Rebound

17 1 0
                                    


Shiny

Hirap na hirap akong buhatin si Jayson paakyat sa condo nya. Nung nasa tapat na kami ng pinto nag mamadali akong pinindot ang passcode.

"Tignan mo 'tong lalaking 'to! Iinom inom hindi kaya!" Sabi ko habang hinahatak sya papasok sa loob.

Lasing na lasing 'ito at bago sya mawalan ng malay ehh nagawa nya pa kong tawagan kaya naman nag madali akong puntahan yung bar na pinuntahan nya at naabutan kong knock down sya dun.

"Son... malapit na tayo sa kwarto mo." Sabi ko sa kanya.

Sawi kasi kaya nagwalwal ng malala. Araw araw yan at araw araw rin nya kong pinahihirapan. Nakakainis lang dahil walang pake sa kanya yung Ex-girlfriend nya kahit ano pang mangyari sa kanya! Tch! Hindi nya ba alam na kaya nagkakaganyan si Jayson dahil sa kanya.

'Kawawa naman ang Jayson ko'

Iniupo ko sya sa gilid at saglit kong binuksan ang kwarto nya at nung iniwan kong bukas 'ito ay lumapit naman ako sa kanya para buhatin ulit sya.

"Onting tiis na lang Son.." bulong ko pa.

Pabagsak ko syang inihiga sa kama at ako naman ay pagod na pagod na naupo sa kama nya.

Araw araw nalang ganto. Kung hindi ko lang mahal si Jayson ay hindi ako magtitiis sa ganto. Napatingin ako kay Jayson na nakatihaya. Tumayo ako sa pagkakaupo ako at dahan dahan lumapit sa kanya.

Nakatayo ako sa tapat nya at maluha luha akong nakatingin sa kanya. Bagsak na ang katawan nito sa dahil sa mga pinaggagawa nya at masyadong malalim ang mata nito dahil kulang sya lagi sa tulog.

'Bakit kailangan mong gawin sa sarili mo yan Jayson'

Tatalikod na sana ako para kumuha ng kumot ng bigla nya kong hatakin dahilan para mapahiga ako sa katawan nya. Ikinulong ako sa braso nito na akala mo ayaw akong pakawalan.

"Ja-jayson.." sabi ko sabay iniangat ko ang paningin ko sa kanya.

"1 minute." Mahinang sabi nya.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi nya parin inaalis ang pagkakayakap sakin. Hindi akong pwedeng magtagal kahit gustuhin ko pa dahil yayariin ako ni mama pag late ako umuwi. Iniangat ko ang tingin ko at tumingala ng bahagya sa kanya.

"Jay aalis nako baka hina—"

Hindi kona natuloy pa ang gusto kong sabihin dahil siniil ako nito ng halik. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya at hindi ko alam ang gagawin. Para akong tuod na hindi tumutugon sa mga halik nya. May side kasi sakin na lasing lang sya kaya nya nagagawa ang ganto. Bigla itong tumigil at naniningkit pa ang mga mata nito nung dumilat sya.

"Shiny..." napaka husky ng boses nito.

Para naman may nag karera sa dibdib ko sa pagsabi nya ng pangalan ko. For the first time! Hindi si Lollete ang tinawag nya. Akala nya kasi lagi si Lollete na Ex na ang kasama nya sa tuwing hahalikan nya ko.

Dumampi ulit ang mapanukso nitong labi sakin and this tumutugon nako sa halik nya sinasabayan ko bawat pag galaw ng bibig nya. Napapikit ako hanbang lumuluha. Hinawakan nya ang batok ko para mas idiin pa ang halik namin.

Nauubusan nako ng hangin kaya kumawala nako sa halik na ginawa nya. Nung nakawala ako sa halik nya ay halos habolin ko ang pag hinga ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na bumagsak sya at napatingin naman ako.

Nakatulog ulit sya.

"I miss you Lollete." Nangungulilang sabi nito.

Parang kinurot naman yung puso ko. Sabi ko na nga ba hindi dapat ako nag expect agad.

Ito nanaman ako sa akala.

Kinumutan ko na sya saka ako umalis ng condo nya.

Habang naglalakad hinayaan ko lang pumatak ang aking mga luha.

End.

Chologsabogsa One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon