Shiniah
"Sure kabang gagana 'to?" Tanong ko kay Emily.
Nandito na kami sa parking lot at sinabit ko sa motor ni Limo ang lunch box na puno ng niluto kong afritada. Napagplanuhan kase namin na lutuan ko si Limo ng pinakamasarap na ulam.
"Hindi ko rin alam saka nandito na tayo." Pagkasabi nya nun naglakad kami sa malayo at nag tago sa gilid. Mula rito ay tanaw parin ang motor ni Limo. Ang tanging gagawin nalang namin ngayon ay maghintay.
"Kakainin nya kaya?" Tanong ko kay Emily
"Maniwala ka sakin. Bubusugin sya nyan ng pagmamahal." Ani nito na akala mo talaga ay siguradong sigurado.
Bestfriend ko si Emily at humingi ako ng tulong sa kanya para kay Limo. Si Limo Torres ang sikat na vocalist sa banda nilang The Creatures. Lagi akong nanunuod ng banda nila at hindi kayo maniniwala na kaibigan ko sya hihihihi.
"Anong oras kaya pupunta yun?" Tanong ko habang palinga linga sa paligid.
"Maya may- ohh nandyan na pala." Pagkasabi ni Emily napasulyap ako sa tinitingnan nito.
Mula rito ay tanaw namin si Limo na naglalakad palapit sa motor nya. Shitt!! Ayan na makikita na nya! Kakainin nya kaya? Sana magustuhan nya dahil pinaghirapan ko talagang lutuin yan. Ang dami ko ngang paso sa kamay dahil first time kong mag luto ng afritada at nanuod talaga ako kung paano. Pinag aralan ko talaga kung paano lutuin 'ito. Afritada ang paborito nitong ulam. Napag alamanan ko yun sa mommy nya and yes! Close kami ng mama nya! Gusto ko ng mama nya para sa anak nyang si Limo.
"Ayan na... nakita na nya Emily." Pagkasabi ko nun ay tahimik lang kaming pinagmamasdan sya sa di kalayuan.
Kinuha nya ang nakasabit na lunch box at pinagmasdan 'ito. Habang pinagmamasdan nya 'ito may bigla namang bumangga sa kanya kaya nahulog ang lunch box ko at natapon ang niluto kong ulam.
"Haluh.." ani Emily.
Para naman akong binagsakan ng malaking bato dahil sa nakita. Nasayang lang ang pinag hirapan ko ng ganun ganun lang! Nakita ko namang naka ngiti pa yung bumangga at nung kasama nito. Mga kabanda nya.
"Ano na pare- sorry pre diko alam na may pagkain kang hawak" Sabi nito. Nakasanayan na kase ng lalaking 'to na biruin si Limo ng ganun at ang nakakainis bakit kung kailan sa gantong sitwasyon pa! Nakakainis lang!
Pinagmasdan nito ang natapong ulam at para 'itong natutula.
"Ang harot mo kasi Lindon ayan natapon tuloy. Galing sa fans mo?" Tanong pa ng isa nitong kasama.
Rinig namin ang paguusap nila dahil hindi naman kaming masyadong malayo sa kinaroroonan nila.
"Hayaan mona yan. Alis nako." Pagkasabi nya nun sumakay na sya sa motor at walang sabi sabing umalis ito.
***
Break time namin ngayon at nandito kami ni Emily sa Cafeteria. Lumbay na lumbay ako dahil sa nangyari. Hindi man lang nya natikman yung niluto ko. Badtrip!
"Huy! Wag mong dibdibin 'te" dahil sa sinabi ni Emily tuluyan na talaga mag salubong ang kilay ko.
"Nakakainis kase! Ginawa ko yun para kay Limo! Hindi para sa lupa Emily! Kaya paano ko hindi didibdibin? Pano Emily!" Singhal ko sa kanya. Konti lang naman ang tao rito kaya ayos lang kahit mag ingay ako. Saka hindi lang naman ako ang nagkakadarapa kay Limo halos lahat ng babae dito maliban nalang kay Emily man hater yan eh.
"Shiniah Cortes. Marami pa namang pagkalataon. Pero siguro kung hindi lang natapon yun baka kinain nya yun." Aniya.
"So.. anong susunod nating gagawin?" Tanong ko sa kanya. Ako kase yung taong walang alam sa mundo kundi ang magpakasaya lang sa buhay. Wala na ngang brain wala pang talent. Ang blessed ko diba?
BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Historia CortaMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star