Kasalukuyang naglalaro si Justin, Ken at Josh ng mobile game. Ito ang pangpalipas oras nila kapag nasa condo. Si Stell naman ay nagluluto ng kanilang hapunan katulong si Paulo.
"So san ka nga galing nung Biyernes at di ka umuwi?" pangungulit ni Justin kay Josh.
"Sikretong malupet," tugon niya.
"Eyyyy. Mukhang may monkey business tong si Santos," gatong ni Ken.
Nasa kalagitnaan na sila nang paglalaro at malapit nang matalo si Justin ni Josh at Ken na magkakampi.
Bigla namang nag ring ang cellphone ni Josh na naging dahilan ng paghinto ng kanyang paglalaro "Aishhhh"
"Sino yan?" sinilip ni Ken ang phone ng kaibigan, "Si Debby?"
Hindi alam ni Josh ang dahilan pero na excite siyang sagutin ang tawag.
"Dre kayo muna, wait lang," tumayo ito at lumayo sa mga kaibigan.
"Hoy Josh! Mag chichicken dinner tayo! Aishhh!" habol na sigaw ni Ken pero parang hindi ito narinig ng kaibigan.
"Oh Debby?" sagot niya.
"Hello Josh, sorry sa abala, di ko kasi macontact si Stell. Kasama ko kasi si Lala. Baka pede nyo kaming puntahan,"
Matapos sabihin ni Debby ang dahilan at ang lokasyon nila, hindi na nag aksaya ng oras si Josh. Pinuntahan na niya agad ang mga ito kasama si Stell at Paulo.
Nagpunta sila sa isang bar kung saan sinabi ni Debby. Nadatnan nila ito na inaalalayan ang lasing na lasing na si Lala.
"Naku Lala! Mayayari ako nan kay tita!" nag-aalalang bungad ni Stell nang makita ang kanyang pinsan. Agad nitong inalalayan ang dalaga. Si Paulo na naman ay aakmang tutulong pero pinatid lang ni Lala ang kamay nito.
"Don't touch me!" kahit hilong hilo ay nagawa pa nitong magtaray.
"Hay naku kang bata ka, halika at iuuwi na kita. Debby salamat ha," baling ni Stell kay Debby.
"Okay lang," mukha namang hindi ito nakainom.
"Josh, makikihatid na lang si Debby, ihahatid na muna namin to sa kanila," ani Stell.
"Sige," agad namang tumawag ng taxi ang mga ito.
Naiwan sina Josh at Debby sa harap ng bar kung saan nagwalwal si Lala.
"Tara?" yakag ng binata.
"Hm, Josh. Ano kasi- -" napatingin si Josh sa damit ni Debby at ngayon lang niya napansin na panay suka ang damit nito. "Lagot ako kay Daddy pag umuwi akong ganito,"
Malapit lang ang bar na pinanggalingan nila sa bahay nila Josh sa Pasig kaya naman ito ang kanyang naisip na solusyon. Tutal may kapatid itong dalaga kaya may ipapahiram siyang damit. Hindi rin kasi maaaring sa condo niya ito dalhin dahil baka maging issue pa ito.
Bumungad ang ate ni Josh sa kanila na halatang naalimpungatan dahil sa pagkatok nila sa pinto.
"Oh, bat ka nandito? Gabing gabi na atsaka ka pa uuwi," halata sa boses nito na nainis siya sa paggising sa kanya ng kapatid.
"May kasama ako, hihiramin lang namin damit mo," napatingin naman si Yuna sa babaeng nasa likod ng kapatid. Agad namang nag-iba ang mood ni Yuna na makitang may kasamang babae ang kapatid. Ngumiti ito kay Josh na parang may ipinahihiwatig.
"Sino siya?" tanong nito at agad ngumiti kay Debby.
"Itigil mo nga yang ngiti mong yan, Debby si Yuna, ate ko," pagpapakilala nito.
YOU ARE READING
Carpe Diem
FanfictionA fan fiction for the most charismatic member of SB19 - Josh Cullen Santos. Deborah "Debby" Natividad is a girl who is a coward when it comes to risk-taking. She is afraid to fail and to regret. But when she met Josh Cullen Santos, she realized tha...