihan.
Minsan narin pinagkamalang bakla si Zackary dahil narin sa puro babae ang kasama nya pero sa paglipas ng panahon natabunan narin ang issue na yun.
"Par sa tingin mo magugustuhan kaya ni Cassy to?" Sabi nya sabay turo sa kahon na mukhang pinaghirapan nyang gawin. Iniisip ko minsan na sana ako nalang yung nililigawan nya. Ako nalang sana nakakatanggap lahat ng effort na ginagawa nya. Ako nalang sana.
Tinignan ko saglit yung box na halos punuin ng puso sa dami na naka dikit. Kahit hindi maganda ang gawa nya para sakin napaka ganda nito dahil si Zackary nga ang may gawa.
BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Proză scurtăMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star