Nathalie

79 9 0
                                    


Jericho's POV

Habang naglalakad ako sa kalsada, may kumakaway saking babae. Hindi ko sya kilala at wala along natatandaan na nagsama na kami nyan. Ang weird kaya nilapitan ko.

"Excuse me miss, did i know you?" Tanong ko

"Ahhh pano ba, gusto ko sana humingi sayo ng kaunting tulong, promise hindi nako magpapakita mananahimik nako." Sabi pa nya

Ang weird nya talaga, eh ngayon ko pa lang sya nakita, siguro stalker ko to. Hindi naman nasama tumulong pero hindi ko sya kilala at isa pa pagod ako kaya gusto ko na mag pahinga.

"Ahh miss, sa iba ka nalang humingi ng tulong, pagod ako gusto ko na mag pahinga." Sabi ko

"Ahh ganun ba, mukha ngang pagod ka. Pawis na pawis ka oh, pero pwedeng bang sa susunod na lang na magkita tayo dito tulungan mo na ko."

Linggo kasi ngayon and every Sunday nag gy-gym ako dito. Anong tulong naman ang gusto ng babaeng to?

"Ano bayun miss?" Tanong ko

"Bilhan mo ng pag-kain si mama. Ihatid mo dun, wala nako sa bahay siguradong bilang nalang ang kinakain nya." Sabi nya

Nakaramdam ako ng awa. Kawawa naman ang nanay nya.

"Wala ka bang pera?" Tanong ko

"Kaya nga wala ko dun, gusto ko kase pag pumunta ako dun meron akong ibibigay sa kanya." Sabi pa nya

"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko

"Nathalie." Sagot nya

"Next time nalang miss." Sabi ko

"Sige." Sabi ni nathalie

Nilagpasan ko sya at nag patuloy sa pag lalakad. Sana makita ulit kita dito pag nangyari yun tutulungan na kita. Pag dating sa condo ko tulog agad ako pagod talaga ako.

Kinabukasan trabaho ulit ang inatupag ko. Grabe parang susuko nako sa sandamakmak na papeles dito. Mayamaya umatend nako ng meeting. Puro bagong proyekto ang gusto ko at iyon lang ang pinaliwanag ko. Pag tapos ng meeting umuwi nako. Sa hindi ko malamang dahilan pumasok sa isip ko yung babaeng nakasalubong ko.

Chologsabogsa One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon