Tame"Ma.. pengeng pera..." malabing ang tinig ko.
"Mag tigil ka kakapera.. mag aral ka." Matigas na sabi nito.
"Ihh! May bibilhin lang naman ako parang bente lang.." naka pouted pa ko.
"Tame hindi tinatae yung pera. Baka kala mo pinupulot ko yung pera." Bakas sa boses nito ang inis.
Here we go again.
"Wala naman akong sinabing pinulot nyo ah. Ang sabi ko ma pengeng pera." Sagot at dahil nag mamatapang nanaman ako sigurado akong magmamatigas nanaman 'itong si mama.
"Ayy nako wag kang mag pera." Salubong na ang kilay nito at nag focus na lamang sya sa panunuod ng TV.
"Bili na ma..." pagpupumilit ko.
"Alam mo ba nung bata ako kailangan ko pang mag banat ng buto para lang may baon ako? Yung bag ko plastic tapos wala akong sapatos naka tsinelas lang ako.. kaya maswerte kayo—" ang haba ng sinabi ni mama samantalang nanghihingi lang naman ako ng pera.
Ask lang? Bat ganun yung mga nanay? Ang hilig ipagkumpara yung past sa prensent!
"Ma penge na kase." Pagbabalewala ko sa sinabi nya.
"Wala nga ko sabing pera." Inis na sabi nito.
"Ma bili na!" Ayan na nagmaktol nako.
Pero nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin at kinurot ako sa tagiliran.
"Lumayas ka!" Naiirita nyang sabi.
"Aray! Huhuhu bakit kailangan nyong mangurot!" Sabi ko habang himas himas ang kinurot nya.
Shit! Nag balat! Ang hapdi!
"Lumabas ka na hi-highblood nanaman ako sa'yo eh." Humawak pa si mama sa batok nya.
"Yan kase mukha pera." Gatong pa ng magaling kong kapatid.
"Epal ka!" Sigaw ko sa kanya habang lumuluha.
"Wag mong bigyan ng pera yan ma! Maghapon sa labas yan! Puro computer yang si Ate." Gatong pa nito.
"Hindi ko naman bibigyan yan."
Tinalakan ako ni mama at nakikisali pa yung magaling kong kapatid. Tang ina nya mamatay na sila! Makakabawi din ako sa magaling kong kapatid! Gago sya! Halimaw! Demonyo!
Nag walk out ako dahil galit talaga ako at dahil nga kinurot ako ni mama hindi ako umuwi ng bahay magdamag kahit kumain hindi. Gabi na nung umuwi ako at naabutan ko silang kumain.
"Kumain kana." Aya ni mama pero hindi ko sya pinansin. Umupo lang ako sa sofa at binuksan yung TV para keme keme busy.
"Ohh." Inabutan ako ni mama ng 50 kaya napatingin ako sa kanya.
"Pa choosy pa..." dinig ko pang bulong nito.
"Kumain kana." Mama.
"Ma bat sya meron!" Angal ng kapatid ko ng makita yung pera hawak ko.
"Manahimik ka bukas kana mag pera."
Dahil nga sa pera nawala yung galit ko kumain nako at pagtapos kumain naglakad nako paakyat ng kwarto ko pero bago ako umakyat nakita ko yung magaling kong kapatid na dadaan kaya naman tinawag ko at nilingon naman nya ko.
"Bleeh." Pang aasar ko sabay takbo.
"Ma! Si ate nangangasar oh!" Rinig kong sigaw nya.
Yan tama yan mabadtrip kang hayuf ka hahahahaha pero parang ang dami kong pinagdaanan para sa 50 pesos na'to. Napangiti ako kase nasakin parin pala ang huling halakhak.
Na-alala ko nanaman si mama.
Ang dami pang sinasabi mag bibigay din naman pala.
Tsss...
End.

BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Cerita PendekMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star