Kabanata 6

27 2 0
                                    

Debby's POV

Tapos na ang sembreak kaya back to work na ko. Namiss ko rin naman ang ingay at kulit ng mga Grade 1 pupils ko.

Ilang mga papel rin ang tinapos kong icheck bago ako nag unat-unat. 5:30 na pala. Friday na kasi kaya gusto ko tapos lahat ng gawain ko. Ayaw ko nang mag uwi sa bahay ng trabaho.

"Ma'am Natividad?" napatingin ako sa bukas na pinto ng classroom ko, si Kuya Abet.

"Bakit po kuya?"

"May naghahanap po sa inyo sa labas, nandon po sa waiting area,"

"Ah sige po kuya, salamat po," umalis na siya pagkatapos.

Ay di ko pala natanong kung sino, most probably magulang ng estudyante ko.

Inimis ko na ang gamit ko bago lumabas.

Wala na halos tao sa school kung di iilang mga bata na naglalaro pa. Talaga ang mga batang ito ayaw pa mag siuwi, pagsabihan ko nga.

"Mga bata, umuwi na kayo sasarhan na kayo ni Kuya Abet ng gate sige,"

"Opo Ma'am Natividad," agad silang nagtakbuhan dala dala ang mga bag nila.

"Naks, Ma'am Natividad"

Napatingin ako sa likod ko at nagulat. Kilala ko ito ah.

"Josh? " Naka mask siyang black at nakasumbrero. Buti di ito pinagkamalang terorista ni Kuya Abet.

Hinubad niya ang mask niya.

"Bat ang bilis mo namang nakilala ako, di ba naging effective pagd- disguise ko?"

Ewan pero kilala ko na ata agad yung mga mata niya.

"Ahm, nabosesan kasi kita, bakit ka pala nandito?"

"Dinadalaw ka, G ka ba?"

"G saan?"

"Let's catch up"

At ayon natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa harap ng motor ni Josh. Isinuot niya sa akin yung helmet at saka ako umangkas. First time kong makaangkas sa motor kasi ayaw akong payagan ni Daddy.

"Kapit kang maigi," naramdaman niya sigurong kinakabahan ako. So yun hinigpitan ko yung kapit ko sa sleeves niya.

"Hindi diyan baka mahulog ka," kinuha niya yung kamay ko at inilipat sa bewang niya. "Relax ka lang, hindi ko bibilisan don't worry," at sinimulan niyang paandarin yung motor.

Nakakatakot at nakakakaba pero at the same time fulfilling ang pakiramdam ko ngayon. Naranasan ko rin sa wakas ito.

Mga ilang minuto lang ay nkarating na kami sa night market.

"Bat tayo nandito?" tanong ko habang iniaalis ang helmet sa ulo ko.

"Let's start stepping out of your zone, shall we?" ngumiti siya at iniabot ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko ito.

Should I? Kakayanin ko ba?

"Tara na," kinuha niya ang kamay ko at hinatak niya ako papunta sa ihawan.

"Anong gusto mong unahin?" tanong niya sa akin.

"Ah- yung best seller nila?" tumawa siya sa sagot ko.

"Oh sige, ate, isaw po, kalamares, betamax, bitukang baboy, atsaka po nitong paa. Tiglilima po kaming dalawa,"

"Huy, ang dami naman ," bulong ko sa kanya. Di kaya magka hepatitis kami dito?

Carpe DiemWhere stories live. Discover now