Whats Your Name?

17 1 0
                                    


Florderia

"Singilin mo'to." Sabi ni mama sabay abot sakin ng papel.

May nakasulat sa papel na pangalan at address. Nilagay ko 'ito sa bulsa ng leather jacket ko. Walang sabi sabing lumabas ako at nag tungo ako sa kotse ko.

Agad kong pinuntahan yung binigay saking address ni mama. Dinala ako sa isang malaking gusali. Hinanap ko ang bahay nya dito hanggang sa dalin ako sa ikaapat na palapag nitong gusali.

Tinignan ko muna yung papel at ng masiguro kong tama yung address na'to at kinatok ko ito ng malakas ng tatlong beses at ilang saglit pa bumukas ang pinto.

"Sino po sila?" Tanong nito.

Hindi ako nag abalang sagutin ang tanong nya ay dire-diretso akong pumasok sa loob. Nag tungo ako sa sala at preteng naupo sa sofa saka ako tumingin sa kanya.

"Nasan si Leomore?" Tanong ko.

"Anong kailangan mo sa papa ko? Saka bakit ka nandito?" Sunod sunod na tanong nito habang nakatayo sa harap ko.

"Nandito ako para singilin ang papa mo." Kaswal na sagot ko.

"Ano?"

"Nandito ako para singilin ang papa mo." Paguulit ko.

"Alam ko. Pero bakit nagkautang ang papa ko sa'yo?"

"Walang utang sakin ang papa mo sakin, kay mama sya may utang."

"Pe-pero pano?"

"Nalulong ang tatay mo sa bato pati sa sugal. Inutang nya yung pang bisyo nya pati yung pang sugal nya."

Saglit lang nya ko tinitigan saka ito nag lakad papalayo at mayamaya lang din bumalik ito at may dalang pera.

"Sapat na ba 'ito pang bayad sa utang ng papa ko?"

"Kulang pa."

"Hayaan mo may trabaho naman ako kaya mababayaran ko yan."

"Kahit ilang taon kapa mag trabaho hindi mo mababayaran yun."

Natigilan naman sya sa sinabi ko.

"Sabihin mo sa tatay mo bibigyan ko lang sya ng tatlong araw." Pagkasabi ko nun dire-diretso nako

***

Nagyoyosi ako sa tapat ng pinto habang may hawak na alak sa isang kamay ko.

Hindi rin ako nagtagal sa pagiinom at pumasok na rin ako sa loob. Naabutan ko sila mama na gumagamit nanaman.

"Tawagin mo yung kuya mo." Utos ni mama sakin.

Hindi nako nag abalang sumagot at nag tungo ako sa kwarto ni kuya. Hindi nako kumatok at agad kong binuksan ito at naabutan kong si kuya na hinahasa yung kutsilyo. Napalingon ito sakin pero hindi parin ito tumitigil sa ginagawa nya.

"Pinapatawag ka ni mama." Malumanay kong sabi

Tumayo ito at nilagay sa gilid ang pang hasa. Nag lakad ito at nilagpasan ako ng walang pasabi.

Chologsabogsa One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon