Tuwing Umuulan

31 1 0
                                    

Raine

Kasalukuyang umuulan sa labas at nandito ako sa tapat ng bintana ng kwarto ko. Kapag umuulan talaga nakakaramdan ako ng lungkot.. basta kapag umulan matik na yan. Kakainin nako ng lungkot nyan.

Dahan dahan ko pang hinawakan yung bintana ko dahil may naalala nanaman ako. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko parin makalimutan.

***

"Ang saya!" Sigaw ko kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglilibot. Ikinakaskas ko pa sa baha ang paa ko. Nag patuloy ako sa paglilibot at masaya akong habang naglalakad.

May natanaw akong lalaki sa hindi kalayuan. Pinagmasdan ko muna sya habang nakatayo ako hindi kalayuan sa kanya. Nakayuko ito habang nakasakay sa duyan. Bagsak rin ang mga balikat nito na akala mo buhat buhat nya ang buong mundo.

'Problemado ata'

Nilapitan ko sya at hindi man lang ito kumilos sa kinauupuan nya. Hindi man lang ako nito binalingan ng tingin kahit pa tumikhim ako bago umupo sa kalapit na duyan mula sa kanya.

'Ano pang silbi nyang duyan kung ayaw mo igalaw! Tss.. hindi sana naupo nalang sya sa bench.'

"Ang saya maligo sa ulan ano?" Sabi ko pero hindi nya ko sinagot.

"Ikaw? Masaya ka rin ba? Kase ako! Super duper ang saya!" Ngingiti ko pang sabi habang nakatingin sa kanya.

Napaangat ang tingin nito.. saka dahan dahan tumingin sakin.

d˙○˙b

Nangingilid ang luha nito habang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung anong maling ginawa ko kung bakit sya naluluha? Dahil ba sa sinabi ko?

"U-uuy?! Anong problema dude?! Bat ka umiiyak?"

Nanatili syang nakatitig sakin at ako naman nakatingin lang sa kanya.

"Ba-bading ka-kaba?"

Imbis na sagutin nya ang tanong ko ay tumayo ito at mabilis na naglakad palapit sakin at niyakap ako.

d»_«b

May saltik yata ang isang 'to bigla ba naman yumuko at yakapin ako. Sa gulat ko hindi narin ako naka angal at mayamaya lang hinagod ko ang likod nito dahil ramdam ko sa balikat ko na humahagulgol na sya.

***

Masaya ako habang nag tatatalon habang malakas na umuulan. Para akong bata na super duper! Saya sa bawat patak ng ulan.

Gustong gusto ko talaga kapag umuulan! Ang saya saya! Bigla ko naman naalala yung lalaki kaya saglit akong napahinto at napahawak pa sa baba ko.

'Hmmm... nandun kaya yung lalaki weirdo?'

Tanong ko sa isip ko. Sa huli napagdesisyonan kong pumunta ulit kung san ko sya nakita. Ganun parin ang posisyon nya! Hindi nagbago mula nung una ko syang makita. Yung suot nya lang yung nagbago.

Chologsabogsa One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon