PANGET by Chologsabogsa
Killy
"SORRY PO!" Halos mapayuko ako sa pagkakasabi ko no'n.
Hindi ko magawang tignan sa mukha ang me-edad na lalaking nabangga ko. Tanging 'yung suot nyang Coat ang nakikita ko. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko!
Pauwi nako galing school ng may nakabangga akong kung sino man. Kaagaran naagaw ang atensyon sa buong paligid kaya mabilis rin akong ginapangan ng kaba.
Matatapos ron 'to Killy!
"Shit! Alam mo ba kung magkano 'tong suot ko?" Galit na tanong sakin nito.
Napatingin ako sa kanya at bakas talaga ang galit sa mukha nya. Lagot talaga ako nito!
"Pasensya na po kayo! Hindi ko po sinasadya!" Lumapit pako para punasan ang suot nyang coat pero tinapik lang nito ang kamay ko kaya napapahiyang napa atras ako.
"Alam mo ba kung magkano 'to!? Kahit ilang taon kapa mag trabaho hindi mo mababayaran 'to!" Galit na sigaw nito sa mukha ko.
"Sorry po!" Napapayuko kong sabi.
Sinakop ng isa nyang kamay ang mukha ko dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kanya. Parang pinag-aaralan nito ang mukha ko hindi sa pagkamangha kundi sa pandidiri..
"Mabuti sana kung maganda ka! Kaso ang panget mo! Hindi ka mukhang tao! Halimaw ka!" Sigaw nya sa mukha ko bago nya bitawan.
Naamoy ko ang hininga nyang amoy alak at mukhang lasing 'to. Nakarinig naman ako ng ilang bulungan sa paligid kaya naman napayuko ako sa kahihiyan.
Matatapos rin 'to Killy..
"Pasensya na po.." tanging nasabi ko.
Gusto kong maluha dahil sa araw-araw kong pamumuhay ay laging pinapamukha ng mga tao kung gano ba kasama ang itsura ko. Alam ko naman na hindi talaga ako maganda pero ang sakit pa rin pala kapag pinapamukha nila sa'yo na hindi ka maganda at kung ano anong hindi ka-aya ayang itsura ang ikukumpara nila sa itsura mo. Alam kong dapat masanay nako pero hindi ko pa rin maiwasan hindi masaktan lalo na kapag ganito ang nangyayari sa'kin.
"Sa susunod na makita ko pa yang PANGET mong pagmumukha ay hindi ako mag dadalawang isip na saktan ka!" Dire-diretso itong nag lakad dahilan ng pagkatumba ko sa sahig.
Hindi ko ininda ang sakit dahil kung tutuusin ay nakahinga ako ng maluwag dahil umalis na sya at sa wakas natapos na rin ang eksena o palabas.
Tumayo ako ay pinagpagan ang sarili ko. May mga iilan pa ring nakatingin sakin pero hindi nako nag abalang lingonin sila baka may masabi pa silang hindi maganda.
"Ang Panget nya no?"
"Huy grabe ka kawawa na nga e,"
"Hahahaha! Bagay lang sa kanya yan. Ang lampa nya e, kung tumitingin sya sa daanan nya edi sana hindi nya nabangga 'yung matanda."
"Hahahaha! Pero kawawa sya kasi ang sakit ng mga sinabi sa kanya."
"Totoo naman kasi tignan mo nga sya.. kababae'ng tao ang dugyot! Hindi na nga maganda ang dumi pang tignan."
"Grabe ka baka marinig ka."
"Anong pake ko."
Hindi kona napigilan hindi lingonin ang dalawang babae'ng nag uusap hindi kalayuan sakin. Masama ang tingin sakin ng isa samantalang 'yung isa ay parang wala lang.
"Mukhang narinig ka nya." Bumulong 'yung isang babae
"Ano naman! Huy! Ano tini-tingin mong Panget ka!"
![](https://img.wattpad.com/cover/165465644-288-k883926.jpg)
BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Short StoryMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star