Nanay, Tatay

138 1 0
                                    

"Nanay! Tatay! Gusto kong tinapay!"

Mapait na ngumiti ang Nanay ng bata dahil sa hindi nila maibigay ang mga gustong kainin ng bata ngunit hindi ang Tatay nito na nakuha pang ngumiti kaya hindi napawi ang ngiti ng kanilang anak.

"Tinapay lang ba ang gusto ng bunso? Sabihin mo rin sa ate't kuya mo ang iba mo pang gusto. Ipapabili ko." Nakangiting sambit ng Tatay sa kanyang anak dahilan para magliwanag ang mukha nito.

"Ate't kuya gusto kong kape!" Nakangiting sabi ng munting bata sa kanyang nakakatandang kapatid.

Sumimangot lang ang Ate at ang kaniyang Kuya dahil sa hiling nito. Lagi kasing binibigay ng kanilang magulang ang gusto ng bunso kahit kapos sila.

"Lagi ka na lang nasusunod." Asik ng ate.

"Puro na lang gusto mo. Wala tayong pera." Asik rin ng kuya.

Nagtatampo ang dalawa dahil sila ang mas nakakaranas ng kahirapan samantalang walang ginagawa ang kanilang bunsong kapatid pero ang lakas nitong humiling sa kanilang magulang.

"Mga anak simpleng bagay lamang ang hinihiling ng kapatid nyo, hindi nyo pa mapabibigyan, Mas muswerte ka—"

"Oo na Nay, saan naman kami kukuha ng pera?" Tanong ng Kuya.

"May ipon ang iyong bunso. Maraming nagbigay sa kanya ng limos." Sabi ng Tatay saka ibinigay ang pera ng bunso.

"Sapat na po ba yan?" Tanong ni bunso.

"Oo. Saglit lang bunso bibili lang kami ni kuya." Paalam ng Ate bago lumbas ng kanilang bahay na pinag-patong patong na kahoy lamang. Kasama ang kanyang Kuya na bumili.

Lumapit naman ang Nanay sa kanyang bunsong anak saka marahan syang niyakap.

"Kawawa naman ang anak ko." Naluluhang sambit ng Nanay.

"Kung may pera lang sana tayo.." wika naman ng Tatay.

Isang kahig isang tuka ang kanilang buhay. Kung ano lamang ang meron ayon lang. Ngunit sa kabila ng lungkot na nararamdaman ng magulang nakuha pang ngumiti ng bata.

"H'wag na po kayong malungkot Nay, Tay, sigurado po akong may plano ang diyos kung bakit nya po akong ginawang bulag." Nakangiti nyang sambit.

Bulag si Bunso, kaya hindi sya pinapagawa ng mga mabibigat na gawain at tanging panlilimos lamang ang kaya nyang gawin. Dahil na rin sa kanyang kapansanan maraming nagbibigay sa kanya ng barya.

"Laro na lamang po tayo. Nanay, Tatay." Anyaya nya sa kanyang magulang.

Pareho nilang pinahid ang mga nagbabadyang luha at masayang nakipaglaro sa anak.

End.

~Chologsabogsa

A/N: Inspired by sa larong Nanay, Tatay sana nagustuhan n'yo hahaha! Mga bata kasi sa amin e naglalaro nito ngayon ayan tuloy, nakagawa tuloy ako ng isa na namang short story.

Note: matuto tayong mag value kung anong meron tayo o kung ano lang yung nakayanan natin. Kung may nakakain at natutulugan ka napaka suwerte mo dahil hindi lahat kagaya mo. Spread love at wag pairalin ang inggit. Lovelots!! Saka yung ng block sa akin lab you!!

Chologsabogsa One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon