Kabanata 1

73 2 0
                                    

Life is full of crossroads. Every move, you need to make a choice. Unconsciously, we are taking high risks in every decision that we make. There is always a possible danger. But how would you know if the things that lie at the end of the road are worth the risk? Or it just a waste of time and effort?

In the game of love, what is the probability that you will win?

In the first place, are you willing to play the game?


Debby's POV

"Kuya Stell kaseeeeee!!!" sigaw ni Lala habang nagkakampay ang kanyang mga paa. Kasalukuyan siyang nagtatantrums sa sahig para payagan siya ni Stell. And yes, di siya nahihiya na kasama niya ako ngayon.

"Ah-ah Lala, di ka ba nahihiya kay Debby? Para kang bata diyan," sagot naman ni Stell.

"Okay lang po. Sanay na po ako," tugon ko na lamang.

Sinama kasi ako ni Lala dito sa bahay ng pinsan niyang si Stell kasi isasama daw siya nito sa isang event ng SB19. Apparently, siya lang pala ang nagdecide nun. Ayaw siyang isama ni Stell kasi for sure mangungulit lang to kay Sejun na ultimate crush niya.

"Kuya naman ihhhh. Tingnan mo inabala ko pa yan si Debby para samahan ako tapos di mo ko isasama. Please na kasiii," humawak na ito sa binti ni Kuya Stell at ipinulupot ang kanyang katawan.

Ako na ang nahihiya para sa kaibigan ko.

"Yun na nga ih. Sinama mo pa si Debby mamaya magkalat ka na naman dun," sagot ni Stell habang pilit na kumakawala sa pagpulupot ni Lala.

"Promise kuya hindeeeeeee. Promiseeee!"

"Hay nako. Kung wala lang dito si Debby nako nako. Sige na! Sinasabi ko sayo huwag mong kulitin si Paulo! Kainaman ka!" at ayon nagwagi na naman ang kakulitan ni Lala. Hay. Ganyang ganyan paraan niya para samahan ko siya ngayon.

"Yes! Promise! Cross my heart!" bumitaw na ang siya at nagsign pa ng cross sa heart niya.

"Oh sige na! Ako'y magpprepare pa! Iready niyo na gamit niyo ha?"

"You know I'm ready! C'mon and test me!" sagot naman ni Lala.

Hay. Ayokong magsaya. Damay na naman ako sa kalokohan nito.

Actually, di ko pa naman talaga nammeet personally ang members ng SB19, except kay Stell kasi nga pinsan siya ni Lala. Napapanood ko lang sila sa TV at first time ko lang talagang sumama sa event nila pero kilala ko na sila. So dahil sembreak ngayon, wala akong naidahilan para makatanggi kay Lala.

"I'm soooo very very ultra mega happy frenny! Yihhhh makakasama ko na si Paulo!" kung anime to, makikita kong nagniningning mga mata niya at naghuhugis heart.

Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit namin dito sa kwarto niya.

"Halatang halata nga," tipid kong sagot. "Basta siguraduhin mong before Sunday makauwi tayo ha. May Church Service kami," dugtong ko.

"Ito naman kinokonsensya pa ko. Oo pwamis!" sabay yakap sakin. "Thank you talaga frenny ha. Salamat sa suporta sa love life ko haha. Yaan mo baka matagpuan mo din yung sayo dun, papakilala kita sa mga fanboys HAHA" saad pa niya.

"Hay nako. Ako naman pagttripan mo. Di kita sasamahan eh,"

Bumitaw siya sa pagkakayakap.

"Frenny ayaw kitang maging matandang dalagang teacher! Kaya sige! Magiging dalawa ang mission, vision, goals ko ngayon! Oplan landiin si Paulo at hanapan ka ng lovelife! Yihh!"may pagtaas pa siya ng dalawang kamay habang sinasabi yon.

Carpe DiemWhere stories live. Discover now