Pagkukulang

26 1 0
                                    

Pagkukulang by Chologsabogsa

Xander

Sa isang relasyon dumadating tayo sa Boring Stage dito na tayo nakakaramdam ng pananawa. Yung tipong hindi nako kinikilig sa mga sinasabi nya. Yung tipong parang wala lang kapag nakikita ko sya na hindi tulad ng dati na nakakaramdam pako ng excitement kapag makikipag kita sa kanya.

4 years na kami ni Jane at ngayon ang 5th Anniversary namin. Biglang nag ring ang phone ko at nakita ko nag text si Kim, hindi ko alam pero napangiti ako dahil nag text si Kim sakin. Mahal ko si Jane but Kim makes me happy.. alam kong mali ito pero sadyang makulit si Kim kaya ngayon ay nahuhulog nako sa kanya.

I know its wrong pero hindi ko mapigilan, I tried to stop her pero hindi sya sumuko at hanggang sa nakuha nya ang loob ko. Okay lang naman kay Kim na hanggang flings lang kami aware naman sya dahil may girlfriend nako.

From Kim:

Nandito ako ngayon sa Pav.

Agad akong nag punta ron at naabutan ko nga syang nag aantay. Kaya tinakpan ko ang mga mata nya gamit ang dalawang palad ko.

"Stop playing around Xander!" Galit kunwaring sambit.

Tinanggal ko na lang ang kamay ko na naka piring sa kanya at marahan syang hinalikan sa pisngi.

"Miss me??" Tanong ko at narinig ko ang pagtawa nya.

"I badly miss you so much!"

Naupo ako sa kaharap nyang upuan at ngingiti ako sa harap nito. Sa huli nauwi sa pakikipagtalik kay Kim ang pakikipagkita ko sa kanya.

Ala's onse ng gabi ng umuwi ako unit namin patay na ang mga ilaw kaya dahan dahan ako nag lakad papuntang kwarto namin ni Jane.

Laking gulat ko ng makita ko syang nakaupo at mukhang may inaantay. Tanging lampshade lang ang naka bukas na ilaw.

"San ka galing?" Tanong nito.

"Sa..." shit! Hindi ko alam ang idadahilan ko.

"San?" Seryosong tanong nito.

"Sa... sa Birthday ng kaibigan ko.." I lied.

"Sinong kaibigan?"

"Kay.. kay Jake.."

"Masaya ka naman?"

"O-oo.."

"I see... mukhang nakalimutan mong Anniv natin ah.."

Natigilan ako dahil sa sinabi nya hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya.

"Alam mo bang 4 pm pa lang nasa Resto nako?"

"H-Hinde..." utal kong sagot.

Shit! Ngayon nga pala yung Anniv. namin bakit ko nakalimutan 'yon! Nakaramdam ako ng guilt dahil pinag-antay ko sya sa wala.

"Halos nakatulog nako kaka-antay sa'yo.. ilang oras ako nag antay Xander.."

"Sorry-"

Chologsabogsa One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon