LaizaHiwalay na sina mom and dad at magkasama naman kami sa iisang bahay ni kuya. Lahat naman ng pangangailangan namin ibinibigay nila samin. Silang dalawa rin ang gumagastos lahat ng bayarin dito sa bahay.
Umaakyat nako papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko yung pinto ng kwarto ko nung makapasok ako sa loob.
Magkatabi ang kwarto namin ni kuya at kahoy lang ang dingding nito kaya kapag kumatok ako ay kakatok din ang loko.
Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama ko. Binuksan ko ang laptop ko at sinimulang mag scrool down sa facebook.
Hindi ko namalayan ang oras at alas dos na pala pero hindi ko nalang iyon pinansin at nag patuloy ako sa ginagawa ko. Tinignan ko kung sino yung mga naka online na friends ko na pwede kong makausap.
Nakita kong naka online si Lilly ang bestfriend ko kaya naman chinat ko ito.
Laiza: Huhuhuhu Can't sleep
Lilly: same hahaha pano kaya nagagawa ng iba na matulog ng maaga.
Laiza: mga team puyaters tayo hahahaha
Lilly: napapansin ko nga HAHAHAHA
Napapadalas na lagi yung pag puyat namin ni Lilly. Sineen ko na lang muna yung chat nya at sa hindi ko inaasahan naka online si Kazako.
Si Kazako ay laging binubully sa class at lagi syang kasangkot sa trip. Ako nalang ata ang hindi nangtritrip sa kanya. Kung tutuusin ang bait bait ko pa dahil kinonfirm ko pa sya.
Chinat ko ulit si Lilly.
Laiza: Hahaha biruin mo gising pa si Kazako ng gantong oras.
Lilly: Hahahaha chat mo.
Laiza: Hahaha bakit ko naman i cha-chat yun? Ehh weirdo yung babae'ng yun!
Lilly: Hahahaha try mo lang! Bagot eh! Kung friends ko lang yan!
Typing palang ako dahil mag re-reply sana ako kay Lilly ng biglang nag chat si Kazako.
Kazako: Laiza?
Nag dadalawang isip pa ko kung mag re-reply ako pero sa huli napag desisyonan kong mag reply.
Laiza: Bakit?
Dumako ako agad kay Lilly at sinabi ko nga ng biglang nag chat si Kazako.
Kazako: Laiza Tulungan mo ko!
Kazako: Mamamatay ako kapag hindi moko tinulungan.
Mamamatay sya? Kapag hindi ko tinulungan?
Laiza: ano bang pinag sasabi mo?
Kazako: I chat mo si Game.. search mo lang game tapos yung unang lalabas i chat mo ng Hi!
Laiza: huh? Wala akong panahon makipag laro sayo kaya tigilan mo ko weirdo!
Ano bang tama yan! Nag shashabu ba sya! Kase kung oo ang lakas ng tama nya. Cha-chat ko palang sana si Lilly ng tinadtad ako ng pm ni Kazako. Nagmamakaawa sya na gawin ko ang sinabi nya.

BINABASA MO ANG
Chologsabogsa One Shot Collection
Short StoryMy one shot collection. Titles* -Love Of Passion -Nathalie -The Hurts He Never Knew -Unlike -Liked -Tuwing Umuulan -Rebound -Pera -Whats Your Name? -Hi! Truth or Dare? -My 7 Princess -PANGET -Pagkukulang -Porn Star