Ayuko sa 'yo written by Chologsabogsa
Darlyn
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan, halos lumalaktaw na ako pababa nitong hagdan. Ilang buwan ko rin syang hindi nakita, ilang buwan ko rin sya hinanap-hanap kaya sobra ang pananabik ko na masilayan sya. Pagbaba ng hagdan, patakbo akong naglakad papunta sa sala kung saan naroon sila Mama saka ang step Dad kong si Mayoro.
Last year ng ikasal sila ni Mama, noong una tutol ako sa kasalan na gusto nila pero hindi kalaunan napapayag na lang rin ako, duon kasi masaya si Mama at masaya akong nakikita syang masaya, simula kasi nung pumanaw ang Papa ko bibihira na lang kung tumawa si Mama. Kaya napagisip-isip ko rin na ang kasalan nila ni Tito Mayoro ang sagot para bumalik yung saya ng Mama ko.
Mahal naman nya si Papa alam ko 'yon pero hindi ko sya masisisi kung sa iba nya nakita yung pangungulila nya kay Papa. Kung hindi lang siguro namatay ang Papa ko sa Car Accident, siguro masaya at buo ang pamilya ko.
Napapabuntong hininga ako ng makalapit sa kanila, sya agad ang una kong tinignan bago sila Mama. Napapakagat ako sa labi dahil sa mga pigil na ngiti ko. Kahit hindi man nya ko tignan alam kong alam nya na narito ako.
"Darlyn sweetie! Nakarating na ang Kuya Charlie mo galing subic!"
Sya ang step-brother kong si Charlie, tahimik at seryoso sya lagi. Masungit rin sya kapag kinakausap ko sya kahit simpleng pagtanong lang kung nasaan sila Mama ang sungit sungit nya pero sa kabila man ng mga hindi magandang pinapakita nya, ay sya namang kabaliktaran no'n ang dating sa akin. Lahat yan nagustuhan ko sa kanya, hindi ko alam, imbis na mainis ako dahil sa ugali nya ay para pa akong timang na kinikilig.
"Kamusta kuya?" Bakas sa tono ko ang pagkasabik.
Ilang segundo bago sya tumingin sa akin pero agad rin nabaling sa iba.
"Good."
Napatango-tango ako sa isinagot nya. Ghaad!! Kahit tinig ng boses nya namiss ko! Pasimple kong tinignan ang kabuuan nya. Makisig at malakas pa rin ang kanyang dating.
"Mag pahinga ka muna Charlie, masyadong mahaba ang binyahe mo." Ani Tito Mayoro.
"Okay Dad." Malumanay nyang sambit.
Kung sa akin ayos lang na ikasal sila Mama saka si Tito Mayoro kay Charlie hindi. Tutol sya sa kasal nila Mama pero wala rin naman syang nagawa. Nung una ayaw nya sa amin ni Mama nung nag decide si Tito na tumira kami sa iisang bahay pero hindi katagalan ay ako na lang ang ayaw nya at parang nagkasundo pa sila ni Mama pero nandoon pa rin yung pagiging masungit nya.
Alam ni Charlie na may gusto ako sa kanya at alam ko naman na wala syang pakialam. Hindi ko alam kung kailan ko napagtanto basta alam kong gusto ko sya. Nagde-deny pa nga ako nung una kasi ang tingin ko sa kanya dati ay antipatiko, masungit at hindi marunong ngumiti, pero sa paglipas ng panahon hindi ko namalayan na nahulog na pala ang loob ko sa kanya, para akong isang tigreng mabangis na napaamo nya.
Naalala ko pa nga dati na naba-badtrip pa ako sa tuwing makikita ko ang mukha at pigura nya pero ngayon hindi ko matagalan na hindi sya tignan o makita. Ganoon kalakas ang sapak nya sa akin to the point na nagkakasapak na rin ako kaka-imagine sa kanya. What if kung maging kami? Paano kung maglapat ang mga labi namin? O hindi naman kaya magisa ang kamay naming dalawa? Yiieee!! Kahit imagine lang kinikilig ako!
BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Short StoryMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star