Kabanata 10

12 0 0
                                    


Tila ang daming dagang naglalaro sa dibdib ni Josh. Magsisimula na ang concert kaya naman dumoble ang kabang nararamdaman nilang grupo. Isa kasi ito sa mga major concert nila at isa sa malalaking venue na natungtungan nila.

Maya-maya pa ay tumindi ang hiyawan nang magsimula nang mag announce ang host.

Matapos ang maikling panalangin, agad na silang pumwesto sa stage para simulant na ang concert.

Samantala, nagsisimula na ring kumabog ang dibdid ni Debby, kailangan na niyang makaalis sa lugar para makaabot pa siya sa concert. Tapos na ang program nila at nagakakainan na lamang ang mga bata.

"Debby kain ka na, parang hindi ka mapakali diyan," puna ni Venus sa kanya.

"Okay lang ako, need ko na kasing lumuwas. May pinangakuan kasi ako na sisiputin ko ngayon. Nandyan na ba si Kuya Richard?" tanong niya dito. Kanina pa sinisipat ng mata niya ang driver nila.

"Nako, di mo agad sinabi. Sinama ni Pastor si kuya Richard dun sa may sampaguitahan. Namumuti sila dun kasama yung mga nanay ng mga bata,"

"Nako ganon ba. Wala bang dumadaan pedeng masakyan dito?"

Mukhang narinig ng isang nanay ang kanilang pag-uusap kaya sumagot ito.

"Nako ineng, papasok kasi ito ih. Medyo madalang lang sasakyan dito. Mag-abang abang ka palabas baka may dumaang tricycle," payo nito sa kanya.

Hindi na nag aksaya ng panahon si Debby. Agad na niyang inayos ang kanyang gamit.

"Venus, ikaw na muna diyan ha, mauna na ko. Pasabi na lang sa kanila," agad siyang lumakad paalis.

"Kumain ka na muna!" pahabol na sigaw ng kasama pero hindi na niya ito nalingon.

Takbo-lakad na ang ginawa niya para mas mabilis makarating sa labasan. Nang may makita siyang maliit na truck, naglakas loob na siyang parahin ito.

"Manong pwede po makisabay, sa may sakayan lang po ng jeep,"

"Sige iha, sakto at dun ako magbababa ng mga sampaguita,"

"Nako maraming Salamat po!"

Kinapalan na niya ang mukha niya at sumakay dito.

Kasalukuyang kumakanta na ng kanyang solong performance si Justin sa stage. Samantalang si Josh ay palinga linga sa audience area. Sinisipat niya kung nandun na ba sa tabi ni Lala si Debby.

"Ano bro? Susunod ka na," paalala ni Paulo sa kanya.


"Oo ready na ko," tumingin siya sa salamin at inayos ayos ang buhok niya.


Debby's POV

Mag-aalas kwatro na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para bumilis ang jeep nato. Kanina ko pa tinetext si Lala pero mukhang enjoy na enjoy na siya sa concert at di na ko nakuhang replyan. Nasa jeep na ko papuntang Araneta. Ito na ata ang pinakamahabang pagbyahe ko sa jeep dahil sa sobrang kaba ko.

Nang masilayan ko na yung lugar agad akong pumara.

Naririnig ko na sa labas yung mga hiyawan sa loob.

Nagmadali akong pumasok sa venue. Paglapit ko dun ay narinig ko na agad ang boses ni Josh.

Been thinkin' 'bout you, baby

And I don't know what to do

All I think about is you


Carpe DiemWhere stories live. Discover now